Biyernes, ika-labing lima ng Nobyembre nang taong iyon, ang pinaka-weirdong araw sa buong buhay ni Casen. Hindi siya makapaniwala sa nakikitang himala. Unang beses iyon na makita niyang wala sa sarili si Tamara. It may be a common sight for a normal human being, but for him to see her in this manner is extremely unusual. Kanina pa ito tahimik, tulala sa klase at matamlay. Hindi rin ito nang-aasar, at higit sa lahat ang bait nito ngayong araw. Baka alien ang katabi ko ngayon? Tiningnan niya si Tamara na nakasandal sa upuan. "Ayos ka lang?" "I'm okay," mahinang tugon nito. Sinasabi na nga ba masama ng pakiramdam nito.Tapos na ang klase nila pero parang wala pa itong balak umalis ng classroom. "Una na ako, lovebirds," paalam ni Pael. Umupo siya at sinamahan ang babae. He just ca

