*SELENA's POV* Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila Mommy ngayong nasa tapat na ako ng gate ng bahay namin. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago nag-doorbell. Kaagad na lumabas ang katulong namin na si Yaya Jemma. Nagmamadaling sinilip ako nito sa gate ng bahay namin. Gulat ang rumehistro sa mukha nito nanh makita niya ako. Tila hindi ako makapaniwala habang nakatitig sakin. "Ma'am Selena?!" sambit nito. "Yaya Jemma," sambit ko sa mahinahong boses. Puro dugo ang damit ko kaya bigla itong nataranta. "Diyos ko Ma'am Selena buhay ka! Anong nangyari sayo saan ka ba nanggaling?" aligagang sabi nito at halos hindi magkamayaw s pagbubukas ng gate. "Hala pasok ka! Tiyak na magugulat ang Mommy at Daddy mo kapag nakita nilang nakauwi ka na," sabi nito saki

