Ilang araw na hindi dumadalaw si Val kay Selena sa eskwelahang tinuturuan nito. Bigla tuloy nag-alala si Selena para dito. Kung kailan handa na siyang sabihin kay Val na mahal niya pa rin ito at kung kailan handa na ulit siyang sumugal ay saka naman ito hindi nagpupunta, hindi niya tuloy ito makausap. "Ma'am bakit po parang malungkot kayo?" puna sa kaniya ng isa sa mga estudyante niya. Namalayan na lang niya na kanina pa pala siya tulala at nakatingin sa kawalan. Gustuhin man niyang sagutin ang tanong ng mga estudyante niya ay mas minabuti niyang huwag na lang. Hindi rin naman maiintindihan ng mga ito kung ano man ang pinagdadaanan niya. Isa pa ay sa kaniya na lang dapat iyon. "Ma'am, nag-break na po ba kayo nung boyfriend mo?" Nagulat siya sa tanong ni Clyde. Hindi niya inaasahan na ma

