Chapter 9: Imposture Job

2292 Words
Chapter 9: Imposture Job “Kailangan ko harapin kung anong mga problema ni Vecka, Kailangan ko rin tiisin para matupad ko ang pangako ko kay Sir Sedenio,” bulong sa isip ni Lucy. Bumaba na si Lucy para mag-umagahan, Kasabay ang pamilya ni Vecka. Ito ang unang araw na makakasabay niya ang pamilya ni Vecka sa pagkain. Nakaupo sa harap nila ang impostora ni Vecka tahimik at masama ang tingin ni Rosana sa impostora. “Hindi ka pa kukuha nang pagkain mo? Gusto mo ako na kumuha para sayo?” Galit na sabi Rosana. Nagulat at napatingin si Luchris at Ramona sa ginawa ni Rosana. Hindi naman nagsalita si Lucy kaya siya na ang nagsandok nang pagkain nito. Nagdadabog na sinandukan ni Rosana si Lucy at si Lucy ay nakayuko at tahimik lang. “Bakit kailangan niyong magdabog?” kunot-noong na sabi ni Paulina. “Hindi ba pwedeng sandukan niyo siya ng hindi nag-iingay?” dagdag nito. hindi na nagsalita si Rosana dahil galit ito sa impostora ni Vecka. Pagtapos kumain ay umalis na si Paulina at Lucy. Habang ang dalawa naman ay masaya sa ginawa ni Rosana sa impostora ni Vecka. Luchris: Baka hindi ka binigyan ni Vecka nang pera kaya galit ka sa kanya! (Laugh) Ramona: Hindi! Kase Luchris, baka naghihintay pa rin siya na bigyan siya ni Vecka nang mana. Mom! Di’ba sinabi ko na? pabayaan mo nalang kame! Luchris: Kung gusto mo tumulong ka nalang samin sa paglason sa kanya! Rosana: Lason? Lalasunin niyo si Vecka?Bakit niyo gagawin ‘yon? Para lang makuha kung anong gusto niyo? Bakit kailangan niyong pumatay? Huh!! Luchris: Dahil ‘yon lang ang madaling paraan para makuha na namin ang dapat samin! Rosana: Luchris! Please.. tigilan niyo na! ako na nagmamakaawa! Anak ko rin si Vecka! Ramona? Kapatid mo si Vecka! Wag kang makinig sa kanya. Ramona: gusto ko rin magkaron nang mana! Gusto ko rin na mabahagian ako! Dahil hindi ako binibigyan ni Vecka! Madamot siya! Gusto niya kanya lang ang lahat! Kaya kanino pa ko kakampi? Eh kaaway rin ang turing sakin ni Vecka! Luchris: Kaaway rin ang turing niya sakin! Kung hindi niya naman kami tinuturing nang ganun! Edi bati-bati tayo diba?! Ha ha ha (Laugh Maniacally) Nagtatawanan ang dalawa nang umalis si Rosana sa harap nila. Malungkot at aligaga dahil baka matuloy ang pagpatay ni Luchris kay Vecka. Pumunta si Rosana sa kwarto niya at isinara ito. Sinubukan nitong tawagan si Vecka para ipaalam ang plano ni Luchris. Pero hindi niya ito ma-contact. “Revecka! Revecka nasaan ka na ba?! Huwag ka munang umuwi!” bulong sa isip ni Rosana. Palakad-lakad ito sa loob nang kwarto niya at biglang napahinto sa naisip nito ideya. “Si Lucy! Si Lucy ang dapat nilang malason! si Lucy ang dapat mamatay! Hindi si Vecka!” Hara: Lucy! Biglaan nanaman ang pagsundo ni Sir Orlando kay Ma’am Vecka! Pupunta ka sa Royals! Ano nang gagawin natin nito? I-cancel ko nalang? Lucy: Hindi! Pupunta ako sa Royals! gusto kong maging si Vecka talaga para hindi na magtaka ang iba. Hara: Paano kung umuwi na si Ma’am Vecka? Ano nang gagawin mo? At makikita nang mga tao na dalawa ang Vecka! Lucy: Hara! wag kang mag-alala, pagdating ni Ma’am Vecka. Tatanggalin ko mismo sa harap nang tao na sinasabi mo ang maskara ko. Kaloy: Ma’am Vecka! Nandyan na po ang sundo niyo. Lucy: Sige! Susunod ako. Hara: Sasama ako! Lucy: Gusto mo sumama? Sige, samahan mo ko! Ituring mo rin akong si Vecka sa harap ni Sir Orlando. Bumaba na si Lucy at Hara para puntahan ang meeting ni Vecka kay Orlando. nasa baba na ang kotse na palaging pinang-susundo kay Vecka. Sumakay na ang dalawa at pagkarating doon ay sinalubong sila ng staff ng Royals, pero hindi pwedeng makapasok si Hara sa loob. Hara: Ma’am? paano po ako? Lucy: Bumalik ka sa Aces! hintayin mo ko don. Sumunod si Hara sa utos ni Lucy at tuloy ang pagpasok ni Lucy sa loob nito. dinala siya nang secretary ni Orlando sa office. “Good day! Revecka! Meron akong Goodnews sayo! Umupo ka muna,” ani Orlando. May kinuha itong envelope na galing sa lamesa niya at nilapag sa harap ni Vecka para ipakita ito. Orlando: Meron akong project at ni-recommend kita dahil alam ko naman na maganda ang lahat nang product niyo. Meron kasi akong applicant na magre-renovate nang bahay at papalitan ang lahat nang ilaw at furnitures! Alam kong magaling ang Aces pagdating sa Furniture. Lucy: Salamat Orlando! Makakaasa kang gagalingan din nang Aces ang project na ‘yan. Orlando: Plus! Meron surprise party mamaya si Wilson! Di ka ba invited? Sa party nang daddy ni Winston? Lucy: Huh? Hindi ko alam ‘yan. Naputol ang usapan nila nang tumawag bigla si Hara. “Sige! Sagutin mo muna yan,” ani Orlando. “Thanks! Excuse me,” paalam ni Lucy at lumabas ito para sagutin ang tawag ni Hara. Lucy: Bakit?! Anong nangyayari dyan? Hara: Nandito si Sir Wilson kakarating lang hinahanap si Vecka. Lucy: Hindi ba niya alam na nagbakasyon si Vecka? Hara: Hindi ko alam kung alam niya! basta bilisan mo diyan at pumunta ka na dito! Bumalik ulit si Lucy sa office ni Orlando para magpa-alam. “Why? What happened? Emergency ba?” ani Orlando. “Sige! kung emergency ‘yan pumunta ka na yung tungkol sa project ahh. Feeling ko malaking project ito at kailangan natin galingan!” dagdag nito. “Sige! Tatawagan nalang kita mauna na ko Orlando,” paalam ni Lucy. Pagtapos ay lumabas na ito at hinatid rin siya pabalik nang Aces. Nagmadaling umakyat si Lucy sa office ni Vecka, para maabutan si Wilson doon. Nang makarating si Lucy ay naabutan nitong nakaupo si Wilson. “Oh? Mamaya ‘yan gabi aasahan ko na makakapunta kayo ni Luchris!” ani Wilson. Inabot lang nito kay Lucy ang inbitasyon sa party niya at sabay umalis. Lucy: Ano ba ‘yan! Hindi ako ready! Bakit sabay sabay naman yung trabaho ko! Hara: Kailangan mong gawin ‘yan! wala akong ibang hihingian nang tulong! Lucy: Sorry Hara, sorry… Hara: Hahandaan nalang kita agad nang susuotin mo. Lucy: Oo, sasama ako! Umalis ang dalawa para maghanap nang susuotin sa party Wilson. Pumunta sila sa pinakamalapit na bilihan nang dress. “Anong gusto mo Lucy? Yung ball gown ba? Kase ako hindi ko alam kung anong hilig ni Ma’am Vecka sa damit. Kase paiba-iba naman si Ma’am ng sinusuot ehh,” ani Hara. “Subukan kaya natin tawagan si Paulina? Siguro naman nakauwi na ‘yon. Dahil kanina pa ang uwian nila,” ani Lucy. Tinawagan niya si Paulina para tulungan sila sa pagpili nang susuotin sa party. Lucy: Paulina? Nasaan ka? Kailangan kita ngayon nandito kami sa bilihan ng gown. Paulina: Ano bang meron? Ang dami rin damit ni Dad dito sa sala. Meron bang event? Lucy: Nandito ako sa bilihan nang dress. Malapit sa office pwede mo ba kaming tulungan sa pagpili? Hindi kase namin alam ang mga gusto ni Vecka. Paulina: Hindi diyan bumibili si Ate Vecka. Magkita nalang tayo sa Julie’s Design doon kase bumibili si ate Vecka nang sinusuot niya sa lahat nang Event. Lucy: Sige! Magkita tayo don. Pumunta agad sina Hara at Lucy sa sinabing lugar ni Paulina at pagkarating doon ay nagkita sila ni Paulina. “Pasok na kayo! Ayan lahat nang design niya. Ang gusto ni ate ay kulay pula ayaw niya na makati ang gown na susuotin niya. Ayaw niya nang ball gown gusto niya simple, pagdating naman sa Red. Ayaw niya nang pulang-pula. Yung pulang masakit sa mata? Sa totoo lang wala naman pula na masakit sa mata ehh, basta yung pula na kulay dugo,” ani Paulina. Nag-umpisa na sila mamili nang susuotin at nang makapili na si Lucy ay sinukat niya ito. “Kamukha mo si Ma’am Vecka! Perfect! Ang ganda talaga nang nabili nating mask!” ani Hara. “Huwag kang maingay baka may makarinig sayo!” ani Paulina. “Bayaran niyo na ‘yan Mas gusto ko na ‘yan ang suotin mo,” dagdag nito. Pagtapos bayaran ay nagpaalam na ang dalawa kay Paulina. “Salamat ahh sa bahay nalang ulit tayo magkita,” ani Lucy. “Hindi sinasabi ni ate Vecka na bahay sinasabi niya palagi na Mansion. Take note ate Lucy! Sige na mukhang nagmamadali na kayo, Byeee!” ani Paulina. Pagdating nang dalawa sa office ay doon sila nag-ayos. Ang office ni Vecka ay naging isang salon dahil sa araw-araw na pag-aayos ni Hara kay Lucy. Pagtapos nang mahabang ayusan ay ready na si Lucy na humarap sa maraming tao bilang Vecka. Pumunta na si Luchris sa party at nakita niya ang pagdating ng impostor ni Vecka. “Kahit saan talaga nakikita kita! Sabagay pareha tayo nang tinitirhan at pamangkin kita!” ani Luchris. Lumapit ito kay Vecka para batiin. “Ang ganda mo ngayong gabi! Ako ang escort mo! So? Enjoy the party!” ani Luchris. Hindi komportable si Lucy sa ginagawa ni Luchris sa kanya. Ngayon niya lang kase naranasan na hawakan sa braso si Luchris. Nag-umpisa na ang party kaya naglakad na sila papunta sa lamesa nila. Maraming nagpipicture sa impostora ni Vecka. Dahil sa ganda nang suot nito at dahil na rin sa maganda ito. “Nag-e-enjoy ka ba?” bulong ni Luchris. “Wag ka masyadong mag-enjoy! Dahil marami pang mangyayari sa party! Baka hindi mo masyadong ma-enjoy yung ibang part!” dagdag ni Luchris. Lumapit bigla si Orlando sa lamesang inu-upuan nila dahilan ng biglaang pagkaba ni Vecka. “Pwede bang dito na rin ako umupo Vecka?” ani Orlando. “Nandito ka na pala Orlando! Sige, umupo ka lang diyan. Para rin may kakwentuhan ako. Pasensya na nga pala kanina ahh iniwan kita dahil dito,” ani Lucy. Luchris: Nagkita pala kayo kanina? Orlando: Yes! May pinag-usapan kami tungkol sa upcoming project nang company namin! And nandito rin kame para i-celebrate ‘yon! Luchris: Totoo? Bakit wala ka manlang sinabi sakin Vecka! Sana kanina pa natin cinelebrate! Lucy: Eh kase.. wala naman akong balak sabihin sayo! Usapang CEO kase ‘yon! Orlando: Ahhmm.. Nakalimutan ko na hindi pala CEO nang Aces si Luchris! Ha ha! I’m sorry about that Vecka! Lucy: It’s okay! Di ba Luchris? Luchris: Excuse me! Umalis si Luchris sa table dahil na-bwisit nanaman sa impostora ni Vecka. Habang pinanonood ni Lucy ang pag-alis ni Luchris ay nakita niya ang pagpasok ni Winston sa Party. Hindi nito kasama si Vecka kaya walang g**o na mangyayari. “Excuse me!” ani Lucy. Aalis na sana siya para makapagtago pagkakita nito kay Winston. Pero nilapitan siya ito at hinatak sa gilid “Vecka!! Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito? Sabi ko wag ka nang sumunod di’ba?” bulong ni Winston. “Nasaan si Vecka!? Sabihin mo sa kanya na kapag hindi pa siya umuwi. Mamatay ako! Please, Sir Winston! Pauwiin mo na yung Vecka na kasama mo ngayon sa bakasyon!” bulong ni Lucy. “Sino ka ba? Bakit kamukha mo si Vecka!?” bulong ni Winston. Hinatak ni Winston ang impostor ni Vecka papunta sa kwarto na sila lang dalawa. “Sabihin mo sakin! Sino ka?! Bakit mo kamukha si Vecka?!” sigaw ni Winston. “Kailangan ko magpanggap na siya! Kase kung hindi makukuha ni Luchris ang lahat! Please, Sir Winston ikaw na mismo ang magtulak kay Ma’am na umuwi! Please!” Pagmamakaawa ni Lucy. pero hindi siya nito pinansin. “Kailangan malaman nang lahat lalo na si Luchris! Na hindi ikaw si Vecka!” sigaw ni Winston sa impostor ni Lucy. Hinawakan ni Lucy ang kamay nito at lumuho, kasabay nang pagpatak ng luha nito. “Kung sasabihin mo! Mapapahamak lalo si Vecka! Lalo siyang hahanapin ni Luchris para patayin! Papainumin nila ako nang lason! Kaya kung hindi mo sasabihin hindi malalaman ni Vecka ang planong pagpatay sa kanya!” ani Lucy. “Sige! Tutulungan kita! Ako na mismo ang mag-aaya kay Vecka na umuwi. Pero gusto kong magpakilala ka muna sakin!” ani Winston. “Ako si Lucy! Ang secretary ni Sir Sedenio! Nagpanggap akong si Ma’am para hindi masakop ni Luchris ang kompanya!” ani Lucy. Tumayo ito mula sa pagkakaluhod niya at binitawan na rin ang kamay ni Winston. “Gusto kong umalis ka na ngayon at wag mo nang tapusin ang party!” ani Winston. Pero hindi pa rin umaalis ang impostor ni Vecka. “UMALIS KA NA!!” sigaw ni Winston. At dali-daling umalis ang impostor ni Vecka. Pagkauwi ni Lucy sa Mansion ay naabutan nito si Rosana at nakatingin ito sa kanya nang masama. “Bakit ganyan ang suot mo! Hanggang kailan mo gagayahin ang anak ko! Hanggang kailan Lucy!” sigaw ni Rosana. “Ma’am! Bukas po! Dadating na si Ma’am Vecka! Hanggang ngayon nalang po ang trabaho ko! Please, Ma’am! Parehas naman po nating gusto tulungan si Ma’am Vecka di’ba? Magtulungan po tayo!” ani Lucy. “Uuwi na si Vecka bukas? Hindi pwedeng mangyari ‘yon! Hindi pwede! HINDI PWEDE!! Hindi pwede na mamatay ang anak ko! Kaya ikaw ang dapat mamatay!” galit na sabi ni Rosana. Hinawakan nito si Lucy. “Ma’am! Saan niyo po ako dadalhin! Ma’am! Tama na po!” pagmamaka-awa ni Lucy. Dinala ito ni Rosana sa bakanteng kuwarto at kinulong doon si Lucy. “Huwag kang maingay diyan! Dahil kapag nalaman pa ni Paulina na nandiyan ka! Yari ka sakin!” sigaw ni Rosana. “Ma’am! Pakawalan niyo po ako dito! Ma’am Rosana!” pagmamakaawa ni Lucy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD