Chapter 41 - Break

2088 Words

KINAGAT ko ang ibabang labi ko habang ramdam ko ang mga titig sa akin ni Chaos na nakasandal sa frame ng pintuan. Pinapanood niya ang ginagawa kong pag-eempake ng mga damit ko. Ramdam kong may pagtutol siya sa gusto kong gawin, pero hindi siya naglakas ng loob na isantinig iyon. Pinagbigyan niya ako sa hiling kong bigyan muna ako panahon para sa sarili ko. Nang maipasok ko ang ibang damit ko sa loob ng maleta ay bumuntong hininga ako at at binalingan na ng tingin si Chaos. Hindi ko na kayang tagalan ang nakakailang niyang titig sa akin. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin nang magsalubong ang mga mata namin. Kanina niya pa ako hindi iniimik simula nang sabihin ko sa kanya ang balak kong pagbabakasyon sa mga magulang ko. Kahit kanina noong nag-aalmusal kami ay tahimik lang siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD