"HELLO, Palawan!” masayang sigaw ni Selena nang marating na namin ang isla. Habang si Celine naman ay panay na ang kuha ng larawan sa paligid. “Tayo lang ba ang nandito?” tanong ni Celine kay Selena. Pansin ko rin, walang ibang tao sa paligid kundi kami lang. Tipid na tumango si Selena. “Nirentahan ng pinsan ko ang buong resort, so yes, tayo lang ang nandito at ang mga bisita niya.” “Wow! Solo natin ang buong resort!” natutuwang sabi ni Celine. Nagkibit-balikat lang si Selena. Napabuntong hininga ako at umangat ang tingin sa malawak na kalangitan. Katamtaman pa lang ang init ng sikat ng araw at hindi pa masakit sa balat. Masarap sana mag-sunbathing ngayon pero mas lumalamang ang pagod ko dahil sa ilang oras naming byahe. “Hindi pa ba tayo pupunta sa room natin? I’m tired na kaya,” t

