Alam kong mali ang plano kong ‘yon, but I had no choice. Hindi ko puwedeng hayaang maiwan na naman ako. Ang paraang ’yon, iyon lang ang tanging naisip ko para hindi ako iwanan ni Chaos. Kung sakali man nagtagal ang pagpapanggap kong buntis, alam ko at umaasa naman akong mabubuntis din talaga ako kaya wala na sana akong problema roon. Pero hindi ko inaakalang mabubuking agad ang pagpapanggap ko dahil sa aksidenteng ‘to. Ngayong naiisip ko ang ginawa kong pagpapanggap at panloloko kay Chaos, naaawa ako sa sarili ko. Hindi ko inakalang gagawa ako ng ganito kalaking kasinungalingan sa takot na iwan ng lalaking mahal ko. “Grabe ‘yong takot at pag-aalala ko sa ‘yo noong makita kitang nakahandusay sa kalsada, pakiramdam ko ay mababaliw ako noon sa takot at pag-aalala para sa ‘yo at para sa ba

