Nasa harapan na sila ng unit ni Tamara nang biglang natigilan ito. She glanced at him as if she had just remembered something.
"Can you wait a minute? I'll just check the state of my house," anito at mabilis pa kay Flash na pumasok sa loob.
Inilibot na lang ni Casen ang tingin sa lugar habang naghihintay. Nasa pang-apat na palapag sila. Halatang matagal ng nakatayo ang gusali dahil may mga bitak na sa pader at luma na rin ang itsura nito. He wasn't expecting she's living in a run-down apartment. He just doesn't understand as to why she continues to live like this despite the fact that her family is well-off. It's been a long time already but she's still too stubborn to contact her own father.
Nakaya talaga nitong hindi magparamdam sa loob ng tatlong taon. Ni hindi man lang nagawang magpaalam bago mag-alsa balutan. He thought she's been living with her Aunt since then but maybe this hardheaded lady insisted to be independent.
"She should've told me if she needed help."
Napasandal na lang si Casen sa pader. Ayaw niyang mag-alala pero hindi niya maiwasang mag-alala lalo pa't mukhang hindi safe ang lugar. She may be tough, but she is still a young woman living alone. If he won't be concerned for her, who would? They might not be friends, but they are not strangers.
'Yong lamig na nararamdaman niya ay nadagdagan pa ng sakit ng ulo kakaisip kung bakit ang hirap intindihin ni Tamara. Para itong math problem na walang solusyon at isa siyang challenger na hindi alam kung uurong o susulong. Naninigas na siya sa patuloy na paghampas ng malamig na hangin nang may biglang nagpatong ng towel sa kaniyang ulo.
"Sorry for waiting," nakangiting bati nito. May mali ba sa kaniyang paningin at parang saglit na nag-slow mo ang paligid? Matindi ata ang pagkakababad niya sa tubig ulan at nagdedeliryo na siya.
"Ayos ka lang?" May pag-aalala sa boses ng babae. "Namumutla ka na. Come in."
Hindi lang pala kalooban niya ang naduwag ang mga paa niyang naging bato na ay gusto na ring umatras. First time niyang papasok sa apartment ng isang babae. Kahit sa inuupahang bahay ni Monique ay hindi pa siya nakakatuntong. Napahinto si Tamara sa pagbalik sa loob nang mapansin na hindi siya kumibo sa puwesto.
"Are you being shy again?" Pinagsaklob nito ang mga baraso. "Am I different from other girls kaya nahihiya ka?"
Natawa na lang siya dahil sa wakas tumama rin ang hula nito. "Yeah right. You're from a diffferent species."
Bakit nga ba siya kinakabahan? Wala naman siyang dapat ikabahala. She's just... another odd human being.
"I know, since I'm prettier than any mortal, "
"Wow. Can you even hear yourself?" Napailing na lang siya. Can't argue with that.
"You don't believe me?" Hinawi nito ang buhok sa kanang tainga, mapang-akit na kumindat at may pahabol pang nakakalokong ngiti.
Weird. Sanay naman siyang makakita ng babae pero bakit pagdating kay Tamara kinikilabutan siya. Epekto ba iyon ng puting damit? Nakapagpalit na ito ng suot pero mukhang paborito nito ang kulay na iyon. That loose white long collared shirt will make him lose his sanity. He put his hand on his pounding chest.
Ngayon alam na niya kung bakit maraming nahuhumali rito. Sigurado nga'y may lahi itong engkanto. Mukhang kailangan na niyang i-disinfect ang mga matang sandaling nahumaling rito.
Pumasok na rin siya sa loob dahil baka lalo siyang mabaliw sa ginaw. Binigyan siya ni Tamara ng pares ng tsinelas at may inabot ring set ng damit. Ini-scan siya nito mula ulo hanggang paa.
There she goes again.
"Sa palagay ko magkasingtangkad naman kayo. Hindi ko alam kung kasya sa 'yo ang mga yan pero puwede na siguro," wika nito at nag-thumbs up.
"Salamat," sabi na lang niya na hindi tumitingin.
"That's my brother's clothes anyway. So no problem."
"Brother?" pagtataka niya.
Nagkita ba silang magkapatid?
Sa pagkakatanda ni Casen ay nasa elementary pa lang ang half-brother nito kaya paanong—
"My brother from another father and mother. Kay Kuya Shone ang mga damit na 'yan. Dumalaw sila ni Aria."
Ah...
"You're such a bad niece. Calling your aunt by her name. Magkaaway pa rin kayo?"
Hindi niya lubos maisip na tumira si Tamara kasama ang kapatid ng mommy nito gayong magkaaway ang dalawa.
"You can use that bathroom, Mr. Ybarra," mataray na pagturo nito sa banyo. At kagaya pa rin ng dati ayaw pa rin nitong pag-usapan ang pamilya.
"Ah... magkaaway pa rin kayo," pangungulit niya. Badtrip na tiningnan siya ni Tamara.
"Now you understand how I felt when I told you to shut up." Nang-aasar na ngumisi siya bago pumasok ng C.R.
Pagkatapos niyang magbihis ay namangha na lang siya sa sipag ng kasama. Nakaupo ito sa sofa at nagsisimula ng mag-edit ng kanilang proyekto. He really can't believe the girl she used to know is the same girl she is seeing right now. Kung ide-describe niya noon si Tamara, isa lang ang masasabi niya, emongoloid na version ito ni Dora the Explorer. Taong gala ito at hindi mapirme sa isang lugar samantalang ang taong nakikita niya ngayon mukhang hindi makabasag pinggan. Tipong ang alam lang ay mag-aral at tumambay sa silid-aklatan. Bumaliktad na nga siguro ang mundong ginagalawan nila. He lost his way along the road while she find her way to get back. At some point, he somehow understand why those dudes are infatuated with this nerd. Fine, he admits her dedication is admirable. Huwag nga lang itong magsasalita dahil magiging ilusyon ang lahat. Tinabihan niya ang masipag na kagrupo.
"What can I help you with?" tanong niya.
"You can just stay and stare there."
"That's kind of insulting."
"Ayaw mo no'n? Mapagmamasdan mo ang kagandahan ko," nakahalumbabang pagpapansin nito.
Napabuntong hininga na lang si Casen. Pagod na ang utak niyang patulan si Tamara.
"Pakiabot ng camera. Ako na ang mag-eedit ng video para sa presentation. Ikaw na ang bahala sa summary."
"Tss... you're the only one who thinks I'm not pretty." Masunurin naman nitong inabot ang kaniyang bag kahit may kaunting pagdadabog.
Magsisimula na sana siyang gumawa nang umipod malapit sa kaniyang tabi si Tamara.
"What?" pag-angil nito. "Mag-chacharge lang ako ng phone," sabay lumikod at isinaksak ang cellphone sa outlet na katabi niya.
Why is she angry?
Napakamot na lang siya sa ulo at bumalik na sa ginagawa. Matapos iyon ay naging busy na silang dalawa.
Mag-aalasingko na ng hapon nang umangat ang mata niya sa laptop. Napansin naman niya ang katabi na naka-ubob sa lamesa.
"Tamara," tawag niya pero mukhang nakatulog na ito sa pagod. Kinuha niya ang balabal na nakapatong sa sofa at ikinumot iyon sa dalaga.
"Sleep well."
***********
Naalimpungatan si Tamara nang may kamay na tumapik sa balikat niya. Babalik pa sana siya sa pagtulog nang maalalang kasama nga pala niya si Casen at nasa gitna sila ng paggawa ng proyekto. Napabangon agad siya.
"How long did I sleep?" halos pikit pa niyang sabi.
"Almost three hours."
"Three hours?" Biglang nagising ang diwa niya. Napangiwi na lang siya nang magtama ang mga mata nila ni Casen. "Sorry."
"Natapos ko na lahat ng natitirang gagawin. You can review it, if you want. It's already late. See you tomorrow." Patayo na sana ito dala ang bag nang pigilan niya.
"Let's eat before you go."
Sandaling nag-isip.
"Do you even know how to cook?"
Gosh, this guy.
Ano bang klaseng nilalang ang tingin nito sa kaniya? Walang alam sa buhay?
"Of course, future maybahay mo 'to," biro niya at siyempre tulad ng mga previous expressions ng kaniyang kaharap itsurang may nakain na naman itong masama.
"Ii-init ko lang 'yong mga binigay na ulam ni Mr. Santos. Sino bang may sabing ipagluluto kita?" Tumayo na siya at pumunta sa maliit niyang kusina. Pansin naman niyang sunod-tingin ang binata.
My childhood friend is really cute.
Lihim na lang siyang napangiti habang naghahanda ng makakain nila.