*SELENA's POV* Shocked pa rin ako habang naglalakad kami pabalik ng Sahara. Hindi ko akalain na buhay pa pala si Mrs. Lily. Akala namin ay tapos na ang lahat. Akala namin ay nakalaya na kami sa lugar na ito ngunit mali kami. Hindi pa tapos ang laban dahil buhay pa rin si Mrs. Lily at hindi ito mamatay-matay. Nakakalungkot lang isipin na nabawasan na naman kami at si Jerron iyon. Masayang-masaya pa naman ito kanina sa pag-aakala na makakaalis na kami dito sa Sahara pero iyon na rin pala ang huling sandali nito sa lupa. Napakabilis nang mga pangyayari. Wala man lang kaming nagawa upang iligtas siya. Nawala siya nang ganun kabilis dahil sa pagpatay sa kaniya ni Mrs. Lily. Ang saklap na nga ng sinapit nito noon tapos pati ang kamatayan nito ay napakasaklap din. "Kawawa naman si Jerron," umi

