Chapter 8: The Imposture
“Nagtagumpay kayo sa unang plano niyo,” ani Paulina. Masaya ang dalawang sekretarya nang tumalab kay Luchris ang planong ginawa nila.
“Hindi naman siya maniniwala kung hindi mo kami tinulungan ehh,” natutuwang sabi ni Hara.
“Salamat.. Paulina, Hara! Sa totoo lang ibinilin talaga sakin ni Sir Sedenio ang ipagtanggol si Vecka sa lahat lalo na kay Luchris. Dahil alam naman natin na hindi marunong si Vecka na protektahan ang sarili niya,” ani Lucy.
Lumapit si Paulina kay Lucy at niyakap niya ito.
Paulina: Ano bang bilin sayo ni Papa?
Hara: Oo nga? Nung nakaraan pa ko nacu-curious dun ehh.
Paulina: Bayad ba yan?
Lucy: Huh? Hmm.. Oo, bayad na ni Sir Sedenio ang buong buhay kong pagseserbisyo sa Aces. Pero pinaalis lang ako ni Luchris.
Paulina: Buong buhay? Ibig sabihin malaki ang binayad sayo ni Papa?
Lucy: Paulina.. Hara.. yung binayad sakin ni Sir ay kayang bilhin ang halaga nang Aces Company.
Hara: W-what?! Wow!
Paulina: Bakit kaya gagawin ni Papa yon? Sino ba si Dad?
Lucy: Paulina... Alam mo naman kung gaano kasama ang Dad mo! Lahat gagawin para makuha niya ang gusto niya. Kaya nga namin to ginagawa dahil gusto namin na protektahan ang pamana ni Sir kay Ma’am Vecka.
Paulina: Hindi ko pa pala talaga kilala kung ano si Dad.
Malungkot ang mukha ni Paulina at kinuha nito ang gamit na dala niya. “Ate Hara, ate Lucy! Maiwan ko na po kayo,” pagpapaalam nito. Hinayaan naman siya nang dalawang sekretarya na umalis.
“Hala! Umalis na siya dapat kase hindi na natin pinagkwentuhan ang tungkol d’on ehh,” ani Hara habang nagdadabog palabas nang office.
“Hara!” pag-awat ni Lucy dito. Pero hindi na bumalik si Hara.
Bumalik ulit si Lucy sa upuan ni Vecka at naghintay doon sa pagbalik ni Hara. Bumalik nga si Hara pero meron nanaman balitang magpapakaba kay Lucy. Ang pagpunta ni Ramona sa office nito.
“Huh! Nandiyan na siya ngayon?” gulat na sabi ni Lucy.
“Oo! Nandyan na Lucy! Ayusin mo na ang sarili mo! Bilis! Malapit na siya!” natatarantang sabi nito.
Nagmadaling inayusan ni Lucy ang sarili niya dahil si Ramona ang makakatapat niya ngayon. Mas kilala ni Ramona ang bawat anggulo at sulok ang mukha ng kapatid nito.
“Hara! Get out! May Pag-uusapan kami ni Vecka!” ani Ramona nang makarating ito sa office. Kabado at hindi alam ni Lucy kung anong pag-uusapan nilang dalawa.
“Vecka! My dear sister! Oh?! What happened to your face! Nako? Itigil mo na ang pagda-diet mo! Nakakasama ‘yan sa kalusugan nang nagtatrabaho,” ani Ramona.
“Ano bang ginagawa mo dito? Anong pag-uusapan natin?” tanong ni Lucy. Napahinto sa pagsasalita si Ramona at tumahimik ito. tinitigan nito ang mukha kapatid niya.
“B-bakit? Bakit ganyan ka naman makatingin?” ani Lucy.
“May something ehh… parang may kakaiba sa’yo! By the way! Hayaan na natin! Nandito naman na ako? So? Dun na tayo sa problem ko!” ani Ramona.
“Tungkol nanaman ba ‘yan sa issue nang RS?” pagputol ni Lucy sa usapan nila.
“Yes! Yes Vecka!,”
“Sa susunod na natin pag-usapan yan! Sa totoo lang may problema na rin ang Aces Company na dapat kong unahin. Ramona, You’re enough! To do your own job!”
“Bakit ganyan ka magsalita ngayon!! HUH!! Pagsinasabi ko sayo ang ganyang problema ko mas natataranta ka pa sakin!”
“Dahil mas kailangan mo matuto ngayon! Dahil wala si Vecka!”
“Huh? Anong sabi mo!?”
“Wala.. hintayin mo nalang ang pag-uwi ko sa bahay tayo mag-usap,”
“Okay? Nagsayang lang ako nang oras sayo! Sige na sa bahay nalang tayo mag-usap!”
Umalis na si Ramona at pumasok na ulit nang office si Hara.
“Anong nangyare te? Bakit badtrip ‘yon na lumabas?” tanong ni Hara.
“Sinermonan ko! Bakit? Bawal ba magalit ngayon si Vecka! Bwisit din siya! Baka akala niya ako si Vecka?” ani Lucy.
“Gaga ka! Ikaw nga ngayon si Ma’am ehh… kailangan mo magtiis habang wala siya,” ani Hara.
Nag-ring ang telepono nang office nila at bago sagutin ay nagkatitigan muna ang dalawa kung sino ang sasagot nang telepono. Kaya kinuha na agad ito ni Hara.
“Hello po? This is Hara! Sec-,” putol na sabi ni Hara ng biglang magsalita ang babae sa kabilang linya.
“Hara! Ano na nangyari!” pag-aalalang sabi ni Vecka.
“Ma’am Vecka?! Ma’am! Ano nang nangyari sayo? Bakit hindi ka na tumatawag! Hindi ka rin namin ma-contact!”
“Mahabang istorya! Basta feeling ko tinago ni Winston yung cellphone ko!”
“Ma’am! Si Lucy!”
“Anong nangyari kay Lucy? Sinaktan ba siya ni Luchris?”
“Ma’am hindi po!”
“Ibigay mo sakanya ang telepono para makausap ko siya!”
Binigay ni Hara ang telepono kay Lucy.
“Ma’am? Nagpanggap po akong ikaw!”
“Huh?! Lucy? Bakit naman kailangan mo pang gawin ‘yan?”
“Pagkami po kase ang tao dito sa loob nang office niyo wala kaming laban. Kaya nagpaka-impostor niyo po ako,”
“Lucy… bakit mo ginawa ‘yan? Nag-aalala ako sayo na baka mapahamak ka sa ginagawa mo!”
“Ma’am.. ayos lang po Ma’am kung masaktan po ako basta makatulong po ako sainyo,”
“Lucy.. maraming salamat sa mga ginagawa niyo sakin ahh! sige! Pumapayag ako na gamitin mo ang mukha ko basta mag-iingat ka lang ahh, mag-iingat ka sa kanila,”
“Opo Ma’am,”
“Tatawag na ko ulit! hintayin niyo lagi ang tawag ko,”
Binaba na ni Vecka ang telepono. Si Lucy ay panatag sa sitwasyon nila ngayon ni Hara. Pero may pag-aalala pa rin ito sa sarili niya.
“Sobrang thankful ko dahil nandyan ka Lucy! Matalino kang secretary kaya siguro pinagkatiwala sayo ni Sir si Ma’am Vecka,” ani Hara.
“Tiwala rin naman sayo si Ma’am, hindi niya ipagkakatiwala sayo itong company kung hindi ka magaling na secretary. Para maging magaling kang empleyado kunin mo ang tiwala nang boss mo! Magpasikat ka! Gawin mo kung ano ang best mo Hara para sa kanila,” pagpayo ni Lucy kay Hara.
“Luchris? Luchris! Asan ka ba?” ani Ramona. Galing itong Aces Company at galit din na umuwi dahil sa impostora ni Vecka.
“Bakit!? Kailangan mo nanaman ako kaya mo ko hinahanap? Katulad ka talaga nang nanay mo! Pareha kayong mukhang pera!” ani Luchris.
“Mukhang may sarili nang mundo si Vecka? Wala na siyang pakeelam sa RS!”
“May sarili naman na talagang mundo ‘yan! Siya yung gumagawa nang g**o sa pamilyang ‘to! Alam mo Ramona! Sana hindi na ipinanganak ‘yan ng nanay niyo! Puro sakit sa ulo!”
“Sana nga eh! Sana nga hindi ka na rin ipinanganak! Panira ka lang sa mundong ‘to!”
“Ikaw rin ehh! Sana hindi ka na pinanganak! Dahil epal ka lang sa plano ko,”
“Ano nanaman ba yung plano na yan?”
“Wala ka bang sariling plano? Bobo ka ba? Palagi ka nalang umaasa sakin!”
“Alam mo Luchris? Kung usapang Bobo! Mas Bobo ka!”
“Oo na! Bobo ako! Pero marami akong plano!”
“Ano ba kase yung plano mo na ‘yan?”
“Painumin nang lason si Vecka! Alam kong hindi niya ‘yon mahahalata! Dahil yayain ko siya na umiinom kaming dalawa,”
“No! kailangan kasama ako dyan sa plano mo!”
“Ano? Gusto mo painumin din kita nang lason? Ha Ha Ha(Laugh Maniacally),”
“Sabi ko bang ganon? Syempre! Kailangan yayain natin siya mag-dinner! Kas kung ikaw mag-aaya! Nako! Hindi ‘yon sasama bahala ka!”
“Good idea! Magaling Ramona! Dito mismo siya mamatay sa Aces Mansion,”
Narinig lahat ni Paulina ang pinag-uusapan ni Luchris at Ramona. Dahil nagtatago ito sa likod nang lamesang pinag-iinuman nila. Na-iiyak si Paulina sa nalaman niyang balita. si Vecka ay balak patayin ni Luchris. Pero impostor lang ni Vecka ang nakikita nila ngayon.
“Nako! Baka mapahamak si Ate Lucy!” bulong sa isip ni Paulina.
Pagtapos nang inuman ni Luchris at Ramona ay pumunta na ang dalawa sa sarili nilang mga kuwarto at lumabas na si Paulina sa pinagtataguan nito. Nakita ito ni Rosana na lumabas sa pinagtataguan nito.
“Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nandyan?” pagtatakang tanong ni Rosana nang makita niya si Paulina na nasa likod nang bar sa kusina.
“Ahhh.. may kinukuha lang ako kaso di ko maabot kanina pa ehh! hahayaan ko nalang di naman importante,” palusot ni Paulina dito.
Naka-ayos si Paulina at napansin nanaman iyon ni Rosana.
“May pupuntahan ka ba ngayon? Gabi na? baka mamaya mapahamak ka sa labas o kaya maabutan ka nang curfew!” ani Rosana.
“Saglit lang po ako,” ani Paulina sabay alis nang Mansion.
Lakad at takbo ang ginawa ni Paulina para makarating sa bahay nang dalawang sekretarya ngayon. Nang makarating na ito ay sinabi niya ang balak ni Luchris kay Vecka na lalasunin ito.
Paulina: May Plano si Dad! Alam kong ikapapahamak niyo kaya ako pumunta dito!
Hara: Anong plano ‘yan Paulina? Nako Lucy! Itutuloy mo ba ‘to? Baka mamaya ito na yung katapusan ng buhay mo! Nako!
Lucy: Anong plano ‘yan Paulina? Anong plano nila?
Paulina: Yayain ka ni ate Ramona na mag-dinner sa bahay at may ilalagay silang lason sa kakainin mo!
Lucy: Hindi na nila ako kailangan yayain! Buo na loob ko na tumira sa Aces Mansion! Tutal pumayag naman si Ma’am na maging impostor niya ko.
Hara: Ibig sabihin titira ka ngayon sa Mansion? Nako edi mas malaki ang chance na matigok ka dun! Wag na! hindi kaya nang konsensya ko kung mawawala ka nang dahil sakin!
Lucy: Huwag ka mag-alala Hara! Nandoon si Paulina, tutulungan mo naman ako diba?
Paulina: Oo! Tutulungan kita!
Nag-ayos na si Lucy ng gagamitin nito at para hindi na mahirapan sa paglagay nang make-up sa mukha nito at hindi na rin mag-alala na baka matanggal ang ibang nilalagay sa mukha niya ay nagpagawa nalang sila nang silicon mask na kamukhang kamukha ni Vecka.
Malaki man ang babayaran nila pero gusto nila na tulungan si Vecka sa mga masasamang balak ni Luchris dito. Buong gabi sila nasa pagawaan nang mask ginastusan nila nang malaki para matapos na agad at magamit kinabukasan.
Tinuruan ni Paulina si Lucy kung paano humawak nang kutsara si Vecka at kung paano ito kumain. Pati ang pag-inum nito nang tubig ay itunuro ni Paulina.
Pagtapos nang buong gabi nang paghahanda nila sa pagtira ni Lucy sa Mansion ay sinama na siya ni Paulina sa pag-uwi. Hindi man mapakali si Hara sa nangyayari ay dapat nalang niyang ipagdasal si Lucy sa lahat nang mangyayari sa loob at labas ng Mansion.
Pagdating sa Mansion ay sinalubong agad nang mga katulong nila ang dala nitong gamit. Pati ang nanay ni Vecka na si Rosana ay masayang sinalubong ang impostora ni Vecka na si Lucy.
“Revecka, kamusta ang bakasyon? Bakit napaaga ata ang pag-uwi mo?” ani Rosana
“Ma, masaya naman po at nag-enjoy po ako kasama si Winston,”
“Wait! Mag hintay ka lang diyan! Paulina? Sumama ka sakin!”
Sumama si Paulina kay Rosana sa kusina. “Sino yung babaeng yon?” seryosong tanong ni Rosana.
“Tita? si Ate Vecka po!” sagot ni Paulina.
“Hindi mo sasabihin? Ako ang magtatanong!” galit na sabi ni Rosana.
Iniwan ni Rosana sa kusina si Paulina at sinamahan nito ang impostora ni Vecka sa kuwarto ng anak niya. Pagkarating doon ay pinalabas niya ang mga nagdala nang gamit ni Vecka sa kwarto nito.
“Sino kang babae ka? Bakit ginagaya mo ang mukha nang anak ko! Nasaan ang anak ko impostora!”
“Ma’am! Nandito po ako para tulungan si Ma’am Vecka sa lahat nang plano ni Luchris! Nandoon pa po si Ma’am Vecka hindi pa po siya makakauwi,”
“Tingin mo ba? Papayag ako na maging kamukha mo anak ko? Impostor ka! Sino ka ba?”
“ako po si Lucy ang secretary ni Sir Sedenio,”
“Huh!!”
Nagulat si Rosana at napaupo sa kama ni Vecka. “Bakit nagparetoke ka nang mukha nang anak ko? Hindi na ba siya babalik?” naiiyak na sabi ni Rosana.
“Babalik pa siya! Hindi po ito retoke! Maskara lang po ang nakalagay sa mukha ko! ‘wag po kayo mag-alala. Nandito po ako para tumulong. Wala po balak makiagaw sa pagma-may-ari ni Ma’am Vecka,”
“Dapat lang at siguraduhin mong hindi ka mahuhuli ni Luchris sa pinag-gagawa mo! Dahil kapag nahuli ka niya! Hindi si Vecka ang mananagot kundi ikaw!”
Lumabas na nang kwarto si Rosana at pumasok naman si Paulina. “Dapat pala hindi natin to ginawa! dapat hindi na tayo pumunta dito sa Mansion,” ani Lucy.
“Ate? saglit lang na magiging ikaw si ate Vecka. Saglit mo lang na mararamdaman na maging siya. Sa dami nang tao na pinangarap maging siya, ikaw ang pinalad. Ikaw ang sinwerte! Dahil naramdaman mo yon! Ate Lucy! I-enjoy mo nalang at alamin mo kung paano kalungkot ang mundo ni ate Vecka, na alam nang lahat ay masaya,”
Niyakap ni Lucy si Paulina dahil naiyak ito sa sinabi niya kay Lucy. Pinunasan rin ni Lucy ang luha nito.
“Huwag ka mag-alala gagawin ko kung ano ang dapat gawin para matulungan natin si Ma’am, di’ba sabi mo tutulungan mo ko? Dapat maging malakas ka rin! Para magawa natin nang maganda at maayos! Hindi ako makakapasok dito sa Mansion pero nang dahil sayo Paulina, Natupad ang pangarap ko na pinangarap din nang iba,” ani Lucy.