CHAPTER 7 - Lonely

2216 Words
HINDI ako mapakali. Paikot-ikot ako sa kama, panay ang baling sa kaliwa’t kanan. Dadapa, titihaya, babaluktot, tatagilid, at kung ano-ano pa ang posisyon ang ginawa ko para lang makatulog pero walang talab. Ibinalot ko ang sarili sa kumot at mariing ipinikit ang mga mata. Ikinalma ko ang sarili ko at pilit na iniisip na aantukin din ako. Ilang minuto pa akong nasa ganoong posisyon bago ako bumangon mula sa pagkakahiga. Naupo ako sa ibabaw ng kama at nagsisipa. Naglaglagan ang unan at kumot ko sa sahig. “Nakakapikon na!” Umayos ako ng upo. Mabilis ang pagtaas at baba ng dibdib ko dahil sa ginawa kong pagwawala. Hindi pa rin mawala sa akin ang nalaman ko. Kaibigan ko si Hestia, pero bakit hindi niya man lang sinabi sa akin na ang lalaking kinahuhumalingan ko ay nahumaling na pala sa kanya? Niligawan pa siya! Anong nangyari sa kanila? Paanong nagkaroon ng gusto si Chaos kay Hestia? At bakit ni-reject ni Hestia si Chaos? Walang tangang babae ang hihindi sa isang Montealegre, si Hestia lang! Ngayon ay kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko. Kaya ba ni-reject ni Hestia si Chaos ay dahil sa akin? Nalaman ba ‘yon ni Chaos kaya ngayon ay pinaglalaruan niya ako para makabawi? Hindi ko na alam. Gulong-gulo na ako! Hindi ako nakatulog. Buong magdamag akong gising at iniisip ang mga nalaman. Kaya nang pumasok ako sa school, mukha akong bangag at tamad na tamad dahil sa antok. Bumuntong hininga ako kasabay ng pag-upo ko sa upuan ko. Kasasalubong ko lang kay Hestia kanina bago ako makapasok ng classroom. Nakita ko siya sa field. Akmang magkakasalubong kami nang agad akong mag-iba ng daanan. Ano bang ginagawa ko? Bakit ko nilalayuan ang kaibigan ko? Hindi dapat ako nagpapadala sa selos ko! Habang nasa klase ay tulala lang ako. Halos mapamura pa ako sa inis nang magkaroon ng sunod-sunod na quiz. Seriously? Ngayon pang wala ako sa mood? Kaya sa huli, puro mababa ang nakuha kong score sa quiz. Hindi na kataka-taka. Kung anong ginawa ko kay Hestia bago pumasok kaninang umaga, ganoon din ang ginawa ko nang si Chaos naman ang makakasalubong ko nang magrecess. Nagmamadali akong nagtago sa mataas na halaman hanggang sa makalagpas siya sa kinaroroonan ko. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Tahimik kong tinahak ang daan pabalik ng classroom. Lumabas lang ako ng classroom para bumili ng makakain sa canteen at sa loob na ng classroom ito kakainin. Kung pagmamasdan ako ngayon, mukhang kaawa-awa ako. Mag-isa lang, walang kaibigan. Bagsak ang balikat, nakabusangot ang mukha, at ang mga mata ay puno ng lungkot. Ganoon ako hanggang uwian. Mabilis kong inayos ang gamit ko at isinukbit ang bag sa balikat nang marinig ko ang pagring ng bell, senyales na uwian na. Inunahan ko ang mga kaklase ko sa paglabas ng classroom dahil kating-kati na akong umuwi, pero mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana. Kung gaano kabilis ako nakalabas ng classroom, ganoon naman ako katagal na nakalabas ng school dahil sa dami ng estudyanteng nagsisiksihan na pauwi na rin. Tulad ng lagi kong ginagawa ay hinintay ko ang sundo ko sa waiting shed kung saan ako dating sinamahan ni Chaos. Dito ko siya unang ninakawan ng halik. Napangiti na lang ako nang maalala ko ang pangyayaring ‘yon, lalo na ang naging reaksiyon niya sa ginawa ko. Pero agad din naglaho ang ngiti ko nang maalala ang mga nalaman kay Curse. Chaos, ano ba talaga ang nararamdaman mo para sa akin? Tumayo na ako mula sa pagkakaupo nang makita na ang sundo ko. Tumigil na ito sa harapan ko kaya nilapitan ko na ito. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan. Akmang papasok na ako sa loob nang mapatigil ako. May kung anong nahagip ang mga mata ko sa kabilang gilid ng kalsada. Nakatayo doon si Hestia, mukhang may hinihintay. Ilang saglit pa ay may tumigil na magarang na sasakyan sa harapan niya. Mabilis na lumapit si Hestia sa kotse at pumasok sa loob. Tumagal ng ilang segundo ang kotse roon bago ito muling umandar. Natanto ko na lang na nakakunot na ang noo ko habang sinusundan ng tingin ang kotseng humaharurot palayo. Hindi iyon ang sundo nila ni Yesxia. Mas pinili ko na lang ipagsawalang bahala iyon at tuluyan nang pumasok sa loob ng sasakyan. “Let’s go, Manong," sabi ko at isinandal ang sarili sa upuan at ipinikit ang mga mata. Sino ang nagmamay-ari ng kotseng ‘yon? DALAWANG araw ang lumipas ay ganoon pa rin ang gawain ko. Sa tuwing magku-krus ang landas namin nila Hestia at Chaos ay agad akong iiba ng daan para makaiwas sa kanila. Ni ang magtama ang aming mga paningin ay iniiwasan ko. Hindi na rin ako magugulat kung alam na nilang iniiwasan ko silang dalawa. Obvious naman kasi sa mga ikinikilos ko. Hindi ko naman balak na patagalin na ganito ang gawain ko, lalo na kay Hestia. Pero papahupain ko muna ang nararamdaman ko bago ko siya muling kausapin. “Raileigh, come with us," aya sa akin ng mga kaklase ko na marahan kong inilingan. “Sorry, girls. May pupuntahan ako," sambit ko at nahihiyang ngumiti sa kanila. “Oh, ganoon ba? Okay.” Umalis na sila ng classroom habang mga nagdadaldalan. Panay pa ang tawanan ng iba sa kanila at hampasan. Lumabas na rin ako ng classroom para magtungo sa classroom nila Hestia. Ngayon ko kasi napagpasyahang pansinin na ito. Gusto ko rin humingi ng sorry sa ginawa kong pag-iwas sa kanya. Uunahin ko munang kausapin si Hestia bago si Chaos. Hindi pa ako tuluyang nakakarating ng classroom nila Hestia at Chaos ay may naririnig na akong dalawang taong nag-uusap. Tumigil ako sa paglalakad at dumikit sa pader para magtago. Umandar ang pagiging chismosa ko. Tumawa ang isang babae. “Ano ba talaga ang problema mo sa akin?” “You! Ikaw ang problema dito!” Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang boses nila. It’s Hestia and Chaos! At mukhang nagtatalo silang dalawa! “Wala naman akong ginagawa,” may panunuya sa boses ni Hestia. “Stop playing innocent, Hestia. I saw you! Pumasok ka sa loob ng kotse niya!” naiinis na sabi ni Chaos. Napatakip ako sa bibig. ‘Yong nakita kaya ni Chaos ay ang nakita ko rin ng araw na ‘yon? At base sa pananalita ni Chaos, kilala niya ang nagmamay-ari ng sasakyan na ‘yon. “What’s wrong with that? Sinundo lang naman niya ako.” “Hindi ako naniniwalang sundo lang ‘yon, Hestia!” Hindi ko masyadong maintindihan ang pag-uusap nilang dalawa. Bakit ba sila nagtatalo? Imbes na lumabas sa pinagtataguan ko, mas pinatalas ko pa ang pandinig ko para mas maayos na marinig ang mga sinasabi nila. Alam kong mali ang ginagawa ko, but who cares? Wala rin naman makakaalam na nakikinig ako sa pagtatalo nilang dalawa. Mapanuyang natawa si Hestia. Nai-imagine ko na tuloy ang mukha ni Chaos. Siguradong magkasalubong na ang kilay niya at bakas sa mukha niya ang matinding inis. “Are you jealous, darling?” Tila tumigil ang paghinga ko sa narinig na tanong ni Hestia kay Chaos. Darling? What’s the meaning of this? “Come on, Chaos. I am loyal to you.” Nasundan na naman ‘yon ng tawa. Hindi ko na kayang marinig ang mga sinasabi nila. Patuloy lang ang pagsikip ng dibdib ko sa mga naririnig. Hindi ko na tinapos ang usapan nila Chaos at Hestia. Nagmamadali na akong tumakbo paalis sa building ng mga fourth year at bumalik sa classrom. Wala pa rin tao dito. Nanghihina akong napaupo sa upuan ko at isinubsob ang mukha sa desk. Anong ibig sabihin ng mga narinig ko? Pati na rin ang itinawag ni Hestia kay Chaos. May relasyon ba sila? Hindi malabong mangyari ‘yon! Gusto ni Chaos si Hestia. Maaaring ipinalabas lang na ni-reject ni Hestia si Chaos para hindi na kumalat ang balitang nanliligaw ito sa kanya, saka nila palihim na itinuloy ang ligawan nila at itinago ang relasyon nila sa karamihan. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Nag-init ang mga mata ko. Sinubukan kong pigilan ang mga luha ko pero bigo ako. My tears silently trailed off. “Paano nyo nagawa sa akin ‘to?” I sobbed. Hindi ko na kinaya. Nagmamadali kong kinuha ang bag ko habang tinutuyo ang pisngi at malalaki ang hakbang na lumabas ng classroom. Bahala na kung mapahamak. Gusto ko nang umuwi. Hindi ko na kayang tumagal dito. Nagpasundo ako sa driver ko. Pinalabas naman ako ng guard ng school nang magdahilan ako sa kanya na masama ang pakiramdam ko. Pagpasok ko ng kwarto ko ay mabilis kong hinagis sa kung saan ang bag ko at dumeretso ng banyo. Hinubad ko ang lahat ng saplot sa katawan ko at ipinuwesto ang sarili sa ilalim ng shower. Kasabay ng pagdaloy ng tubig sa katawan ko ay ang pagdaloy din ng mga luha ko sa aking pisngi. Hindi lang ako sawi ngayon. Pakiramdam ko rin ay trinaydor ako ng taong pinakamalapit sa akin. Ang hirap tanggapin. Masyadong masakit sa dibdib. Kakaiba ang ganda ni Hestia. May ibubuga rin pagdating sa patalinuhan. She's every man's ideal girl. Kaya maraming lalaki ang nahuhumaling kay Hestia, pero ‘di ko aakalaing isa na roon si Chaos. Bakit hindi ko nga man lang ‘yon naisip? Nanghihina akong napaupo sa tiles at niyakap ang mga tuhod. Nilagay ko sa tuhod ko ang pagmumukha ko at tahimik na humihikbi. They betrayed me. Itinago nila ang relasyon nila sa lahat. Para ano? Para sa akin? Para hindi ako masaktan? Buong akala ko pa noon ay may kung anong namamagitan kina Hestia at Kuya Silent nang makita kong may kung ano sa titigan nila. ‘Yon pala, sa kanila ni Chaos ang may namamagitan. TULAD ng inaasahan ko, pinagalitan ako ng teacher ko sa ginawa kong pagliban ng klase. Nagdahilan na lang akong sumama ang pakiramdam ko, pero hindi sapat ‘yon para hindi ako makarinig ng sermon. Sana raw ay nagpaalam man lang ako ng maayos, papayagan naman akong umuwi. Recess na at kasama ko ang mga kaklase kong babae. Ito ang unang pagkakataon na sumama ako sa kanila nang yayain nila ako. “Anong meron kaya kay Raileigh at sumama sa atin?” tanong ng isa sa kanila. Nagtawanan silang lahat dahil sa biro ng isa. Nakitawa na lang din ako. Sana lang ay huwag lumabas ang sungay ko sa pagbibiro nila. Panay ang tawanan ng mga kasama kong babae habang naglalakad patungong canteen. Panay ang daldalan nila at tanging sila lang ang nagkakaintindihan. I’m out of place here. Doon ko napagtantong this is not where I belong. Hindi sila dapat ang kasama ko ngayon. Hindi dapat sa kanila ako sumasama. Hindi sa kanila. Dapat doon sa isang babaeng sarcastic na palagi akong binabara. Patuloy sila sa paglalakad habang panay pa rin ang tawanan. Dahil doon ay hindi nila napapansin na nakakalayo na sila sa akin. Naiiwan na nila ako. Ito ba ‘yong sinasabi ng iba? So much people around you yet you feel so lonely? Maybe. I smiled bitterly. Hindi ko dapat ipagpilitan ang sarili sa mga bagay o tao na hindi naman talaga para sa akin. Hindi na ako sumunod pa sa mga kaklase ko at tuluyan na lang humiwalay. Imbes na magtungo sa canteen, naupo na lang ako sa isang bench dito sa gilid ng field. Tumingala ako sa kalangitan. Hindi naman masyadong matirik ang araw. Katamtaman lang ang init ng araw na tumatama sa balat ko. Bumaba na ang ulo ko at itinuon na lang ang tingin sa sapatos ko. I let out a heavy sigh. Napagpasyahan ko kagabi na lalayo na ako sa dalawang taong trumaydor sa akin. Pero ngayon, parang ayaw ko nang ituloy. Pareho ko silang nami-miss. Ang kasungitan ni Chaos at pagtataray ni Hestia. “You look so pity, Raileigh.” Kaagad na umangat ang ulo ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon. Nanlalaki ang mga mata ko nang sumalubong sa akin si Hestia. Nagpameywang siya sa harapan ko. “Hindi ka talaga marunong makipagkaibigan. Hindi ka marunong makisama sa iba.” Nanatiling blangko ang ekspresiyon sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga ‘to. Nakita niya ako kanina? Bumakas sa mukha ko ang pagtataka nang may ilahad niya sa aking plastic. Sinenyasan niya akong kunin ‘yon pero hindi gumalaw ang kamay ko. Umikot na lang ang mga mata niya at siya na ang naglapag ng plastic sa mga hita ko. “Alam kong narinig mo kami ni Chaos kahapon. Nandoon ka noon, nagtatago. Sinabi sa akin ni Clarence.” Ang tinutukoy niyang Clarence ay kaklase nila ni Chaos. Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Hestia. Hindi ko napansing nakita pala ako ni Clarence. “H-hindi na mahalaga ‘yon!” kaagad kong sabi bago pa siya muling makapagsalita. She let out a heavy sigh. “I’ll let Chaos handle you.” Nangunot na lang ang noo ko sa sinabi niya. Tumalikod na siya. Akmang iiwan na ako ni Hestia ng mag-isa rito nang muli akong magsalita na nagpatigil sa kanya. “Gusto mo ba ang Montealegre’ng ‘yon?” madiin kong tanong. Nanatili siyang nakatalikod sa akin. Segundo ang lumipas bago ko narinig ang pagsagot ni Hestia sa tanong ko. “Yes.” Kahit na nakatalikod siya sa akin, ramdam kong nakangiti siya habang sinasabi niya ‘yon. Bumagsak ang balikat ko. Tuluyan nang nadurog ang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD