CHAPTER 46

1747 Words
*Jerron's POV* "Kita mo na? Lahat sila ay nagdududa na sakin!" inis na sabi ko kay Mike habang narito kami sa loob ng silid namin. Sinugod ako ng grupo nila Lucas kanina para pagbintangan na siyang pumatay kay Maria Lisa, at siyang killer din daw ng school na ito. "Bakit may malinaw ba silang pruweba? Wala naman 'di ba?" ani Mike sa akin. Mukhang kalmado pa ang gunggong na ito samantalang ako hindi na mapalagay ang kalooban ko. Alam kong marami ng iniisip ang grupo nila Lucas patungkol sakin at hindi sila titigil hangga't hindi nila nahahanap ang totoong gumawa niyon kay Maria Lisa. Yung sinasabi nila tungkol doon sa killer na siyang pumapatay sa mga tao dito sa Sahara, wala akong kinalaman doon. Kahit sila Mike ay hindi rin alam kung sino talaga ang gumagawa niyon. Namatay pati ang kaibigan naming si Hunt kaya sigurado naman na hindi ako yon. Ewan ko ba kila Lucas kung bakit pinagbibintangan nila ako. "Tangina pati yung killer dito sa Sahara sa akin na rin nila binibintang ngayon," sabi ko. Umiling lang si Mike at pumalatak. "Tsk! Relax ka lang. Wala naman silang ebidensiya eh. Hayaan mo lang silang kumahol ng kumahol. Masanay ka na sa mga wirdong iyon, pati yang gagong Bruno na yan ay kasapi na rin nila," galit na sabi ni Mike. Galit na talaga ito kay Bruno ngayon dahil kila Lucas na ito sumasama. "Alam ko naman na hindi maiisip ni Bruno sakin yon," pagtatanggol ko kay Bruno. Tiningnan lang ako ng masama ni Mike. Talagang inis na inis siya kay Bruno. "Hindi ka nga niya pinagtanggol kanina eh! Wala na talagang bilang sakin ang isang 'yon. May araw din siya!" ani Mike at masama ang tingin na ipinukol nito sa kawalan. Kinabahan ako sa paraan ng pagngisi niya. Para kasing may binabalak siyang hindi maganda. Ayokong isipi na siya ang pumapatay sa lugar na ito, pero base sa itsura nya ngayon ay hindi iyon mahirap na gawin para sa kaniya. "B-bakit ganiyan ka makangisi Mike? May binabalak ka na naman bang masama?" tanong ko sa kaniya. "Basta ito ang tandaan mo Jerron, darating ang araw na magbabayad din ang mga yan," sabi ni Mike kaya kinilabutan ako sa kaniya. Napaiwas na lang ako ng tingin. Kung ano man ang binabalak ni Mike ay hindi ko iyon alam, pero sigurado ako na hindi iyon mabuti. Ayoko na ng ganito. Hindi ko na gusto pang madagdagan ang maling nagawa namin noon sa anak ni Mrs. Lily. Binabagabag na ako ng kunsensiya ko. Parang ano mang oras ay may susugod din sa amin para patayin kami. Kung si Maria Lisa man ang pumapatay, bakit kaya hanggang ngayon hindi pa rin niya kami pinapatay? Nauna pa ang ibang mga estudyante. Dapat kami ang inuuna niya dahil kami ang gumawa ng masama sa kaniya. Posibleng tama si Mike, na baka nga hindi si Maria Lisa ang pumapatay dahil multo lang ito. Pero kung ganoon ay sino? Sino ang nasa likod ng mga patayang ito? Baka naman hinuli lang kaming balak patayin ni Lisa dahil gusto niya kaming pahirapan. Hindi pa ko pwedeng mamatay. Marami pa ang naghihintay sa akin sa labas ng Sahara. Kailangan pa ako ng pamilya ko. Kailangan ay makaalis na kami sa lugar na ito sa mas lalong madaling panahon. "Hindi ba tayo papasok?" tanong ko kay Mike. Umiling siya sakin. "Bakit pa? Wala naman tayong matututunan doon. Kita mo sila Lucas, hindi naman sila pumapasok di ba?" ani Mike. Tumango ako sa kaniya dahil tama naman siya. Hindi nga pumapasok sila Lucas. Palaging bakante ang upuan ng grupo nila sa loob ng classroom. Masyadong abala ang mga ito sa pagtuklas ng kaso ni Maria Lisa. Tsk! Mga pakielamero! Mukhang sasabit pa kami ni Mike pag nagkataon. "Mukhang seryoso talaga sila. Kailan kaya titigil ang mga iyon sa pagtuklas ng kaso ni Lisa?" "Pabayaan mo lang sila. Magsasawa din ang mga yan. Ang dapat nating gawin dalawa eh makaalis sa lugar na ito para matakasan na rin natin lahat ng nagawa natin," ani Mike. Bumuntong-hininga na lang ako at nahiga. Kailan kaya darating ang araw na iyon? ——— *Selena's POV* "Kung hindi si Jerron, eh sino?" tanong ko at nagpapalit-palit ng tingin sa mga kasama ko. Itinanggi ni Jerron ang krimen kahit na nakuha namin ang pendant ng kwintas niya doon sa loob ng abandonadong classroom. "Siya yun! Ayaw lang niyang umamin!" sagot ni Stanley. "Kailangan nating matyagan ang bawat kilos ni Jerron. Sa ngayon ay siya ang suspect natin," sabi ni Lucas. Tumingin ako kay Valorous na nakalayo samin habang malalim ang iniisip. Nakaupo ito sa bintana at nakatanaw mula sa labas. Ano na naman kaya ang iniisip niya? Maya-maya ay nakita ko siyang kinuha ang gitara na nakalagay sa gilid at nakasandal lang. Teka. Paanong napunta sa silid namin ang gitarang ito? Ito yung madalas na ginagamit nila Mike. "Bakit nandito ang gitarang iyon?" tanong ko kay Lucas. Tiningnan naman niya ang gitara na ngayon ay hawak-hawak na ni Val. "Ah yan ba? Dinala yan ni Bruno dito kanina," sagot ni Lucas sakin. "Balak ka yatang haranahin eh," biro ni Jackie kaya tinukso kami ng iba ko pang kasama. Bigla namang napalingon samin si Val. Seryoso lang ang mga mata niya. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Masyado siyang misteryoso. Sinimulan nitong tumipa sa gitara, iris ang kantang kinakanta nito ngayon. Napatitig ako sa kaniya dahil bukod sa mahusay siya mag gitara ay mahusay din pala siyang kumanta. Ang ganda ng boses niya at lalaking-lalaki ang dating niyon pero ang lamig sa tainga. Napako ang mga mata ko sa kaniya. Hindi ko namalayan na si Bruno naman ay nakatitig din pala sakin mula sa kabilang gilid ko. Napangiti ako habang nakatingin kay Val. Sinasabayan ko ang kanta sa isipan ko. "Mukhang dehado ka na pare," ani Lucas kay Bruno. "Hindi 'no. Mamaya ako naman," sabi ni Bruno. Patuloy pa rin sa pagkanta si Val pero malayo na ang tingin niya at hindi niya alintana na lahat kaming magkakaibigan ay nakatingin sa kaniya. "Magaling pala kumanta itong si Valorous eh!" sabi ni Jackie. "Gusto mo rin ba kong marinig na kumanta?" mabilis na tanong ni Stanley kay Jackie. "Naku! Huwag na lang baka umulan pa!" "Sungit mo naman!" ani Stanley. Nang matapos kumanta si Val ay napatingin siya saming lahat at tila nagulat pa dahil sa kaniya kami nakatingin lahat. "Ang galing mo naman Val!" pumapalakpak na sabi ni Jackie. "Mas magaling ako kay Val," sabat naman ni Stanley. Inirapan lang ito ni Jackie. Si Val ay parang hiyang-hiya pa nang tumingin samin. Napakamot ito sa batok at marahang ibinaba ang gitara at ibinalik sa dating pwesto nito. "Pagkakataon mo na Bruno," sabi naman ni Lucas at siniko nito si Bruno sabay nguso sa gitara na kabababa lang ni Val. Mabilis na tumalima si Bruno at kinuha nito ang gitara. Tumabi si Bruno sakin pagkakuha nito sa gitara. "Anong favorite song mo Selena?" bigla ay tanong sakin ni Bruno. Natigilan ako sa tanong niya at saglit na napaisip. "Synesthesia," sagot ko nang maalala ko ang title ng kantang paborito ko. Nagliwanag ang mukha ni Bruno at napangiti. "Talaga paborito mo rin ang kantang iyon?" gulat at hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako sa kaniya. "Oo," sagot ko. Mabilis niyang sinimulan na tipahin sa gitara ang kantang iyon. "Maganda nga ang kantang 'yan. Actually paborito ko rin yan eh!" sabat ni Lucas. Napangiti ako ng magsimulang kumanta si Bruno habang naggigitara, kalaunan ay sinabayan namin siya ni Lucas. Sila Jackie naman ay nakangiti rin habang nakikinig samin. "Ang lungkot ng song pero ang ganda ha?" sabi ni Trinity. Lahat kami ay nagkakantahan at abala sa pakikinig ng gitara nang biglang may narinig na naman akong sigaw. Tulong! Iyon ang malinaw na sigaw na narinig ko dahilan para matigilan ako sa pagkanta. Nagtatakang tiningnan ako ng mga kaibigan ko. "Selena, bakit ka huminto?" tanong sakin ni Bruno. "M-may narinig na naman ako. Parang may humihingi ng tulong," sabi ko sa kanila pero kumunot lang ang kilay nila sakin. Mukhang ako lang yata ang nakarinig ng sigaw. "Sigaw? Wala naman kaming narinig ah? Kayo may narinig ba kayo?" ani Jackie pero umiling lang ang mga kaibigan ko. Alam ko sa sarili kong may narinig talaga akong sigaw na ang sabi ay tulong. Pero bakit tila ako lang ang nakarinig niyon? Tiningnan ko si Val. "Val, wala ka bang narinig?" tanong ko sa kaniya. "Mayroon kanina pa, kaya nga tinigil ko ang pagtugtog sa gitara," sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Totoong may sumisigaw at humihingi ng tulong pero saan naman kaya iyon nanggagaling? "Bakit kayong dalawa lang ang nakarinig? Bakit kami, wala kaming narinig?" tanong ni Trinity. Hindi ako nakasagot sa tanong niya. "Sino kaya iyon? At saan naman kaya nanggagaling ang sigaw na iyon?" tanong ni Lucas. "Parang marami sila," sabi ni Val. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Marami? Paanong marami?" "Hindi lang iisang boses ang nakaulinigan ko kanina," sagot ni Val. "Ano ba yan kinikilabutan naman ako! Ibig bang sabihin niyan ay may iba pang mga tao dito sa Sahara? Baka naman mga estudyante lang din iyon, or kaya mga multo ng estudyanteng patay na?" sabi ni Jackie. "Ayan ka na naman, tinatakot mo na naman ang sarili mo!" ani Stanley dito. "Hindi naman ah? Sinasabi ko lang ang totoo," sagot ni Jackie. "Baka may ibang estudyanteng bihag ang killer tapos nakakulong?" sabi ni Trinity. Napatingin dito si Val. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang napatingin kay Trinity pero hindi naman ito nagsalita. "Bihag? Diyos ko! Ayokong mabihag!" sabi ni Jackie at pumalupot ang kamay nito sa braso ni Stanley. "Hindi ka nila bibihagin, bawal daw ang masusungit don!" pang-aasar dito ni Stanley. Sinamaan lang ng tingin ni Jackie si Stanley at tinampal ang braso nito. "Epal mo kahit kailan!" "Anong dapat nating gawin? Kailangan nating malaman kung saan nanggagaling ang sigaw na iyon," sabi ni Lucas. "Babalik na naman ba tayo sa Sahara? Bukas na lang kaya. Napapagod na ko eh!" reklamo ni Stanley. Halatang tinatamad na itong bumalik sa Sahara. "Ipagpabukas na lang natin. Sa ngayon ay magpahinga muna tayo dahil marami tayong dapat alamin bukas," sabi ko sa kanila. "Tama si Selena, kailangan din natin ng pahinga," pagsang-ayon ni Bruno sakin. Tumango ako sa kaniya. Si Val ay tahimik pa rin sa isang sulok. Alam kong marami na naman ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi lang pala ako ang nakarinig ng sigaw kundi maging ito rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD