Matapos ang engkuwentro nila ni Tamara sa hallway, akala ni Casen ay matiwasay nang matatapos ang buong araw niya kaso dahil sa pasirang research paper kailangan pa tuloy nilang magkita ni Tamara. Nataon kasing wala silang klase ng hapon kaya napag-usapan nilang gumawang magkasama.
"Okay ka lang? Kanina ka pa mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa dyan. May nangyari ba?" tanong ni Monique habang patuloy ang pagtipa sa laptop. Napatingin ang kaklase ni Monique na si Ashley. Ngayon lang sila nagkita at sobrang mahiyain ang babae kaya hindi niya alam kung paano ito pakikisamahan.
Nasa living room sila ng apartment ni Clyde ng mga oras na iyon. Naging gawi na kasi nilang tumambay doon tuwing vacant. Kasalukuyang gumagawa ang mga kasama ng proyekto samantalang siya ay tamang panggulo lang. You only live once, ika nga. So he’s living the way he wants to. Maka-graduate kaya siya nito ng kolehiyo? Naging past tense na sa buhay niya ang pagiging model student.
"Indigestion... " Dahilan na lang ni Casen para hindi na magtanong si Monique. Inilapat niya ang kanang pisngi sa lamesa at tumulala na lang sa kawalan. May kalahating minuto pa bago sila magtuos ni Tamara.
"Pare CR lang katapat niyan,” biro ni Clyde sabay lapag ng ilang can ng coke at dalawang karton ng pizza sa lamesa. Kung alam lang niyang may anghel na sumapi dito ngayon at nanlibre, hindi na sana siya nagdahilan na masakit ang tiyan. Naglalaway na si Casen sa kaharap na pagkain nang abutan siya ni Ashley ng antacid.
H-ha? Napakamot siya sa ulo. Hindi niya akalain na girl scout pala ang kasama ni Monique. Nakonsensiya naman siya.
“Thank you,” pasasalamat niya at tinanggap iyon.
"O my baby is too good for you. Shoo… Shoo… you stupid fool.” Wala naman siyang ginagawa pero kung yakapin nito ang kaibigan parang may gagawin siyang masama. Hindi na lang niya ito pinansin at dumampot ng pizza.
"Akala ko ba may indigestion ka?" Nasigawan pa siya.
"Nirerespeto ko lang ang biyaya ng Diyos. Hindi dapat tinatanggihan ang grasya. Basic manners na kapag hinainan ka ng pagkain, tanggapin mo nang walang reklamo,” sagot niya sabay nilantakan ang pizza.
“That's my boy. Cheers para sa mga poging may manners!” Tatawa-tawang itinaas ni Clyde ang iniinom na coke at nag-cheers ang dalawang timang.
“Para sa mga taong patay gutom kamo,” giit naman ng kontrabida.
“Chill. Bakit ang init ng ulo mo, Monique? Teka, ayaw niyo ba ng pizza ladies?" alok ni Clyde.
"Nang-aasar ba kayo? Mahalaga sa aming mga babae ang diet. At calories ang mortal naming kaaway. So 'No'. "
"Gano'n ba?" Napakamot na lang sa ulo ang napahiya niyang kaibigan.
"Bakit ba kasi nagda-diet ka? Tanggap naman namin kahit hindi ka kapayat—aray! Grabe, gawa ba sa bakal ang kamay mo.” Nakatikim ulit si Casen nang malagim na lagatok sa ulo.
"Bro, hindi mo alam ang paghihirap ni Monique. 'Wag kang ganiyan sa beauty queen natin."
Beauty queen my ass... Lakas makaloko... Ito ba ang nagustuhan sa kanya ni Monique?
Nang mapansin niyang nauto ang kaibigan ay 'di niya napigilang mag-make face para maasar ito.
"'Wag mong paasahin nangangagat yan." At naasar nga. This time nabato na siya ng libro sa mukha.
"Nagsasabi ako ng totoo. Walang halong biro. 'Di pa ba nasasabi ni Monique na kasali siya sa pageant sa foundation day ?" Muntikan na siyang masamid sa kagitla-gitlang impormasyong iyon.
"Hindi ba siya napagtripan ng mga kaklase niyo?" inosente niyang tanong kay Ashley. Nakapikit na umiling ito.
"May pinararating ka ba ha, Casen Odell Ybarra?"
"Wala naman. Good luck sa contest," pagsuko niya dahil ayaw niyang mabukulan.
"Actually, dahil first time kong sumali sa pageant hindi ko alam ang gagawin. May kilala ba kayong expert sa ganitong field? Wala akong maaasahan sa mga kaklase ko since alam niyo naman laging bangag ang mga ABcom."
"Subukan kong itanong sa mga blockmates ko," suhestyon ni Clyde.
"Tekalang—" Tumingin sa kanya si Monique na para bang may gustong sabihin. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa naiisip nito.
"Sino ang panlaban niyo sa pageant Casen, si Tamara ba?"
"She's not joining I think," walang kainte-interes na sagot niya.
"Really?"
"Maybe."
"Hindi kasali si Tamara? Awts man... I won't see my goddess in dress."
Hindi ba siya kinikilabutan sa mga pinagsasabi niya?
Napa-iling na lang si Casen. Simula ata grade school sila ay tagahanga na ito ni Tamara. At hindi lang si Tamara, lahat na ata ng magandang babae sa campus ay sinisinta nito.
"So, kung kasali si Tamara kakalimutan mo na ang kaibigan mo?"
"Of course I'll cheer for you both," tatawa-tawang bawi ng ungas.
Nilagok ni Casen ang natirang laman ng kanyang coke at tumayo na sa kinauupuan. Sampung minuto na lang bago mag-alas tres ng hapon mabuti sigurong umalis na siya.
"I got to go. May tatapusin pa akong research," paalam niya. Sinukbit ang bag at kinuha ang cellphone sa lamesa.
"Sandali Casen. Puwedeng humingi ng maliit na pabor?
"Wala ng libre sa panahon ngayon may tinatawag na talent fee. And my service is quite expensive."
"One month free lunch."
Wow… anong nakain niya?
"Sounds good. Anong maipaglilingkod ko Señorita?"
"Puwede mo ba akong ipakilala kay Tamara? I want to ask for advice, please.”
Sumakit bigla ang ulo ni Casen. Hindi niya akalain na magagapi siya ng pagkain.
"Magandang ideya ‘yan. Sa tagal na nating magkakaibigan, ni hindi mo man lang kami pinakilala kay Tamara. I thought we're brothers." Dinagdagan pa ng isa.
"Tumahimik ka nga Clyde, hindi ka kasali.”
They can't even have a proper conversation yet asking her a favor? Absolutely, impossible.
"Sinabi ko na sa inyong hindi kami magkasundo ng babaeng 'yon kaya hindi mangyayari ang hinihiling niyo."
"Ah... kaya pala pumupunta ka dati sa all girls school para sunduin siya… so hindi kayo close?"
Bakit kailangang ibalik ang mga nakaraang dapat nang kalimutan? Kung hindi lang siya takot sa utos ng magulang niya ay malabo pa sa tubig kanal na hintayin niya ang mortal na kaaway sa labas ng school nito. Pasaway kasi noon ang babae, laging nagka-cutting class at sa arcade ang uwian. Nagalit ang ama nito kaya pinalipat sa all girls catholic school noong grade 8 sila. Ang kaso may katigasan talaga ang ulo ni Tamara kaya pati siya ay nadamay. Naiintindihan naman niya kung bakit naging rebelde ito noon, kaya kahit araw-araw siya nitong pagtripan ay tiniis niya dahil alam niyang malungkot ito. Tatlong taon rin silang nagkahiwalay. Laking gulat niya ng tumahak na ito sa matuwid na daan. Mula sa pagiging emongoloid na teenager, ngayon naman para na itong lider ng kulto na sinasamba ng mga bulag na tagahanga.
"Susubukan kong sabihin sa kanya pero huwag kang masyadong umasa. Kung wala ka ng sasabihin, puwede na ba 'kong umalis?”
"Okay bye. Ingat ka," nakangiting paalam ng babae. Nakaisa na naman si Monique sa kanya. Ngayon naiintindihan na niya ang pait na nararanasan ng mga taong hindi makatalon palabas ng friend zone. Napabuntong hininga na lang si Casen sa kadramahan niya sa buhay at kinuha ang sapatos sa shoe rack.
Pero bago pa man niya ito maisuot ay may naalala siyang hindi kananais-nais na pangyayari at inamoy-amoy ang hininga. Agad na ibinaba niya ang sapatos at bumalik sa loob.
"O bat bumalik ka?"
"Bad breath," aniya sabay pasok sa CR. "Dude I'm gonna borrow your mouth wash."
Rinig niya ang hagalpak ng dalawa.
"Pare umamin ka makikipagkita ka sa chicks 'no?" tukso ng unggoy na si Clyde. "Gamitin mo na rin 'yong pabango at hairwax ko diyan."
"Big boy na ang little Casen natin. Conscious na sa sarili."
"Shut up! " gigil niyang sigaw. Kung alam lang ng mga ito ang mga pinagdaanan niya sa kamay ni Tamara nang minsang mapansin nito ang tinga niya sa ngipin. Kulang na lang ay hukayin niya ang sariling libingan. He isn't trying to look presentable, he is just saving his scarred dignity!