CHAPTER 7: White shirt

1157 Words
Matagumpay namang natapos ang kanilang interview. May ginagawa pa si Tamara kaya napagpasyahan muna ni Casen na umupo muna sa gilid at hinagilap ang cellphone. Kabubukas pa lang niya ng i********: ng may mag-pop up na isang post. Hindi niya napigilang mapakunot ang noo. "So she made me wait for half an hour for this guy," he said it while clenching his teeth. At kailan pa sila naging magkakilala? Jace Eleazar. Ang vice president ng kanilang photography club. Ang layo talaga ng nararating ng kamandag ng isang Tamara Montañez. Mukhang nag-jogging ang dalawa base na rin sa litrato. "Hey Mr. Ybarra, wrap up na tayo." Nagulantang si Casen sa biglaang pagtawag ng babae kaya hindi sinasadyang na-tap ang screen at napusuan ang picture. Sh*t! Dali-dali niyang in-unlike ang post bago ito lumapit sabay tago ng cellphone sa likod. May pagtataka sa mukhang tiningnan siya ni Tamara. "Ayos ka lang?" "Y-yah. Why would I not?" May kalakasan at medyo nauutal niyang sagot. "Sure?" Tumayo siya sa couch. Inilagay ang kamay sa bulsa at patay malisyang nilampasan ang kaharap. "Let's go if you're done," aniya at nagpaalam na sa may-ari bago lumabas ng restaurant. "Sandali lang puwede bang bagalan mo naman?" hingal na pakiusap ni Tamara. Nilingon niya ang kababata. "Pagod ka na? You're getting rusty, old woman." She just rolled her eyes at his provocation then continued to walk towards him. Kasalanan ko bang higante ka at normal na tao lang ako?" bulyaw nito pagkalapit sa kaniya. He's not sure why, but he can't help but reminisce a lot of things when he keeps looking into her eyes. Maybe things have really changed between them. He used to be the one holding his breath chasing after her but now, she can't even keep up with him. "Midget." "Who are you calling midget? I'm taller than most of the girls in our class. Blame yourself for being above 6 feet." "Para saan ang pag-eexercise mo kung hindi naman effective?" pasimpleng tanong niya. "Huh?" Nagugulumihanang humarap ito. "Paano mo naman nasabing nag-eexercise ako? You're stalking me, aren't you?" That sly smile. Why did he even ask that? "You're not even aware someone posted your annoying face on social media? Congrats Ms. Famous, nasa wanted list ka." "What?" natatawang humalukipkip ang kausap. "Sino ba 'yang tinutukoy mo? I don't have any social media account so there's no way I would know. At pasensiya na kung masyado akong maganda." Malala. Malala talaga siya. Humarap siya kay Tamara, inangasan ng tingin sabay sabi nang... "Your someone posted it," The hell, did he sound sulky? "My someone...?" 'Yong mga nakaka-insultong ngiti nito ang nagpa-realize sa kaniya na ngayon lang ay tumapak siya sa granada. Kaya agad na binawi niya ang mga mata na nakatutok sa dalaga at inilipat ang atensyon sa paglalakad. "Are you being jealous right now?" Tatawa-tawang kantyaw ng hunghang. "'Wag kang mag-alala. You're my only someone," dagdag pa nito at sinabayan siya sa paglalakad. "Si Jace ba ang sinasabi mo? We're just friends." "Hindi ko tinatanong." "Pero nagseselos ka." "Huwag kang mangarap." "You're so obvious. You're definitely jealous." He looked at her telling her to stop. "Galit ka na niyan?" patuloy na pang-aasar nito. "Kapag hindi ka tumigil—" Natigilan siya nang biglang inilapit nito ang sarili. "Ano? Anong gagawin mo?" They were having a staring contest when they noticed that water was running down their faces. "What the—" Parehas nilang bulalas. Napatingala sa langit, nagkatitigan at dali-daling naghanap ng masisilungan. "Haist... this freaking weather," usal ni Casen habang pinapagpagan ang nabasang damit. "Don't worry about yourself, worry about the camera," giit naman ng kagrupo niyang may malasakit sa camera. Umusog ito sa likuran at kinuha ang bag na suot niya. "Ano na lang ang gagawin natin kung may pumasok na tubig sa loob?" alalang-alang binuklat nito ang loob ng bag para tingnan kung nabasa ang mga gamit. "It's not my fault that it started raining," aniya at tiningnan ang camera. "Mukhang hindi naman nabasa." He was about to wipe it with a clean cloth when he saw something he shouldn't have seen. Agad niyang ibinaling ang ulo palayo sa direksyon ni Tamara. Pakiramdam niya ay nagkasala ang kanyang mga mata. Man, that was dangerous. Bakit ba naman kasi sa lahat ng araw ngayon pa nito naiisipang magsuot ng puting t-shirt. "Hey, what's with you?" tanong nito. Hindi pa rin siya makatingin at hindi niya rin alam kung paano ipapaliwanag. "Okay ka lang? Pinasok rin ba ng tubig ang ulo mo? Gusto mo inspeksyunin natin?" Nagawa pa talaga nitong magbiro. "Your shirt..." mahina at nahihiyang wika niya. "My shirt? Anong meron sa t-shirt ko? Cute?" Is she an idiot or what? Hinubad niya ang suot na jacket at itinapon kay Tamara. "Cover yourself. Pagtiyagaan mo na lang kahit basa ng kaunti." "Why are you giving this to me? Are you shy? First time seeing a girl's underwear?" Napaubo siya bigla kahit wala naman siyang ubo. Iba talaga ang lahi nito. Mukha ngang malabong makauwi siya ng buhay ngayong araw. Ipinagdarasal na lang niya ang sarili. "Sa palagay ko mas exposed pa ang mga nakikita mong ganito sa beach. Don't worry, I'm a modern woman." She's really.... He doesn't know how to describe her anymore. He's speechless. "But what should we do now? Sa palagay ko malabong tumila ang ulan. Ilang kanto pa bago tayo makarating sa cafe." "Should we go back?" aniya. "Where?" "Where else? Sa restaurant." "Punk, are you that shameless? Naistorbo na natin si uncle tapos binigyan pa tayo ng pabaong putahe. Gusto mo pang makisilong? Masyadong maraming tao sa resto makakagulo lang tayo do'n. But I have a suggestion." "Suggestion?" Parang nakaramdam siya bigla ng masamang kutob. "Why are you looking at me like I'm some criminal?" "'Cause you are." "Wow. You're such a nice person. Thank you." "Just say what you're going to say. " "Sa likod lang ng building na 'to ang apartment ko. Puwede tayong mag-stay do'n kung gusto mo. I don't want to catch a cold, you can stay here if you want and freeze to death." Hindi niya mawari kung suhestyon ba iyon o banta. "Fine," matapang na pagsang-ayon niya. Why should he decline? It's not like he was bothered by her. She's nothing to him. "Really? Bakit parang kinakabahan ka? I'm not going to eat you. Relax." Paanong hindi siya kakabahan kung sa ngiti pala lang nito tumataas na ang mga balahibo niya. Is this really a good idea? "Okay. Let's go," anito sabay hinubad ang ibinigay niyang jacket. "We can use your jacket as an umbrella. Wanna share?" Sinaklob niya iyon sa ulo nito. "You watch too much drama. Use it. I'm fine," aniya at nauna ng tumakbo sa ulan. "Ilang beses mo nang ni-reject ang pagmamagandang loob ko? You're so mean, you know." "Can you just move on and stop complaining? I'm freezing to death freak." "Okay. I'm sorry freak!" sigaw nito at sumunod na sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD