NAKANGITI kong iniharang sa mukha ko ang palad para gawing panakip sa katamtamang init na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nililipad naman ng hangin ang buhok ko at ang tunog ng pag-alon ng dagat ay dinig na dinig sa paligid ko. Mas lumawak ang ngiti sa labi ko nang may isa pang kamay ang humarang sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay sumalubong sa akin ang gwapo niyang mukha. Hindi ko na napigilan ang sarili sa pagtitig kay Chaos na ngayon ay bahagyang magulo na ang buhok dahil tinatangay ng hangin ang buhok niya, pero nakakadagdag sa pagiging gwapo niya ang magulo niyang buhok. Matagal ko nang kasama si Chaos, araw-araw ko nang nakikita ang mukha niya pero ni minsan ay hindi ako nagsawang pagmasdan ang gwapo niyang mukha. Kasing sikat

