*SELENA's POV* Araw ng linggo ngayon kaya walang pasok. Excited akong bumaba ng hagdanan nang marinig ko ang tinig ni Mommy na tumatawag sa akin mula sa ibaba. Akala ko ay tinatawag niya ako para sa agahan namin, iyon pala ay may isang tao sa labas na naghihintay sakin. Agad na napakunot ang noo ko. Ano na naman ang ginagawa dito ni Val? "Mabuti naman at gising ka na Selena. Kanina pa naghihintay dito si Val," sabi ni Mommy. Nakita kong nakatitig sakin si Val. May bitbit itong bulaklak na naman. Palagi na lang itong may dalang bulaklak. Balak ba nitong gawing hardin ang bahay namin? "V-val. A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong. "Ano pa ba anak? Nagpaalam sakin na aakyat daw ng ligaw. Siyempre pumayag ako. Gusto ko si Val para sayo. Maiwan ko muna kayong dalawa diyan at mag

