CHAPTER 5: It’s a prank!

1481 Words
Tamara was deep in thought as she tapped her ballpen on the table when she felt a presence next to her. "Ahem... " Akala siguro ng lalaki ay hindi niya napansin ang paglapit nito sa kanya. How cute Lihim siyang napangiti. Humalumbaba at pinagmasdan ang kanyang bisita. "Hi." "You should have texted me if your going here early,” wika nito at umupo sa kaharap na bangkuan. Text? You don't even read my messages. Natawa na lang siya sa isip isip niya. "Okay. I'll be your text mate from now on.” At gaya ng inaasahan, naiwan na naman sa ere ang joke niya. This guy really has no affection for her. Wala man lang reaksiyon. Binuklat nito ang gamit at nagsimula nang mag-solo ng gawain. Napanguso na lang siya. “May naisip ka bang ideya para sa research methodology?” tanong ni Mr. Sungit. “How about we conduct an interview? May kilala akong restaurant owner malapit sa inuupahan kong apartment at willing siyang magpa-interview. Family dining type ang restaurant niya, maliit lang pero dinadayo ng mga parokyano. Twenty years nang well-established ang business nila. Are you fine with it?” Nag-thumbs lang ang loko. Parang gustong umarko ng kilay ni Tamara sa response nito. She wonders why he chose this profession when he seems uninterested. He likes photography so much that he always brag about it when they were kids, so why didn't he took that course? Mas masipag pa nga itong mag-aral sa kanya noong mga bata pa sila, anong nangyari sa kababata niyang nerd? "Are you sure you're fine with it? You always say you're okay with something but deep inside hindi naman talaga. I'm only available on weekend, sigurado ka bang gusto mo akong makita ng Saturday? Puwede namang hindi na tayo mag-conduct ng interview at gumamit na lang tayo ng existing data for analysis. I'm giving you an option para hindi ka naman masyadong nakabusangot." "I'm fine with it. You're in this situation because of me so do whatever you want." "Really stubborn, aren't you? Okay, fine. Sinabi mo ‘yan kaya walang bawian. Set na ang date natin sa Saturday.” "Date?" ulit nito na para bang may mali sa naulinigan. Natawa na lang si Tamara. Kung hindi niya talaga ito pipikunin ay hindi siya papansinin. "I meant set na ang interview sa Saturday. I'll talk to the owner kung anong oras siya available.” Takot na lang niya baka mang-indian. "Siya nga pala pinagsama-sama ko na lahat ng mga ni-research natin sa isang document. Gusto mo bang i-review?" Binuksan niya ang file at hinarap dito ang laptop. Pinanood niya lang ito habang seryosong binabasa ang mga nakasulat. Isang taon na silang magkaklase pero ngayon niya lang napagmasdan ng malapitan ang binata mula nang magkita ulit sila. "Libangan mo talagang titigan ang mukha ng ibang tao?" anito na hindi humaharap sa kaniya. “Ayaw mo ba no’n naguguwapuhan ako sa ‘yo.” Sinabi niya iyon ng pabiro pero walang bahid ng kasinungalingan. Kumpara noong bata sila ay malaki na ang pinagbago ng itsura ni Casen lalong lalo na ang built ng katawan nito. Natatandaan pa niya kung gaano kahawig ng kawayan ang hubog nito noon. He turned into a fine man. It was quite impressive. Ang downside nga lang marami ng mga nagliliparang bubuyog sa tabi ng kababata. At kapag naiisip niya ang posibleng dahilan ng transformation nito ay hindi niya mapigilang kainin ng insecurities. "Medyo magulo ang part na 'to. Should we revise it para mas maintindihan? Ano sa palagay mo?" Nabalik siya sa sarili ng tanungin ng lalaki. Tiningnan niya ang tinutukoy nito sa screen pero hindi pa nakaka-ilang segundo ay nag-aapat na ang tingin niya sa mga letra. "Wait." Inilayo niya ang laptop at sandaling sumandal sa upuan. "Kung masama ang pakiramdam mo, huwag mong pilitin. Ako na ang bahala sa iba pang idadagdag. Puwede naman natin 'tong pag-usapan bukas." "No, I’m fine. Bigyan mo lang ako ng ilang minuto.” Naalala niyang hindi pa nga pala siya kumakain ng tanghalian. Nakaka-proud na ang sipag pala niya. Lalo siyang nanghina kaya napaubob siya sa lamesa. “Namumutla ka. Ganiyan ba ang mukhang okay?” Ramdam niya ang pag-aalala sa boses ni Casen kaya naman balak niya sanang takutin ito nang slight. Ang kaso hindi na umimik ang kasama kaya napaalis siya bigla sa pagkaka-ubob. "Saan ka pupunta?" agad na tanong ni Tamara nang makita itong nagliligpit ng gamit. "Magdadala ng pasyente sa clinic. Get up.” Tumayo ito sa kinauupuan. "I'm really fine. Ang totoo—" sinilip niya ang mukha ni Casen. "It's a prank!" Nawala ang mga ngiti ni Tamara sa labi nang makita ang anyo ng lalaki na tila mas maitim pa sa mga ulap sa langit. Lagot. Iyan na lamang ang tanging nasambit niya sa isipan habang pinapanood ang pagkunot ng noo ni Casen. Hinatak nito ang bag at umalis sa kanyang harapan. "Tekalang Cody!" Dahil sa kagagahan ay dali-dali niyang inuli ang mga gamit at hinabol ang pikuning prinsipe. "I said wait!" sigaw ni Tamara. Mabuti naman nakinig ito at huminto. Lumapit siya ng kaunti. “I didn't eat lunch so I'm a little dizzy. Puwede bang ipagpatuloy natin ang usapan pagkatapos kumain?" paliwanag niya ngunit kulang pa atang magmakaawa siya. Ang hirap naman talagang kumbinsihin ng taong ito. "Nagsasabi ako ng totoo mamatay na ko sa gutom,” aniya with matching pouty lips pero zero effect ang kagandahan ng lola niyo. Saglit lang siyang tinitigan na para bang pusang naghahanap ng away sabay sabi nang… “Not my problem.” Nice. Walang katiting na awa. Sanay siyang mareject pero hindi siya sanay sumuko. Sa maduguang laban na iyon kailangan patibayan ng puso. 'Try and try until you die' ika nga. Isinuot niya ang kamay sa baraso ng binata. "Kapag sinabi ko bang kidnap 'to papalag ka? Minsan lang naman ako mag-request. Pagbigyan mo na ang magandang kidnapper," aniya sabay kindat. Kumalas ito sa kapit niya at sinamaan siya ng tingin. “Lahat na lang ba ng bagay gagawin mong biro? Can you be a little serious sometimes?” Bigla siyang napa-self reflect. “Sorry na,” paumanhin niya. Tahimik lang itong nakamasid. What’s with him? It wasn’t supposed to be awkward but what's with the sudden atmosphere? Hindi pa naman siya sanay magpakumbaba. “Sinabi ko na sa ‘yong huwag kang magpalipas ng gutom.” “Concern?” Napangiti siya. “Umm. Concern citizen. Kung may mga asong nauulol, may mga tao rin nauulol.” Pero agad rin iyong napawi. Sana pala itinikom na lang nito ang bibig. “For precautionary measure. Thank me later.” “Talaga? Nangangagat nga pala ako baka gusto mong hawahan kita ng rabies,” asar niyang bulyaw. “No thanks.” Lalo siyang napikon sa ngising asong mukha ng hunghang at sa maangas nitong pagbuka ng payong. Iniwan pa siya. “Iiwan mo talaga ako ritong mag-isa? Sandali wala akong payong!” bulalas niya sabay takbo at sumukob sa payong nito. “Haist, nabasa tuloy ako.” Tiningnan niya si Casen pero wala man lang pakialam ang binata. But because she’s an angel, she tried to understand. “Saan mo gustong kumain?” mabait niyang tanong. “Sinabi ko bang sasamahan kitang kumain?” Aba’t! Nangangati na ang mga palad niya, isa na lang talaga mananakal na siya. “This cold-hearted punk. Ililibre naman kita.” Humarap saglit si Casen. Tumawa nang matipid na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Gosh. He’s so annoying. Humalukipkip na lang si Tamara. Daig pa niya ang kumakausap ng pader. “Okay.” She paused and gave him a side glance. “Thank you very much,” madiin at sarkastikong pasasalamat niya. “Pero sa isang kondisyon.” "Wow, ililibre na nga kita may kondisyon pa.” Kusang nagsi-taasan ang mga na-imbiyerna niyang kilay. Masakit sa pride na kailangan pa ng kondisyon bago siya makakuha ng appointment. Minsan nahihiya na rin siya para siyang desperada. Maganda naman siya, anong problema? “Anong kondisyon?” Iyon ang problema. Malalang karupukan. "Sasabihin ko sa 'yo pagkatapos mong kumain." "Okay," sagot na lang niya kahit ang totoo ay disappointed siya. Sabagay ano bang karapatan niyang magtampo? Isa lang naman siyang munting alaala na nabaon na sa limot. Kinaladkad niya ang kababata papunta sa coffee shop na katabi ng university pero nagalit ito at hinila siya sa restaurant na kalapit. She originally plans to buy iced americano and eat something sweet but she was forced to swallow a heavy meal. Tapos ang mahal pa sa restaurant na kinainan nila. Sumakit lalo ang tiyan at ulo niya. "Bakit hindi ka kumakain? Akala ko ba nagugutom ka?" galit na ang kanyang bantay. Paano siya makakain ng matino kung bawat pagsubo niya ay mino-monitor nito? "Oo na, kakain na po." Sana pala hindi ko na lang siya isinama... In the end, pinagsisihan niya rin ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD