CHAPTER 3: Hindi siya cute

794 Words
“Hey, anong plano sa birthday ni Clyde?” Napatigil si Casen sa pagbobrowse ng playlist niya nang mag-pop up ang message ni Monique. Parang kailan lang ay naghihimutok ito kay Clyde, ngayon naman naghahanda na ito sa birthday ng mokong na isang buwan pa ang layo. At higit sa lahat, hindi man lang naisipang bumati ng mabait niyang kaibigan ng 'good morning'. Nagsend siya ng 'ahbd' at nagpatuloy na ulit sa pakikinig ng kanta sa kanyang cellphone. Sigurado naman siyang noong nakaraang taon pa ito nag-abalang magplano ng gagawin. Sinong niloko niya? “Nice talking to you.” Ni-like zone niya lang ang reply ni Monique. Nasa pagte-text ang kanyang atensyon nang may kung sinong tumapik sa kanyang balikat. Paglingon niya ay may anghel na nakatayo sa kanyang likuran na tila ba may hatid na magandang balita sa tamis ng ngiti nito. 'Yon nga lang nang magising siya sa katotohanan, hindi pala anghel ang nasa harapan niya kung hindi grim reaper. "Good morning, Cody!" Agad niyang iniwas ang tingin kay Tamara nang mag-flashback lahat ng nangyari sa pagitan nilang dalawa noong nakaraang linggo. Mukhang na-trauma ata siya. "Morning," bati niya kahit napilitan. Nakangiti at nakatitig lang si Tamara. Ano na naman bang pakulo iyon? Dumadali na naman ang ab normal nitong blood type. At malapit na rin talaga siyang makumbinsing kamag-anak ito ni joker. That creepy smile is giving him goosebumps. "Stop staring." He acted as if he was going to poke her in the eyes if she didn't stop. "I'm just admiring your handsome face." Alam niyang guwapo siya pero bakit kapag galing sa nilalang na ito tunog nanunuya? Simula nang magtagpo ulit ang kanilang hindi na dapat pinagtagpong landas, ay hindi na siya nilubayan ni Tamara. He's not sure if she's flirting or just teasing him in a different way. She's impossible to comprehend. And why am I even talking to her? Sasakit lang ang ulo niya kapag inintindi niya ito. Nagpatuloy na siyang maglakad. Pero hindi pa siya nakakalayo ay biglang kumapit ito sa damit niya at nagtago sa kanyang likuran. Talaga namang pinagpala ang lunes niya... "Puwede bang pakialis ng kamay mo sa damit ko?" Kung sino mang pinagtataguan nito ay wala siyang pakialam. "I'm trying to hide from an annoying person kaya diyan ka lang. Saglit lang naman 'to kaya tulungan mo na 'ko,” paliwanag ni Tamara pero hindi natinag ang mukha ni Casen. "Please?" May magagawa pa ba siya? Ipinihit niya ang tingin sa lalaking pababa ng hagdan malapit sa kinatatayuan nila. Ah. Ngayon na-gets na niya kung bakit nagtatago ang magaling niyang kaaway. "Aren't you both annoying?" walang pagdadalawang-isip na komento niya. Hindi man kita ni Casen ang mukha ng babae pero ramdam niya ang inis nito sa pagkakakapit sa kanyang damit. "Well sorry for being annoying." Lihim na napangiti siya sa labag sa loob na paumanhin nito. Pakiramdam niya ay nakapuntos siya ng isa. Marahil epekto iyon ng masamang impluwensya ni Tamara. "Nakalampas na ang pinagtataguan mo baka gusto mo na akong bitawan." Inalis naman agad nito ang kamay. "Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya na ayaw mong sumali? Walang mangyayari hangga't hindi mo siya kinakausap." "Alam mo naman kung gaano ka persistent ang presidente ng department natin. Ilang beses ko ng sinabing ayaw kong sumali pero ang kulit pa rin niya. Iniiwasan ko na lang siya para iwas stress." Lingid sa kaalaman ni Tamara noong nakaraang linggo pa pini-pressure ang klase nila na kumbinsihin itong sumali. Wala nga lang naglalakas ng loob. Ilang sunod na taon na rin kasing talo sa pageant ang departamento ng BSBA. Hindi man niya gustong aminin, maganda nga talaga ang nilalang na kaharap. At isama pang matalino, unfair talaga ang mundo. "Baka kasi may rason kung bakit ka niya kinukulit. Ayaw mo bang subukan? Para saan ang overconfidence mo kung hindi mo gagamitin." Hindi siya sanay magbigay ng compliment kaya paninindigan na lang niya ang pagiging tsundere. "Gusto mo 'kong sumali?" Sandali itong huminto at tumingin sa kanyang mga mata. "Baka ma-in love ka kapag nakita mo 'kong naka-gown at make-up. Ano game ka ba?" Hindi maipinta ang mukha ni Casen sa mga narinig. Lalo na nang kumindat ito at nag-pose na parang mamaril. "Let me fire a bullet into your heart. Bang!" Hindi siya cute, may pag-iling na tanggi niya sa kanyang utak ngunit mukhang nanganganib ang mga mata niyang hindi marunong magsinungaling. Mukha man timang si Tamara ay hindi maikakailang sharp shooter ito at na-bullseye ang puso ni Casen. Itinuon na lang ni Casen ang pansin sa paglalakad bago pa madugtungan ang sarili niyang kabaliwan. "Aish... hindi ba 'ko cute?" rinig niyang reklamo nito. Sa 'di malamang dahilan tumaas na lamang ang dalawang sulok ng kanyang mga labi. He must be crazy... really crazy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD