PROBLEMADONG bumuntong hininga si Mommy. Napahilot naman ng sintido niya si Daddy. Sa naging reaksiyon pa lang ng mga magulang ko dahil sa muling pagdala ko ulit kay Chaos sa harapan nila, parang sinasabi ng reaksiyon nila na 'heto na naman ang anak ko, nagpakatanga na naman'. Pasimple akong ngumuso at sinipat ng tingin si Chaos na nakatayo sa harapan ng mga magulang ko. Dahil nagkaayos na naman kami ni Chaos, kakausapin na naman niya ang magulang ko tungkol sa relasyon namin. Malamang ay sawang-sawa na ang mga magulang ko sa ganitong pangyayari dahil paulit-ulit na lang kami ni Chaos, pero nasisigurado kong huli na ito dahil ngayon ay wala na akong pangamba kay Chaos. Hindi na ako natatakot sa kalagayan namin. Buong tapang ko na kayang harapin ang lahat ng pagsubok na haharapin naming da

