“HAPPY new year!” masayang bati ni Selena nang makarating dito sa salas. “Happy new year din.” Ngiti ko at iginiya siya paupo sa sofa. Kapansin-pansin na ang umuumbok niyang tiyan na maglilimang buwan na. “Where’s Kael?” tanong ko, ang tinutukoy ay ang fiancé niya. Parang noong huling pagkikita lang namin ay ayaw siyang panagutan ng nobyo niyang nakabuntis sa kanya, pero ngayon ay engaged na ang dalawa. “Papunta pa lang,” nakangiting tugon niya. “By the way, where’s Celine? I texted her bago ako pumunta rito. Sabi ko, sumunod siya sa akin.” Bahagya akong napangiwi sa sinabi niya. “I bet hindi siya pupunta. Alam mo naman ang nangyaring gulo sa amin ng pinsan niyang si Zoey.” Naglaho ang ngiti sa labi ni Selena at napakamot sa batok niya. “Sorry. I forgot. Siguro hindi lang ako sanay n

