Chapter 7: Fake Vecka
“May naisip akong idea! Bakit hindi ka nalang magpanggap na si Ma’am?” seryosong sinabi ni Hara kay Lucy.
“Huh? Pa’no? Tsaka di ko naman kamukha si Ma’am!” sagot ni Lucy.
“Meron akong paraan!” ani Hara.
Umalis si Hara kasama si Lucy para bumili nang mga gagamitin nila sa pagdi-disguise. Gagayahin kase nila ang itsura at ayos ni Vecka. Pumunta ang dalawa sa pinakamalapit na Mall. Pero sinusubukan pa rin nilang tawagan si Vecka at hindi pa rin nila ito matawagan.
Nang makabili na sila ng mga kailangan nila ay agad silang bumalik sa Aces Company ng suot na ni Lucy ang kailangan nito. Pagdating sa buhok, damit at pang-ayos sa mukha. Nagaya nila nang maayos, pero may problema. Hindi dapat magsalita ng matagal si Lucy dahil matatangal ang ibang nakalagay sa mukha nito.
Nakapasok nang maayos si Lucy sa loob ng Aces at tingin sa kanya ng marami ay siya si Vecka.
“Kinakabahan ako!” ani Lucy. Nung nakasakay na sila sa elevator ay nakapag-usap ang dalawa nang maayos.
“Hara! Tama ba to?” kinakabahang tanong ni Lucy.
“Hindi ko alam! Pero ito lang yung naisip kong paraan!” sagot nito.
“Pano kung kaharap ko na si Luchris? Baka mahalata niya?”
“Lucy… Kalma! Kaya mo ‘yan! Tsaka kamukhang kamukha mo si Ma’am Vecka sa ayos mo ngayon!”
Nakarating na sila floor kung saan nandoon ang office at umupo na si Lucy sa upuan ni Vecka agad. Nanginginig pa ang tuhod nito dahil sa sobrang kaba.
“Kalma ka lang.. Lucy! Kalma...” pagpapakalma ni Hara dito.
“Oh! Vecka? Nandito ka na pala!” biglaang pagpasok ni Luchris sa office ni Vecka.
Kinabahan silang dalawa kaya tumalikod si Lucy at humarap sa bintana. Tanging si Hara lang ang sumagot dito.
“Kailangan ni Ma’am Vecka magpahinga! Lumabas muna kayo!” pagpapaalis ni Hara dito.
At lumabas naman si Luchris na may bakas ng pagtataka sa mukha nito.
“Lucy! Ano ba? Alam ko mahirap! Pero kailangan mo gawin!” pagmamakaawa ni Hara.
“Bakit ba kase hindi na matawagan si Ma’am!” pag-aalala ni Hara.
“Magstay ka muna dyan Lucy! Buti nalang matalino ka at nagawa nating gayahin ang look ni Ma’am!” dagdag nito.
“Pero yung pirma? Alam ng lahat na nandito na si Vecka. Kaya magpapapirma na sila lahat!” pag-alala ni Lucy.
“Pag-aralan mo na ang pirma ni Ma’am! Habang maaga pa!” ani Hara. “Lalabas muna ako..” dagdag nito.
Lumabas si Hara para kunin ang gamit niya na naiwan sa office niya at nakita niya na umalis si Luchris sa office nito nang galit. kaya agad na bumalik ito kay Lucy para ipaalam ang nangyari.
“Success! Nagawa natin Lucy! Nagawa natin!” ani Hara.
“Nagawa mo! Nagawa mo Hara!” ani Lucy.
Kinabukasan, ganun ulit ang ginawa nila pero si Luchris ay iba na naman ang kinikilos nito.
“Ano kayang meron kay Luchris ngayon?” pagtataka ni Hara.
“Aaralin ko yung salita ni Ma’am Vecka! Pati kilos niya! Para makabawas sa pagtataka nang iba,” ani Lucy.
Nakatingin si Hara sa bintana sa labas ng office at nakita nito na papunta nanaman si Luchris sa kanila.
“Pupunta si Luchris!!” natatarantang sabi ni Hara.
“VECKA!! Nasaan si Paulina?! Alam kong ikaw lang ang nakakaalam kung nasaan siya! Sabihin mo!” galit na pagpasok ni Luchris.
Hindi nagsasalita si Lucy nakatingin lang ito sa mata ni Luchris. “Parang hindi po alam ni Ma’am kung nasaan si Paulina Sir!” pagpapaliwanag ni Hara dito.
“Ano bang nangyari sayo Vecka? Bakit wala kang alam? Hindi ka ba umuwi kahapon? Kagabi? Wala ka ba sa bahay kaya hindi mo alam? O nagmamaang-maangan ka?” ani Luchris.
Pero hindi pa rin nagsasalita si Lucy nakatingin pa rin ito kay Luchris.
Hara: Sir! Baka wala naman pong alam diyan si Ma’am?
Luchris: Huwag kang makialam! Kami lang ang nag-uusap! Tsaka pwede ba? Umalis ka muna dito? Nag-uusap kaming dalawa!
Hara: Kailangan ako ni Ma’am dahil may sakit siya! Please.. Sir! Huwag po muna kayo ngayon mag-iskandalo!
Lucy: Sec Hara? Iwan mo muna kami.
Iniwan ito ni Hara at tumayo naman si Lucy sa pinag-uupuan nito at hinarap si Luchris.
“Wala ako sa Mansion kagabi! Anong nangyari kay Paulina?” tanong nito.
“Vecka? Anong nangyari sayo?” pabalik na tanong ni Luchris.
“Paos ako, dahil may sakit ako. Hindi ko alam kung nasaan si Paulina. pero sige! Ako na ang maghahanap sa kanya,” ani Lucy.
“Sige! Tapos pag nahanap mo? Pauwiin mo agad! Ikaw ang natuturo ng ganyan sa batang ‘yan!” galit na sabi ni Luchris.
Lumabas na si Luchris at bumalik si Hara nang kabado at nag-aalala.
“Anong nangyari? Sinaktan ka ba niya? Nahalata niya ba? Ano?” pag-aalala ni Hara.
“Hanggang ngayon tanga pa rin si Luchris!!” ani Lucy.
Tinatawagan ni Luchris si Paulina pero hindi niya ito matawagan dahil nakapatay ang cellphone nito. “PAULINAAAA! NASAAN KA NA BA?!” sigaw ni Luchris na tanging siya lang ang nakakarinig dahil nasa loob siya ng opisina niya.
“Si Vecka ba talaga ang kausap ko kanina? Bakit parang ibang tao ang kausap ko? Bakit parang may iba?” pagtataka ni Luchris. Sinubukan nitong tawagan rin si Winston pero nakapatay din ang cellphone nito at hindi niya rin ito matawagan.
“PUTANG! BWISIT!” binato nito ang cellphone niya. Makalipas ang ilang oras ay lumabas si Luchris at pumunta sa malapit na kainan para kumain, pero hindi niya inaasahan na makakarinig siya ng mga ganong usapan mula sa mga tauhan nila. “Parang hindi nga siya si Ma’am Vecka! Ang kapal nang make-up! tsaka ang tangkad? Di’ba kayo nakakahalata?” naririnig nito sa nakasalubong niya.
“Pa’nong iba? Pa’no mo nasabi na parang may iba?” pagtatanong ni Luchris sa mga employee. Pero hindi siya nito sinagot nagmadali pa silang umalis dahil sa takot kay Luchris.
“Hindi kaya ‘yon din ang napansin ko? Bakit parang may mali nga?” pagtataka rin nito.
Tinawagan ni Luchris ang tatay ni Winston na si Wilson. “Partner! Musta? Anong nangyari sa business?” pagtawag ni Luchris dito.
“Tumawag ka sa’kin para tanungin ‘yan? Luchris? Don’t waste my time! I’m busy! Mind your own business!” sagot sa kanya nito.
“W-wait! What the f**k! Bwisit ka rin! G*G*! G*G*!” galit na galit ito nang p*****n siya ni Wilson nang tawag.
Napakamot ulo ito. “Aaralin ko ang kilos mo! At kilalanin ko kung sino kang nagpapanggap ka!” pagbabanta ni Luchris.
Tapos na ang oras ng trabaho at kailangan na naman nilang umuwi. Nakasakay sina Lucy at Hara sa kotse nang makita nila si Paulina na naglalakad. Kaya tinawag nila ito para pauwiin.
“Paulina! Paulina! Bakit naglayas ka?” Pagtatanong ni Hara dito.
“Tara! Sumakay ka muna! Mag-usap tayo!,” Dagdag nito. Sumakay si Paulina sa kotse at pagsakay nito ay nakita niya ang mukha ni Vecka.
“ATEEE? NANDITO KA NA? KAILAN KA DUMATING?” masayang nakita ni Paulina si Vecka, pero hindi si Vecka ang kaharap niya. Kundi ang nagpapanggap lang na Vecka na si Lucy. Tinanggal nito ang buhok niya pati ang make-up na nakakabit sa kanya.
“Hindi ako ang ate Vecka mo!, pagpapakilala ni Lucy dito.
“B-bakit mo ginagaya si ate Vecka? Anong kailangan niyo sa kanya?” galit na sinabi ni Paulina sa kanila. Bababa si Paulina sa kotse at pinigilan agad ito ni Hara.
“Makinig ka muna samin Paulina!” pagsaway ni Hara dito.
“Bakit ako makikinig sa inyo? Ano ba talagang plano niyo? Bakit niyo ‘yan ginagawa! Tigilan niyo na ‘yan! Kundi ipapapulis ko kayo!” galit na sinabi ni Paulina sa kanila at bumaba na ito nang sasakyan.
Bumaba rin nang sasakyan si Lucy at sinigaw nito ang sasabihin niya kay Paulina.
“Tumutulong lang naman kami kay Ma’am! Tumutulong kami para hindi maagaw ni Luchris ang pwesto niya! Wala kaming ibang maisip na paraan! dahil hindi namin matawagan si Ma’am Vecka! May tumutulong kay Luchris na kasama niya ngayon! Kung hindi namin gagawin ‘to? Walang nang babalikan si Ma’am Vecka!” paliwanag ni Lucy.
Napahinto sa paglalakad si Paulina at dali dali na bumalik sa sasakyan nila. “sasama ako sa inyo!” walang ng pagtatalo na naganap at sinama nila si Paulina sa kanila.
Pagdating sa bahay na tinutuluyan nang dalawa ay pinatuloy na rin nila doon si Paulina para rin tulungan sila nito sa mga susunod nilang gagawin. Tinuro ni Paulina kay Lucy kung paano maglakad si Vecka. sunod kung paano naman ito magsalita at kumilos. Tinuro rin ni Paulina kay Lucy ang pirma ni Vecka.
Pagdating sa mga damit at gamit ay naisipang kunin ni Paulina ang mga gamit ni Vecka sa Mansion para mas kapani-paniwala na siya si Vecka.
Hara: Sigurado ka ba diyan? Baka mapahamak ka sa gagawin mo!
Paulina: Di’ba? Pinapauwi naman niya ko ngayon? Uuwi ako! At pagbalik ko dito dala ko na lahat nang gamit ni ate Vecka na kailangan niyo!
Hara: Basta mag-iingat ka ahh..
Lucy: Huwag ka rin tutuloy dito na feeling may sumusunod sayo dahil baka mabuking nila tayo!
Paulina: Kasama ka Secretary Lucy! at ikaw rin Secretary Hara!
Lucy: Hindi kame pwede sumama sayo Paulina.. sa ngayon ‘yun nalang muna ang itulong mo samin.
Paulina: Sige! Magdadala ako bukas!
Umalis si Paulina sa bahay nang dalawa at bumalik ito sa Mansion para magawa niya ang tulong na ibibigay niya sa dalawang secretary. Pagdating niya sa Mansion ay nakaupo sa sala ang daddy niya.
“Buti naman naisipan mong umuwi? Saan ka nagpunta?” pagsalubong ni Luchris dito. Nilapitan siya ni Paulina at umupo sa harap niya.
“Dad? Pumunta ako sa puntod ni Mommy! Mas tahimik kase don at walang demonyo!”
“Alam mo! Kaugali mo ang Mommy mo! Nakikita ko ang ugali niya sayo! Pwede ba? Magmana ka naman sakin kahit isang araw lang?” pakiusap ni Luchris dito.
“Dad? Baliw ka na ba? Anak mo ko! Bakit mo ko tuturuan nang masama? Ganun ba ko katanga para makinig sayo!” galit na sabi nito.
“Oo na! tanga nga ko di’ba? Bakit lahat kayo tingin sakin ay tanga?” sigaw ni Luchris.
“Dahil hindi ka makaintindi Dad! Yung simpleng pamana ni Papa kay ate Vecka, napaka bigdeal n’un sayo na siya ang magmana!” galit na sabi ni Paulina.
“So? Anong ibig mong sabihin? Na sukuan ko lahat nang pinagpaguran ko?”
“Hindi ko sinasabi ‘yun Dad! Dahil wala ka naman ginawa eh! Kung gusto mo maging proud ako sayo! Tigilan mo na si ate Vecka!”
“ALIS!! ALISSSS! P*T*NG INA! UMALIS KA SA HARAP KO! HINDI KITA ANAK!”
Umiiyak na umalis si Paulina sa harap nito at pumunta sa kwarto ni Vecka. “Bakit ba kase naging Daddy pa kita!” umiiyak na sabi ni Paulina. Kahit mabigat ang loob nito dahil sa pag-aaway nila ni Luchris ay tinuloy pa rin nito ang pag-aayos nang gamit ni Vecka na dadalhin niya kay Lucy.
Pagtapos nito mag-ayos nang gamit ay sa kuwarto na rin ito ni Vecka natulog. Pag-gising ay nilabas niya na ang gamit ni Vecka na dala niya. Naka-school uniform pa ito na suot at nag-taxi nalang para walang makaalam na iba kung saan ito pupunta.
Siya nalang ang hinihintay nang dalawa at nang dumating siya doon ay agad nag-ayos ang dalawa para hindi sila ma-huli sa trabaho. Pagdating sa kompanya ay inumpisahan na ni Lucy ang kilos at galaw nang isang Vecka.
Nahuli sa pag-pasok si Hara para hindi ito masyadong mahalata. Pati pagbati sa mga employee ay Vecka ang dating ni Lucy. Nakita rin nila ang pagbabago nang reaksyon ng mga tao na kasama nila sa loob ng kompanya lalo na si Luchris.
Si Luchris ay nalilito sa nangyayari sa pamangkin niya. Hindi rin kase niya alam kung bakit si Vecka na ang kaharap niya ngayon dahil kahapon lang ay iba ang pakiramdam niya dito. Pero hindi pa rin ito kampante sa kung anong nakikita niya.
Naisip ni Luchris na magpasa ng papel na papipirmahan nito kay Vecka. “Vecka? Magpapapirma ako para sa deliver na bagong furniture,” nakatingin si Luchris sa kamay nang Vecka na kaharap niya ngayon at pati ang katawan nito ay tinititigan ni Luchris.
“Parang tumangkad ka ata nang konti? Ma’am Vecka?”
“Luchris! Magkasama tayo sa loob ng Mansion? Ngayon mo lang napansin?”
“Siguro nga ngayon lang.”
“May iba ka pa bang papapirmahan?”
“Wala na.. ito lang! salamat! Ma’am Vecka!”
Lumabas na si Luchris sa office nito, dahilan nang paghinga ni Lucy ng maluwag. Si Luchris naman ay tuloy pa rin ang pangkikilatis kay Vecka dahil naghanap ito nang dokumentong may pirma ni Vecka.
Nang makita ni Luchris ang isang dokumentong may pirma ni Vecka ay kinumpara niya ang pirma nang taong pumirma ngayon ng pinapirmahan niya at kitang hindi malayo ang itsura ng dalawa. Napahinga si Luchris nang malalim “ganito pala ang gusto mong laro ah, tingnan ko lang kung hanggang kailan ka d’yan!”
Pumunta si Paulina sa office ni Vecka na ikinagulat nang dalawang sekretarya.
“Anong ginagawa mo dito Paulina?” tanong ni Hara.
“Kakauwi ko lang galing school kaya naisipan kung bumisita.” sagot ni Paulina.
Hindi pa rin mapakali si Luchris at bumalik ulit ito sa office ni Vecka at naabutan niyang kausap nito ang anak niyang si Paulina.
“Dad?” pagtatakang tanong ni Paulina.
“Ahh.. tapos na ang klase niyo? Sige, balik na ko sa office ko.” Pagbungad na sabi nito.
Pagkarating nito sa office niya ay nagwala nanaman ito at binasag ang basong nakapatong sa lamesa niya.
“BAKIT AKO NAGKAKAGANITO!! BAKIT AKO NALILITO!! WAHHHH HYAAHHHHHH,” Malakas na sigaw nito.