I HEAVED a sigh. Inayos ko ang postura at taas-noong naglakad papasok ng coffee shop. Gumala ang tingin ko sa paligid at natuon iyon sa taong hinahanap ko. Gaya ng inaasahan ko, nandito na siya. Palihim akong napangisi at naglakad na palapit sa kanya. Siguradong mainit na ang ulo nito dahil sa tagal ko. “Long time no see, Hestia," bungad ko nang makalapit at naupo sa kaharap niyang upuan. Inilapag ko ang hawak kong shoulder bag sa kandungan at itinuon ang tingin kay Hestia para suriin ng tingin ang pagbabago niya. Nakipaglaban din siya sa akin ng tingin. She changed a lot. “How are you?” I asked. Hindi niya sinagot ang tanong ko. May kung ano siyang kinuha sa dala niyang shoulder bag at inilapag sa ibabaw ng lamesa. Itinulak niya ‘yon palapit sa akin. Nangunot ang noo ko at kinuha a

