CHAPTER 28

2049 Words
*SELENA's POV* Hinihingal ako nang makarating sa classroom namin. Hindi ko alam kung paano sisimulan na sabihin kila Stanley ang nangyari tungkol kay Elisha. Napansin ako kaagad ni Val kaya naman agad nya akong tinanong. "Selena, ayos ka lang ba?" Nanunuri ang tingin na ipinukol nya sa akin. Dahil sa tanong na iyon ni Val ay napansin na din ako nila Stanley at napako sa akin ang atensyon nila. "Oo nga Selena, ayos ka lang ba? Bakit ganyan ang itsura mo? Namumutla ka ah!" ani Stanley at tiningnan ang noo ko. Pinahid ko ang noo ko dahil ramdam ko ang butil-butil kong pawis na pumapatak na. "S-si Elisha..." habol ang hiningang sambit ko. Kumunot ang noo nila sakin ganoon din si Trinity na nakatayo sa gilid ko habang nakapamaywang. "What's wrong with Elisha? Okay na siya 'di ba?" ani Trinity. Napalunok ako dahil sa sinabi nya. Tila bumara sa lalamunan ko ang laway ko. Kung kailan nagiging okay na si Elisha ay saka naman nangyayari ang lahat ng ito. Napapikit na lang ako ng mariin. Hindi ko napigilan ang luhang kusang tumulo sa mga mata ko. Lalong nag-alala sila Val dahil sa pagbagsak ng luha ko. "Hey, Selena? Bakit ka umiiyak? What happened?" tanong ni Val at naramdaman ko ang kamay nya na pinatong nya mula sa likod ko. "Wala na si Elisha," sagot ko. Lahat sila ay natigilan at medyo napakalakas din ang boses ko kaya naman nagtinginanndin sa amin maging ang grupo nila Bruno. "A-ano? P-papaanong—" "Patay na siya. Nakita na lang namin siya sa cr na wala ng buhay at may tali sa leeg niya," sabi ko. Kita ko sa mga mata nila ang labis na pagkabigla dahil sa sinabi ko. Napatakip si Trinity sa bibig nito at si Val naman ay titig na titig sa mga mata ko. Nababasa ko roon na nagulat siya dahil sa sinabi ko. Kahit si Stanley ay halatang hindi makapaniwala. "Nagbibiro ka lang 'di ba Selena? Sabihin mong hindi totoo lahat ng sinabi mo!" ani Stanley pero sunod-sunod lang ang pag-iling ko sa kaniya habang pumapatak ang luha sa mga mata ko. "Wala na siya Stanley. Wala na si Elisha," Napahagulgol na ako ng tuluyan at agad naman akong dinaluhan ni Val. Naramdaman ko ang paghila niya sa katawan ko at niyakap niya ako. "Sino ang gumagawa ng lahat ng ito? Sino?!" galit na sabi ni Trinity. Umalingawngaw iyon sa buong classroom namin. "Hey, anong nangyayari?" tanong samin ni Bruno dahil sa narinig niya ay agad nya kaming nilapitan. Nasa gilid nito si Jerron. "Patay na si Elisha, pinatay na naman siya ng kung sino mang walang puso!" si Trinity ang sumagot kay Bruno. "W-what? I thought she's okay na?" "Iyon nga ang masakit Bruno. Kung kailan nagiging okay na siya ay saka naman nangyari ang lahat ng ito!" ani Trinity. "Nasaan ang bangkay ni Elisha?" tanong ni Stanley na agad umakmang lalabas. "Nasa likod di kalayuan sa cr na pinuntahan namin kanina ni Lucas. Naroon si Lucas at Jackie, ayaw nilang iwan ang bangkay dahil nag-aalala sila na baka itapon na naman iyon ng guwardiya sa kung saan lang," sagot ko. Hindi na umimik pa si Stanley at nagmamadali na itong lumabas ng classroom namin. Nagtinginan kami ni Val at Trinity. Nagdesisyon kami na sumunod kay Stanley. Wala pa ang teacher namin at wala na rin akong pakialam pa kahit maging absent ako sa mga subject. "Susunod ba talaga tayo sa kanila? Paano ang parusang maaaring mangyari kapag hindi tayo pumasok?" nag-aalalang tanong ni Trinity. "Kahit naman pumasok tayo sa klase ay hindi pa rin doon natatapos ang mga p*****n. Wala na akong pakialam Trinity. Ang mahalaga sakin ay makita si Elisha hanggang sa huling sandali niya dito," sabi ko sa kaniya. Marahang tumango sakin si Trinity. Alam kong naiintindihan niya ako at iyon din ang nais niyang mangyari. "Tayo na," sambit ni Val kaya umalis na kami papunta sa lugar kung saan ko iniwan si Lucas at Jackie kanina. Nasa kalagitnaan pa lang kami ng paglalakad nang marinig ko ang boses ni Bruno. "Wait lang! Sasama ako!" Lumingon kaming tatlo sa kaniya at tumatakbo sya palapit samin. "Bruno? Bakit ka pa sumama? Mapapahamak ka lang," sabi ni Trinity. "Okay lang, wala din naman akong magagawa kung nakatakda na rin akong mamatay. Gusto ko kayong tulungan," sabi ni Bruno. Tumingin siya sakin. Nakatitig din si Val sa akin nang lingunin ko ito at kapagkuwan ay bumaling ng tingin kay Bruno. "Kung gayon ay tayo na," sabi ko sa kanila kaya tinuloy-tuloy na namin ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa pinag-iwanan ko kila Lucas kanina. Naghuhukay si Lucas ng lupa nang abutan namin sya gamit ang pala. Isa-isa niya kaming tiningnan. "Bakit nandito na kayong lahat? Hindi ba kayo natatakot na maparusahan din kapag umabsent kayo?" tanong ni Lucas samin. "Hindi na mahalaga 'yon pare," si Bruno ang sumagot. "Ikaw? Bakit ka sumama?" nagtatakang tanong ni Lucas kay Bruno at pinunasan ang noo nito gamit ang manggas ng suot nitong uniporme. Tagaktak na kasi ang pawis nito sa noo. Nasa tabi nito si Stanley na tumutulong din sa paghuhukay. "Gusto ko lang makatulong," sagot ni Bruno. "Pabayaan mo na siya Lucas. Wala namang masama kung sumama man siya satin," sabi naman ni Stanley. Hindi ko napansin si Trinity na kanina pa pala umiiyak habang nakaupo sa tabi ni Jackie at pinagmamasdan ang walang buhay na si Elisha. Bakas ang pangbibigti sa leeg nito. "Napawalang hiya ng gumawa nito sayo, Elisha! Magbabayad siya!" sigaw ni Trinity. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. "Iyon ba ang cr na pinanggalingan ni Elisha kanina?" tanong ni Val sa cr di kalayuan sa kinalalagyan namin. Tumango naman ako kay Val. "Iyon nga," malungkot na sagot ko kay Val. Umalis naman si Val at agad na pinuntahan ang cr, sumunod dito si Bruno. ———— *Bruno's POV* Agad akong sumunod kay Valorous dala ng kuryosidad sa sinasabing cr ni Selena kung saan nakita ang bangkay ni Elisha. Pati ako ay nagulat sa nangyari. Kaybilis ng mga pangyayari. Sa tingin ko ay isang tao lang ang gumagawa ng pagpatay na ito at narito lang siya sa loob ng Sahara, baka nakakahalubilo pa namin siya. Malaking palaisipan sa bawat isa sa amin kung bakit niya ito ginagawa. Nakarating kami ni Valorous sa cr. As usual ay tahimik pa rin ang isang ito at palaging seryoso ang mukha. Mukhang sinusuri nya ang paligid kaya nakigaya na rin ako sa kaniya kahit na parang hindi ko matatagalan ang amoy sa loob. Masangsang at marumi. Tumingala ako. Halatang hindi na talaga nalilinisan ang lugar na ito. "Wala akong nakikitang lagusan sa lugar na ito, kung kasama ni Jackie si Elisha ay dapat maaabutan ni Jackie kung sino man ang gumawa niyon kay Elisha," sabi ko kay Valorous. Hindi man kami close pero sumagot sya sa sinabi ko. "Tama ka," sang-ayon niya sa akin. "Kailangan ay makausap natin si Jackie. Mauuna na kong lumabas, hindi ko na kaya. Bumabaliktad na ang sikmura ko," sabi ko at napagtiuna na akong lumabas sa kaniya. Bumalik ako sa kinaroroonan nila Selena. Naghuhukay pa rin si Lucas at Stanley. "Anong nakita nyo sa loob?" tanong sakin ni Trinity. Umiling lang ako sa kaniya. Bumaling ako ng tingin kay Jackie. "Jackie? Wala ka bang nakitang ibang tao noong sinamahan mo si Elisha? Walang lagusan na pwedeng lusutan ang gumawa niyon kay Elisha, dapat ay maaabutan mo ang gumawa niyon sa kaniya kung naroon ka din sa loob," sabi ko kay Jackie. "Hindi na sya nagpasama sakin mula sa loob. Hinintay ko na lang siya sa labas," sagot naman ni Jackie sakin. Tumango ako sa kaniya. "Wala kang ibang taong nakita na dumaan?" tanong ko pa. Ilang sandali na nag-isip si Jackie. "Tahimik ang paligid noon, may mangilan-ngilang estudyanteng dumaan pero parang imposible naman na isa sa kanila ang gumawa niyon kay Elisha?" kunot-noong sabi ni Jackie. "Hindi natin masasabi ang bagay na iyan. Kung sino man ang gumagawa nito ay siguradong marami syang paraan na alam at hinding-hindi siya magpapahuli. Baka isa sya sa estudyanteng dumaan noon," sagot ko kay Jackie. Hindi naman siya nagsalita. "Actually may punto ka naman," sabi sakin ni Stanley. "Kung gayon ay naniniwala kayo na estudyante dito sa Sahara ang pumatay kay Elisha?" tanong ni Jackie. "Pwedeng oo pero pwede ring hindi. Wala pa tayong nakikitang malinaw na ebidensya eh," sagot naman ni Lucas. "Matagal pa ba ang paghuhukay na 'yan? Tulungan ko na kayo," sabi ko at pinalitan si Lucas para makapagpahinga naman ito saglit. Hindi naman ito tumutol dahil halatang pagod na pagod na rin ito. Ilang sandali pa ay natanaw ko ang isang gwardiya na papalapit samin. "May guard na papalapit, anong gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni Jackie. Hinintay namin na makalapit sa pwesto namin ang gwardiya. "Anong ginagawa nyo? Bakit kayo naghuhukay diyan?" masungit na tanong nito nang makalapit sa amin. "Bibigyan namin ng maayos na libing ang kaibigan namin," lukot ang mukha na sagot ni Stanley. "Hindi pwede yan! Kailangan na maitapon ang bangkay na 'yan. Bawal maglibing sa lugar na ito," sabi ng gwardiya. "Ano? Itatapon nyo na naman sa kung saan lang ang bangkay ng kaibigan namin? Hindi kami papayag!" galit na wika ni Stanley sa guard. Nababasa kong nauubos na ang pasensya ni Stanley. "Hoy bata, tabasan mo yang talas ng dila mo. Wala kang magagawa dahil sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan kong kunin ang bangkay ng kaibigan mo!" galit din na sabi ng guard. Nagulat ako nang bigla na lang humugot ng baril si Stanley at itinutok iyon sa gwardiya. Nagtilian ang mga babae dahil sa pagkabigla. Pati ako ay nagulat dahil hindi ko alam kung bakit may hawak na baril si Stanley. Saan kaya nito nakuha ang baril na iyon? "Paano kung sabihin ko sa'yo na kaya kong pasabugin ang ulo mo?" maangas na sabi ni Stanley sa guard. Bakas sa mukha ng guard ang matinding nerbiyos dahil sa baril na nakatutok dito. "S-saan mo nakuha ang baril na 'yan? I-ikaw ang pumatay sa isang kasama ko?" nanlalaki ang mga matang tanong ng guard. Ngumisi lang si Stanley. Ngiting walang laman ang ibinigay nito. "Anong pakialam mo?" tanong nito sa guard. Hindi makapagsalita ang gwardiya at naging mailap ang mga mata nito. "Binabalaan kita, bago mo pa madukot yang baril mo eh sabog na ang utak mo dito," banta ni Stanley. Hindi nakaimik ang gwardiya. Nagpapalit-palit lang ako ng tingin sa kanila. "Manong, bakit hindi na lang ninyo sabihin samin kung may alam man kayo sa mga nangyayari? Bakit hindi na lang tayo magtulungan dito?" rinig kong sabi ni Selena. Tila nakunsensya ang gwardiya nang tumingin ito kay Selena. Tahimik pa rin ito at tila nag-iisip. "Oo nga, makipagtulungan ka na lang kasi samin!" sabi ko din sa guard at tinapik ang braso niya pero bigla syang umiling-iling. Parang bang takot na takot ang itsura nito. Tila mayroon itong kinatatakutan. "Hindi! Hindi pwede! Hindi ko kayo pwedeng tulungan!" sunod-sunod ang pag-iling nito at tila nawala sa katinuan. Lahat kami ay nagtaka dahil sa ikinilos nito pero ilang sandali lang ay nagmamadali na itong umalis at nagtatakbo. Nagkatinginan na lang kami nila Selena. "Bakit parang mayroon siyang kinatatakutan?" tanong ko sa kanila. "Napansin mo rin pala iyon Bruno," sagot sakin ni Trinity. Iiling-iling naman si Stanley at muli nitong isinukbit ang baril nito. Pero tama ba yung narinig ko kanina? Pinatay ni Stanley ang isang gwardiya? Hindi ako makapaniwala. "Para syang may iniingatan. Hindi na nakapagtatakang kasabwat sila sa mga patayang nangyayari," sabi ni Lucas. "Sa tingin ko ay may iniingatan nga siyang tao at alam niya talaga kung sino ang pumapatay," sabi ni Trinity. "May alam naman talaga sila base na rin sa sinabi nung isang gwardiya na kasama niya noon. Ayaw nyang magsalita at kahit patayin ko raw sya ay wala akong mapapala sa kanya. Malamang na wala rin tayong mapala sa isang iyon, kahit pitpitin pa natin ang bayag no'n eh halata namang hindi rin magsasalita ang gagong iyon!" inis na wika ni Stanley. Napailing na lang ako at sandaling naupo sa nakabuwal na puno dahil hinihingal na rin ako sa kakahukay. Nagpahinga muna kami ni Stanley kahit sandali lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD