*SELENA's POV* Nanlaki ang mga mata kong nang dumating sila Bruno kasama ang duguang si Val. Kanina pa kami nag-aalala sa kanila matapos nilang umalis. Nataranta ako dahil sa dugo ni Val kaya naman dali-dali akong lumapit sa kanila. "Anong nangyari sa inyo?" kinakabahang sabi ko. Napatingin ako sa braso ni Val na puro dugo. May saksak ito doon. Halata sa mukha ni Val ang matinding panghihina dahil sa dugong nawala dito. "Nasaksak siya ni Mrs. Lily. Mabuti nga at ganiyan lang ang inabot niya," sagot ni Bruno. "Diyos ko!" Napatakip na lamang ako sa bibig ko dahil sa matinding gulat. Iniupo nila Bruno si Val habang ako naman ay kinuha ang panyo ko at agad na itinali iyon sa sugat ni Val na nagdurugo. "Kukuha ako ng dahon ng bayabas, gamot iyon sa sugat," sabi ni Lucas. "Saan ka kukuh

