*SELENA's POV* Huninto ang sasakyan ni Val sa isang mamahaling restaurant. "Bakit dito pa tayo kakain? Mahal dito ah?" sabi ko sa kaniya pagkababa ko ng sasakyan niya. "So? Let's go!" sabi nito at hinila ang kamay ko. Nakakahiya dahil may bitbit pa rin akong malaking teddy bear at bulaklak. Hindi tuloy maiwasan na pagtinginan kami ng ilang mga tao na kumkain din doon.. "Don't mind them," bulong sakin ni Val nang mapansin nito na nahihiya ako sa ibang mga tao na nakatingin samin. Nilakasan ko na lang ang loob ko. Isang gabi ko lang naman pagbibigyan si Val kaya hayaan ko na lang. Matatapos din naman ang gabi na ito. Nang nasa loob na kami ni Val ay inalalayan pa ako nitong maupo sa isang upuan. "Thanks," tipid na sabi ko sa kaniya. Naupo siya sa tapat ko. "Anong gusto mo?" tanong niy

