"HERE you go again," umiirap na sabi ni Belle nang makita ako. Binalewala ko lang ang panunukso ng kapatid. Ang buong atensiyon ko ay nakatuon lang sa hawak kong phone. I can't help it but to smile while staring at my phone. I miss my girlfriend. Saglit na nawala ang tingin ko sa phone nang mapansin ko si Belle na naglakad patungo sa paanan ng kama at nagpamaywang, pero nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko ay nalipat na naman doon ang atensiyon ko. I received a message from Raileigh saying, "I miss you. I love you". "s**t, I miss you, too," mahinang usal ko sa sarili nang mabasa ang message sa akin ni Raileigh. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang biglang lumipad patungo sa kanya at yakapin siya ng mahigpit, pero alam kong imposibleng mangyari 'yon.

