MASAKIT. Iyon ang tanging makakapaglarawan sa nararamdaman ko sa katawan ko ngayon, lalo na sa ulo. Hindi ako makagalaw ng maayos sa kinahihigaan ko. Hindi rin maayos ang pakiramdam ko. Masakit ang katawan, mabigat, at higit sa lahat ay ngayon ko pa lang naiisip ulit ang nangyari sa akin kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon ngayon. Bumaling ang mga mata ko kay Chaos na nakaup sa bangko habang ang kalahati niyang katawan ay nasa kama, sa gilid ko, at hawak-hawak ang kamay ko. Ito ang namulatan ko paggising ko. Namasa ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang natutulog na si Chaos. At inaamin ko, natatakot ako sa mangyayari kapag nagmulat na siya ng mga mata. Natatakot ako sa mga maririnig ko. Hindi ko kaya... Hindi ko kakayanin. Ito na nga siguro ang unang pagkakataon na hihilingin

