*SELENA's POV* Sunod-sunod ang mga mensaheng natatanggap ko kay Val pero kahit isa ay wala akong sinagot sa mga iyon. Palagi niya akong tinatanong kung ayos lang daw ba ako. Kung kumain na ba ako. Kung nakauwi na ba ako galing sa trabaho. Wala itong palya sa pagkumusta at pagpapadala ng mensahe sa akin. Pero hindi ko ito nirereplayan. "Are you okay?" Nagulat ako nang pumasok si Mommy sa silid ko. Nakatitig lang ako sa cellphone ko. Naabutan niya akong nagmumuni-muni. "M-mom..." medyo nauutal kong sabi. "You look sad. Is everything fine?" Masyado bang halata na may iniinda akong kalungkutan? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nananamlay ng ganito. Choice ko naman ito eh. Desisyon ko na hayaan na lang si Val at wag ng bumalik kung ano man ang mayroon kami dati. Per

