“Konting kaliwa paharap sa camera at ‘yong lipstick, medyo idikit mo sa lips mo.” Sinunod ko ang sinabi ng photographer. Iniharap ko ang mukha pakaliwa sa camera. Maarte ko rin idinikit ang hawak kong lipstick sa labi. “That’s it. Perfect," aniya kasabay ng pag-flash ng camerang hawak niya. Nagtagal pa ang pagkuha ng mga larawan sa akin. Nakailang beses pa ako nagpalit ng makeup at ng damit. Kahit labag sa loob ko, napilitan akong kumuha ng project sa Glamorous. Nasa state din ng pamomoblema si Dad dahil sa issue ni Curse na napagpasyahang magleave muna ng ilang linggo o baka abutin pa ng ilang buwan. He’s busy with his girlfriend. Noong nakaraan lang ay isinama niya ito sa shoot dito sa Glamorous. Iyon ang huling project na kinuha niya bago nanghingi ng leave. “Felicity, check my sch

