“Tinawagan ko ang boyfriend mo. Alalang-alala sa ‘yo. Papunta na dito.” Umupo si Jian sa tabi ni Tamara. “He’s not my boyfriend.” “Feelingera. Ibig kong sabihin kaibigang lalaki. Asa ka din girl. Marupok ka talaga” Aish… “Bakit mo pa siya tinawagan, uuwi na rin naman ako.” “Ang tigas talaga ng bungo mo. Kung wala ka lang sugat, nabatukan na kita. Kaya ka nga dinala sa ospital—" "TAMARA—" Parehas silang napalingon ni Jian nang bumukas ang kurtina sa harap ni Tamara at nilulan noon ang hagas na hagas na si Casen. "Cody?" Lumapit agad ito at ininspekyon ang kanyang sugat. "Why are you still in the ER? Na-check up ka na ba ng doctor?” Mai-spoil ba ang mood kapag napatawa siya? Did he run all the way here? Pinigil niyang ipakita na na-touch siya sa pagiging paranoid nito. Her

