I gulped and faked a smile to show that I'm okay. Ayaw kong ipakita sa kanya na malaki ang epekto sa akin ng sinabi niya. Pakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko. “What are you trying to say, Zoey?” mariin kong tanong habang patalim na nang patalim ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na nagugustuhan ang pinagsasabi niya. Zoey shrugged her shoulders. “What I’m trying to say is, kahit mahal ka pa ni Chaos, Serenity comes first.” I let out a sarcastic laugh. “Come on, Zoey. Tayong dalawa lang ang nandito. Deretsuhin mo na ako. Anong gusto mong iparating sa sinasabi mo ngayon sa akin?” Humalukipkip siya. “Huwag mo nang hintaying dumating pa sa puntong kailangan ulit mamili ni Chaos sa inyong dalawa ni Serenity. Can’t you see? Hindi pwedeng dalawa kayong piliin ni Chaos.” “At paano mo na

