*LUCAS POV* Pinagtitinginan kami ng mga pasaherong kasabay namin sa jeep. Lahat sila ay nakatakip sa ilong. Kahit naman kami ay hindi na rin maatim ang sangsang ng amoy namin. Ilang buwan ba kami sa Sahara? Hindi na namin alam. Simula noong nawala kami sa bahay panuluyan ay hindi naman na kami nakaligo. Ang mga damit namin ay may mga bahid pa ng natuyong dugo. "Saan ba galing yang mga yan? Bakit may mga dugo sila? Hindi kaya kriminal yang mga yan?" anang isang babae sa katabi nitong babae. Pabulong lang iyon pero rinig na rinig ko naman. Napatingin ako sa katabi kong si Xyla. Nang maramdaman niyang magsasalita ako sa mga babaeng pinagbubulungan kami ay hinila ako ni Xyla sa braso at binigyan ng tingin na wag ko ng ituloy kung ano man ang binabalak kong gawin. Napabuntong-hininga na lang

