CHAPTER 6: Candy

1060 Words
"Thirty one minutes..." Nagtitimping bulong ni Casen sa sarili habang nakatitig sa suot na relo. Hindi pa rin kasi dumarating ang magaling niyang kagrupo. Sa tanan ng pagiging magkaklase nila, ngayon lang na-late ang Tamara version 2.0. Hindi kaya nang-indian na siya? Inilapag niya ang biniling kape at umupo sa isang tabi. Paano nga kaya kung hindi ito sumipot? Malabo. Grade conscious ang isang iyon. Kilala bilang mandirigma si Tamara ng kanilang departamento kaya imposibleng mang-iwan ito sa ere. Kulang na nga lang ay literal itong magsunog ng kilay. Na-late ba siya ng gising o baka — Napabalikwas bigla si Casen sa upuan. ...may nangyari sa kaniyang masama? Mabilis niyang hinagilap ang cellphone sa bulsa at dali-daling nag-type. 'Hey, where are you? Are you coming? You okay?' Pinag-iisipan pa niya kung ise-send ang message nang aksidenteng mapindot niya ang send button. "Sh*t!" Sinubukan niyang i-back ng ilang beses ngunit huli na ang lahat. Sa loob ng twenty years niyang pananatili sa mundo, ngayon niya lang kinamuhian ng todo ang mga salitang 'message sent'. "D*amn. Did I sound worried?" Hindi pa nakaka-get over si Casen sa kapalpakan ng pasmado niyang kamay nang makatanggap siya ng reply. 'Sorry. I was about to text you. Don't worry too much babe. I'm okay. OTW' Nasapo na lang niya ang noo. Siguradong walang humpay na naman siyang aasarin ng babae. 'Who you? Wrong send?' reply niya. Wala pang tatlong segundo ay tumunog ulit ang kanyang cellphone. 'Embarrassed?' Wala talaga siyang takas sa puwersa ng kadiliman. 'Isang minuto na lang ang natitira mong palugit Ms. Montañez,' 'Okay babe. Gotcha.' "Babe? Tss.. lakas talagang mang-asar... Ibinaba niya ang hawak na cellphone sa table. Hindi pa natatapos ang umaga, ubos na agad ang kaniyang enerhiya. Will he be able to stay sane this whole day? "Maybe not..." he mumbled to himself as he saw his archenemy passed through the door. She's dressed in a denim short and a basic white blouse. Her hair is dripping wet, as if she'd just gotten out of the shower. "Hi," bati nito na mas maliwanag pa ang ngiti kaysa sa sinag ng araw. "You look happy for someone who's over 30 minutes late," sarkastikong bungad niya. "Why you're not happy to see me? Akala ko pa naman na-miss mo ko." Tiningnan niya lang ang babae. 'Yong tingin na sawang sawa na sa mga ka-corny-han nito. Umupo si Tamara sa armchair na katapat niya at dumikwatro. "Pasensiya na. Hindi ko sinasadyang paghintayin ka kamahalan. Someone showed up at the wrong timing. My sincerest apology. Someone? He looked at her with slight curiosity. "Curious?" Tila nanunukso ang mga tingin nito na hindi niya kinakatuwa. "Not even a little," diretso at walang bakas ng pag-aalinlangan niyang tinuldukan kung ano mang kahambugan pa ang lalabas sa bibig nito. "You're really no fun. Alam mo ba 'yon?" "Thanks." "Oh really? Welcome freak." "Shut up freak." Tumahimik ito bigla. Nakatitig. "Kung tapos ka ng magkape, umalis na tayo Mr. Ybarra,” madiin at may kasamang pag-irap nitong sabi sabay tayo at iniwan na siya palabas ng café. Natawa na lang si Casen sa isip niya. Sa huli ito rin naman ang napikon. Sinundan niya rin naman agad ang topakin. “You angry?” patuloy na pang-aasar niya nang pantayan ito sa paglalakad. “I’m not,” sagot nito na diretso ang tingin sa kalsada. Kanina lang ang lakas ng amats, hindi niya talaga maintindihan ang mood swings ng mga babae. Inabutan niya ito ng chocolate candy na nadala niya galing sa pamangkin niyang bata. “Ano yan?” “Peace offering.” “Whoah, may sumapi bang anghel sa ‘yo?” komento nito na may halong pagtataka sa mukha. “Can you just shut up for once? ” “Okay,” Nakangiting pagsang-ayon nito at nagpatuloy na silang maglakad. Ilang kanto ang kanilang binaybay bago nakarating sa isang medium size na restaurant. Luma na ang itsura ng gusali pero welcoming ang ambience ng lugar. Sa unang tingin pa lang, alam mo ng dayuhin ito ng mga tao. Madalas lang silang magpa-deliver ng pagkain sa condo ni Clyde at tamang tiyan lang ang ambag niya kaya naman wala siyang masyadong alam sa mga ganitong puntahan. "Hi, uncle!" bati ni Tamara sa nakakatanda na may bitbit ng isang karton ng gulay galing sa likod ng pick up. "Oh, nandito na pala ang maganda dalaga. Magandang umaga, hija." "Magandang umaga rin po. Tulungan ko na ho kayo," Lumapit si Tamara at kumuha rin ng mga kasangkapan sa likod ng sasakyan. Tinanawan naman siya ng tingin nito sabay senyas na tumulong din siya. Binuhat niya ang natitirang dalahin. "Siya nga ho pala. Si Cody," pakilala ni Tamara sa kaniya. He wonders why she still calls him that pet name. Ito lang ang bukod tanging tumatawag sa kaniya ng "Cody". At dahil din doon ay naging popular siya sa klase nila na kababata ng dalaga. She didn't even know how bothersome it is. Na sa tuwing may magkakagustong gunggong dito ay sa kaniya lagi lumalapit at humihingi ng payo. Minsan dahil sa badtrip niya sinabi na lang niyang tomboy si Tamara para lubayan na siya ng mga hinayupak. "Boyfriend mo hija?" Nabalik ang atensiyon niya nang magtanong ang matanda. Tumingin sa kaniya ang kasama at ngumiti. "Opo. Kaibigang lalaki," mapanlokong sagot nito. As she turned her gaze away, he can't help but let out a smile, amazed at how unbelievable she is. "Aba'y puro ata magaganda at guwapo sa eskwela ninyo. Kay guwapong bata nire. Sandali lang at magpapa-guwapo muna ako bago magpa-interview." "Hindi na ho kailangan. Sa guwapo niyong 'yan baka mapagkamalan kayong artista." Magaling talaga itong mambola. "Ay hija masyado mo naman akong binobola." Natawa na lang sila sa matanda. Matapos nilang maibaba ang mga gamit ay nagsimula nang magset-up si Casen ng camera samantalang si Tamara ay masayang nakikipagkwentuhan kay Mr. Santos. Sa mga ngiti nito aakalain mong lumaki ito sa mapagmahal at buong pamilya. She looked like a sweet child talking to her grandfather. First time niyang makita ang ganitong side ni Tamara. He's happy seeing her living fine. "I guess she can be normal sometimes..." He took a shot of that once in a lifetime scene. Remembrance, celebrating her first sign of being a normal human being. “Okay na Cody, game na tayo.” Itinaas niya lang ang kamay at sumenyas na handa na ang camera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD