NASA kalahating oras din ang itinagal ni Chaos sa banyo bago lumabas ng nakapantulog na. Agad natuon ang mga mata niya sa akin nang makitang gising pa ako at nasa ganoong posisyon pa rin sa kama. Nakakunot ang noo niyang naglakad palapit sa akin at tumabi sa akin dito sa kama. Gaya ko ay naupo rin siya at sumandal sa headboard. “Why are you still awake? Dapat natutulog ka na. You need to rest," aniya. Mababakasan pa rin ng pag-aalala ang boses niya. Sa halip na sagutin si Chaos, dahan-dahang dumausdos ang ulo ko sa balikat niya. Hindi rin nagtagal ay pumulupot na sa likod ko ang braso niya at hinigit ako palapit sa kanya. May munting ngiti ang lumabas sa labi ko dahil sa ginawa niya. “Chaos,” pagtawag ko sa pangalan niya. “Hmmm?” tanging tugon niya at naramdaman ko ang marahang pagh

