*Valorous POV* "Gusto ko ho sanang hingin ang basbas ninyo. Gusto ko pong pakasalan ang anak ninyo," magalang na sambit ko sa mga magulang ni Selena. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan namin ni Selena ay heto at okay na ulit kaming dalawa. Inamin na namin ang totoong nararamdaman namin para sa isa't isa at hindi na namin dadayain pa ang totoo. Alam namin na mahal namin ang isa't isa, at ako ay hindi ko kayang mawala si Selena. Hindi ako makakapayag na hindi siya maikasal sa akin. "Val, hindi ako tututol sayo. Alam mo naman na noon pa man ay boto na ako sayo para kay Selena. Alam kong kaya mo siyang protektahan at alagaan. Iyon lang naman ang dalangin ko," sabi ng Mommy ni Selena sakin. Napangiti naman ako at napatango sa kaniya. "Makakaasa ho kayo na

