“BUSY ka palagi nitong mga nakaraang araw,” sambit ko habang isa-isang tinitingnan ang mga damit na nasa rack.
“Nagpalamig lang,” simple sagot ni Hestia.
Humarap ako sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. Ipinagkrus ko rin ang dalawa kong braso sa aking dibdib. “Nagiging mapaglihim ka na sa akin, Hestia.”
Tumigil din siya sa ginagawang pagpili sa mga damit at nilingon ako. Tila wala lang sa kanya ang sinabi ko.
She shrugged. “Lahat tayo ay may sekreto.”
Naging matigas pa rin ang emosyon ko. “I am just worried! Simula nang matapos ang exam, hindi na kita makausap ng maayos. Napakaraming nangyari sa 'yo. Hindi ka na rin sumasabay sa akin sa pagpunta sa canteen tuwing recess. Hindi mo na ako pinapansin. Hindi mo na ako kinakausap!”
Nakakainis! Nag-aalala lang naman ako sa kanya, bakit kasi palagi niyang sinasarili ang problema niya? Ni minsan ay hindi siya nagsabi sa akin ng problema niya. Ni minsan ay hindi niya sinabi sa akin kung nasasaktan na ba siya.
I know she can handle herself, but I’m still worried! I’m her bestfriend!
“At ngayon, matapos ng ilang linggo, saka na lang ulit tayo nagkasama. Hindi mo pa nga ako sasamahan dito sa mall kung hindi kita pinilit.” Matabang kong sabi.
She heaved a sigh. “I was busy these past few days, okay? I’m okay now. Nakamove-on na ako. Lumamig na rin ang issue. Wala na akong problema.”
Napairap ako sa inis. Magsasalita pa sana ako nang may ibalandra si Hestia sa harapan ko. It’s a dress.
“Try this, bagay sa kutis mong maputi," ani Hestia.
Napapadyak ako sa inis. She’s changing the topic!
“Fine!” Hinablot ko sa kanya ang dress at nagmamartsang nagpunta ng fitting room.
Alam niya talaga ang kahinaan ko.
Matapos namin mamili ni Hestia ng mga damit ay nagpunta kami sa isang fastfood chain. Inabutan na ng gutom.
“Bakit binilhan mo ng regalo ang Chaos Montealegre na ‘yon?” nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Hestia.
I grinned. “Wala lang, gusto ko lang siyang regaluhan.”
“At ang isa pang binili mo? Para kanino ‘yon?”
“Secret.” At kinindatan ko siya.
She rolled her eyes. “Bakit pakiramdam ko, sisimulan mo na ang panliligaw sa Chaos na ‘yon?” puno ng sarkasmo niyang sabi.
Natawa ako sa sinabi.
“Wala namang masama kung bigyan ko siya ng regalo, panliligaw na ba agad ang tawag doon?” pagmamaang-maangan ko. Pero alam ko, hindi ko siya maloloko. She’s Hestia!
“You’re obssessed with him," tila nandidiring sabi ni Hestia.
I pouted my lips. So mean.
“No, I’m not! Masyado ko lang talagang gusto si Chaos... sa ‘di ko malaman na dahilan. Yes, marami akong nagugustuhang lalaki pero kay Chaos lang palagi nakatutok ang mga mata ko," I explained.
“Kay Chaos nakatutok ang mga mata mo dahil sa mukha niya.”
I immediately shook my head. “No! I mean, yes. Unang nakuha ni Chaos ang mga mata ko dahil sa mukha niya, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ayaw nang umalis ng mga mata ko sa kanya.”
Napakibit-balikat na lang si Hestia sa sinabi ko at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Sa pagkakataong ito, ako naman ang napairap.
“Come on, Hestia. I know what you’re thinking. Sigurado akong iniisip mong mukha lang talaga ni Chaos ang habol ko. Siguro isa na nga talaga iyon, but you can’t blame me.” Pinukol ko siya ng nanunuring tingin. “Ikaw ba, kahit ni minsan ay hindi mo napansin ang kagwapuhan ng mga Montealegre?”
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Napangisi ako.
“See?” Natawa ako.
Umiwas siya ng tingin sa akin at mabilis na ininom ang drinks niya.
“Ang nararamdaman mo kay Chaos... simpleng pagkagusto lang ba ‘yon o higit pa?” biglang tanong ni Hestia.
Dahil sa itinanong niya, tila ako naman ang biglang nauhaw. Biglang nanuyot ang lalamunan ko.
“I don’t k-know...” it was almost a whisper.
Tumango lang siya sa sinabi ko at ipinagpatuloy na ang pagkain. Hindi na siya ulit nagsalita hanggang sa makauwi kami.
Inilapag ko ang hawak kong mga paper bag sa sahig at isa-isang kinuha ang laman nito at inilagay sa cabinet ko. Kaka-shopping ko lang last week kasama si Chaos, ngayon ay nagshopping na naman ako.
Isinarado ko na ang cabinet nang matapos sa ginagawa. Itinago ko naman sa safe na lugar ang dalawang paper bag na natira.
Hindi na ako makapaghintay na ibigay kay Chaos ang regalo ko. Advance christmas gift na rin siguro.
NANG sumapit na ang Monday at nasa Rosevelt na ako, dumeretso kaagad ako sa pakay ko. Sa room ni Chaos. Masyado akong excited sa pagbigay ko ng regalo sa kanya kaya kay Chaos agad ang deretso ko.
Hindi pa nagsisimula ang klase. Masyado pang maaga ng mga sampung minuto pero ang ibang mga estudyante ay nasa loob na ng mga classroom.
Tuloy-tuloy ang lakad ko papasok sa classroom nila Hestia at Chaos at tumigil lang nang nasa tapat ng lamesa ni Chaos. Kaagad kong naagaw ang atensiyon niya dahil sa presensiya ko.
Ipinatong ko sa lamesa niya ang hawak kong paper bag.
“What’s this?” naguguluhan niyang tanong.
“Gift,” matipid kong tugon.
Mas lalong nangunot ang noo ni Chaos. Napangisi ako.
Dumukwang ako palapit sa kanya at mabilis siyang ninakawan ng halik sa pisngi. Namilog ang mga mata niya sa ginawa ko. Ramdam ko naman ang titig sa akin ng mga tao sa paligid.
Umayos na ako ng tayo at nagsimula nang maglakad palabas at hindi na muling binalikan ng tingin si Chaos na alam kong bigla pa rin sa ginawa ko. Bago tuluyang malalabas ng classroom ay napansin ko pa si Hestia, kitang-kita ko ang pag-iling niya sa ginawa ko.
Sumabog ang tawa ko nang makababa na ako ng building nila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko kung bakit ko ginawa ‘yon. Siguro ay gusto ko lang makuha ang atensiyon ng iba.
And as I expected, nakarating sa ibang estudyante ang mapangahas kong ginawa sa section nila Chaos. Nang magrecess na ay bawat nadadanan ko ay rinig ko ang pag-uusap nila tungkol doon.
Hindi ko rin nakita sa canteen si Chaos. Ang tanging naabutan ko lang dito ay si Curse.
“Hey,” kuha ko sa atensiyon niya at prenteng naupo sa kaharap niyang upuan.
Lumitaw sa labi ni Curse ang isang malanding ngiti. Kung sa ibang lalaki ay mapagkakamalan na manyak dahil sa paraan ng pagngiti niya, siya ay hindi. Iisipin mong isa siyang modelo na inaakit ang atensiyon ng karamihan.
“What do you need, miss beautiful?”
Natawa ako. Bolero.
“This is for you,” sambit ko at inilagay sa harapan niya ang hawak kong isang paper bag.
Nakakunot ang noo niyang tiningnan ‘yon at binuksan. Napangisi si Curse nang makita ang nilalaman.
“It’s expensive," komento niya.
Ngumisi ako. “Of course. Sa akin galing ‘yan.”
Ngumisi rin siya. “Lumaki ang ulo. Mas mahal pa rin dito ang ibinibigay sa akin ng mga pinsan ko.”
Napairap na lang ako dahil nagyabang din siya.
“Para saan naman ‘to?” pagseseryoso ni Curse.
“Gift." Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.
Humalakhak siya. “Nililigawan mo ba ako para makuha ang basbas ko?”
Naglaho ang ngiti sa labi ko. Mapang-asar din talaga ang isang ‘to. Bagay nga sa kanya ang itinatawag sa kanya ni Chaos at Kuya Silent kung minsan, hangal.
“May gusto lang akong itanong,” pagsuko ko. Alam kong amoy na niya ang pakay ko.
“Kung itatanong mo kung single ba ako, yes ang sagot ko.”
Napatampal ako sa noo. Ang isa ay ubod ng sungit, ang isa naman ay pabago-bago ang ugali, at ang kaharap ko naman ay mapang-asar. Kakaiba talaga ang mga lahi ng Montealegre.
“Curse,” nagbabantang tawag ko sa kanya.
Natawa siya. “Okay, okay. I’ll accept this. Sasagutin ko rin ang tanong mo bilang pasasalamat sa ibinigay mong mamahaling regalo sa akin," puno ng sarkasmo niyang sabi.
Hndi ko na lang ‘yon binigyan ng pansin. Dapat pala ay granada ang iniregalo ko sa isang ‘to.
“Ano ang tipong babae ni Chaos?” deretsahang tanong ko, wala nang hiya-hiya.
Umakto si Curse na nag-iisip. “Simple ang ganda, matalino, mabait at matapang. Mga ganoon.”
Napangisi ako sa naririnig. Pasok ako.
“Mga ayaw?”
Nakangisi ang loko ng muli siyang magsalita. “Ayaw niya sa maarte, magastos, at higit sa lahat ay sa mga taong kulang sa pansin.”
Napairap ako sa inis. Nang-aasar ba ang isang ‘to?
“’Yong seryoso, Curse!” asar ko nang sabi.
“I’m serious! Gusto ni Chaos ang mga simpleng ganda lang, ‘yong tipong hindi na kailangan na mag-ayos o maglagay ng makeup para mas gumanda pa. Gusto niya rin sa matalino, ayaw niya sa puro ganda lang dahil wala siyang mapapala doon. Mas lalong gusto niyang mabait na tao," mahabang lintanya niya.
Ipinatong ko sa lamesa ang siko ko at sinalo ang baba ko. Itinuon ko kay Curse ang mga mata ko.
“Continue,” utos ko.
Sinunod naman niya ang sinabi ko. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
“Ayaw ni Chaos sa mga maarteng babae. Para sa kanya, sakit lang ‘yon sa ulo. Kaya naman ayaw niya sa mga babaeng magagastos dahil wala naman kwenta ang pinagbibili nila. Makeups? Dress? Sandals? Jewelries? Makakain ba nila ‘yon?” Natawa siya sa sarilig sinasabi.
“Ayaw naman niya sa mga taong kulang sa pansin dahil nagmumukhang kaawa-awa ang mga ‘to. Gagawa ng paraan para lang mapansin sila? Nakakaawa nga talaga ang mga ganoong klaseng tao," he added.
Okay, sa mga gusto ay pasok pa ako. Pero sa mga ayaw, ugh... nevermind.
Natahimik na lang ako at dinamdam ang sinabi niya. Ito ba ang rason ni Chaos kaya pilit niyang inilalayo ang sarili sa akin?
“Mahirap naman ang mga gusto niya,” bigla ko na lang nasabi sa sarili. “May babae pa bang hindi uubusin ang pera sa makeup, damit, sapatos, at sa mga magagandang alahas?”
Mabilis na tumango si Curse. “Oo, meron!”
Napasinghal ako. “Sino naman?”
“Si Hestia.”
Nabigla ako sa sinabi ni Curse.
“Hestia is Chaos’ ideal girl. Bukod doon, matapang si Hestia. Isa ‘yon sa gustong-gusto ni Chaos sa mga babae. ‘Pag matapang kasi, siguradong mababa ang tyansang maarte.” Walang preno ang bunganga niya.
“Ano pa?” tanong ko, kahit iba na ang nararamdaman ko.
“Come on, hindi ko na kailangang isa-isahin ang katangian ni Hestia. Lahat ng lalaki ay nahuhumaling sa kanya, kasama na rin nga siguro kami ni Chaos sa mga ‘yon.”
Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni Curse. Hindi ko maintindihan. Biglang naghalo-halo ang emosyon ko.
“What do you mean?” ngangatal na ang dila ko.
“Oh, you didn’t know?” parang gulat niyang tanong.
Umiling ako kasabay ng pagkunot ng noo ko. Kita ko ang pagkunot din ng noo ni Curse. Mukha rin siyang naguguluhan sa isinagot ko.
“Kung ganoon, dapat na akong manahimik.” Akmang tatayo siya sa kinauupuan niya nang pigilan ko siya.
“Curse, please, no!” Pilit ko siyang ibinalik sa pagkakaupo niya. Umayos na rin ulit ako ng upo.
“Please, continue...” pakiusap ko.
He shook his head. “Chaos will kill me.”
“Papatayin rin kita kapag ‘di mo sinabi sa akin kung ano ba talaga ang ibig sabihin mo roon!” Bwiset! Desperada na akong malaman.
“Hindi ako takot sa 'yo, pero kay Chaos? Oo," ani Curse.
Mas lalong kumulo ang dugo ko sa bunsong Montealegre.
“Please... Tell me. Wala naman sigurong masama roon," mahinahon ko nang pakiusap.
May namumuong ideya sa akin pera gusto ko pa rin kumpirmahin. Gusto kong malaman kung totoo ba ang naiisip ko.
“Hestia is Chaos’ ideal girl. Kaya hindi na kataka-taka na nagustuhan siya ni Chaos. He even courted her, but Hestia rejected him.”
Umawang ang bibig ko sa nalaman. Bakit wala akong ideya sa mga ‘to? Matagal ko nang kilala ang dalawa, pero hindi ko alam na may ganito pala silang nakaraan.
“Imposible! Kasasabi mo lang kanina, ayaw ni Chaos sa mga babaeng nagme-makeup. Nagme-makeup si Hestia! Mahilig pa nga siya sa red lipstick!” sambit ko, bahagyang napipikon na sa nalalaman.
Umiling si Curse. “Ang Hestia na gusto noon ni Chaos ay ang Hestia sa third year. ‘Yong hindi nagli-lipstick o naglalagay ng kahit anong makeup sa mukha.”
Kumuyom ang kamao ko. Yes, I remember, hindi nagli-lipstick si Hestia noong nasa third year pa lang siya. Nitong nakaraang buwan ko lang simulang nakita si Hestia na nagli-lipstick. Hindi nga lang sa loob ng school dahil bawal.
“Kung ganoon, bakit siya ni-reject ni Hestia?” puno ng kuryusidad kong tanong kay Curse.
He shrugged. “It’s a long story.”
Natulala na lang ako. Kahit na nag-ring na ang bell senyales na tapos na ang recess ay hindi pa rin ako gumagalaw sa kinauupuan ko.
Tumayo na si Curse sa harapan ko at tinapik ako sa balikat. “Nakaraan na ‘yon, wala ng gusto si Chaos kay Hestia.”
Bumaba ang tingin ko sa sahig. “Paano ka nakakasigurado?” tanong ko sa mababang boses.
Alam ko kung gaano kahirap ang mawala ang gusto mo sa isang tao. Kahit gaano katagal ang lumipas, kung gusto mo talaga ang taong ‘yon ay hinding-hindi mawawala ang nararamdaman mo.
Narinig ko ang pagtawa ni Curse.
“Subukan niya lang ulit na lumapit kay Hestia, siguradong sa pagkakataong ito ay matutuluyan na siyang mamatay," makahulugang sambit ni Curse na hindi ko naman naintindihan.
Iniwan na niya ako nang dala ang ibinigay ko sa kanya. Isa-isa na rin nawala ang mga estudyante sa loob ng canteen pero ako ay nananatili pa rin sa upuan ko.
Biglang sumikip ang dibdib ko. Nabigla ako sa mga nalaman ko. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong magalit dahil wala akong kaalam-alam sa bagay na ‘to.
Matagal nang alam ni Hestia na may gusto ako kay Chaos. Isa ba ‘yon sa dahilan kung bakit niya ni-reject si Chaos?
Hindi ko na alam...
Ang alam ko na lang ngayon ay kinakain ako ng matinding selos kay Hestia.
She’s my bestfriend, pero mukhang siya pa ang magiging kaagaw ko sa lalaking gusto ko.