Napatigil si Casen sa paglalaro nang may ulong biglang lumapat sa kanyang balikat. Kanina lang ay para itong nakalaklak ng energizer, sinong mag-aakala na ang maamong tupa na katabi niya ay ang abnormal na si Tamara. "Tamara." Ipinihit niya palayo ang leeg dahil sobrang lapit ng mukha ng babae. Ramdam niya ang haplos ng mainit nitong hininga sa kanyang balat. Isa pang nakaka-distract ang mapupulang labi ng dalaga na nakabaling sa kanyang direksyon. Pakiramdam niya ay biglang tumaas ang temperatura sa loob ng silid at ang puso niyang nanahimik tila nangangarera sa bilis ng pagtibok. Masyadong malupit ang eksenang iyon sa damdamin ng mga kagaya niyang single. Inhale, exhale. Pikit ang mata niyang hinawakan sa baraso si Tamara at umalis sa tabi nito. After he carefully laid her down o

