“Okay... I understand," she said after a long silence between the three of us. Tumingin siya kay Chaos bago tumuon ang mga mata sa akin “I want to say sorry. Nagulo ang relasyon nyo ni Chaos nang dahil sa akin. I'm really sorry for everything, Raileigh," seryosong ani Zoey at nilagyan ng ngiti ang labi. I pressed my lips together. Gusto kong paniwalaan ang paghingi niya ng sorry at pagtanggap sa relasyon namin ni Chaos, pero may kakaiba sa ngiti niya. Pakiramdam ko ay peke ang ngiting ‘yon. “Kalimutan na lang natin 'yon,” matipid kong tugon. And our conversation continued. Ipinaliwanag ni Chaos sa kanya ang mga nangyari sa amin para mas malinawan si Zoey at pinag-usapan na rin naming tatlo ang magiging responsibilidad ni Chaos kay Serenity. Panay naman ang pagtango lang ni Zoey sa mga s

