LUTANG pa rin ako habang bumabyahe kaming tatlo nina Chaos at Serenity pabalik sa condo ni Chaos. Tahimik lang ako sa kinauupuan ko at hindi umimik. Nakatulala lang ako sa bintana ng kotse. Nang tawagan ni Zoey si Chaos para sunduin kami ni Serenity, wala pang isang oras ay dumating agad ito. He just took a taxi para sa pagbalik ay siya ang magmamaneho ng dala kong kotse. Bumuntong hininga ako at muling pinakiramdam ang sarili, inoobserbahan kung may nangyayari bang kakaiba sa katawan ko. Ayaw ako tantanan ng ideyang pumasok sa isipan ko kanina. May posibilidad na mangyari ‘yon. Nang unang beses na gawin namin ‘yon ni Chaos ay nasundan pa ‘yon ng maraming beses habang magkasama kami sa condo niya. Bukod doon, sa tuwing gagawin namin ang bagay na ‘yon ay wala kaming ginagamit na proteksi

