"Are you eating alone again?"
"I like eating alone, dude."
Nasa gitna ng pagsubo ng cheeseburger si Casen nang umentrada sa harapan niya si Monique.
"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala."
"What's up?"
"I'm here to share some good news." Umupo sa tabi niya si Monique. Sa ngiti pa lang nito alam na niyang si Clyde ang dahilan niyon.
"I don't think it's a good news, if it only applies to you."
"Ganiyan mo na ba tratuhin ang bestfriend mo? At saka hindi ako magdadrama ngayon kaya makinig ka."
Wala naman siyang magagawa kahit labag sa loob niya. Tumango na lang siya sabay subo ng pagkain.
"I think nagselos si Clyde." Muntikan nang mabulunan si Casen sa sinabi ni Monique. Agad na napainom siya ng coke.
"Hindi kaya naghahalusinasyon ka ha, kaibigan?"
Tinaasan lang siya nito ng kilay.
"Ilang araw na niya akong hindi kinakausap. Nagsimula iyon noong niyaya niya akong mag-lunch sa labas but I ditched him for Chan Li."
Chan Li? Saan nga ba niya narinig ang pangalang iyon?
"Siya rin naman kasi ang may kasalanan. Lagi na lang niyang kasama ang impaktitang bruhang kaklase niya. Is she more important to him than us, his closest friends? Naaalala lang niya tayo kapag may kailangan siya."
Napangiwi na lang siya sa kababawan ng dalawang kaibigan. Kahapon ang unggoy ang pumunta sa apartment niya at nambulabog, ngayon naman pati pagkain niya inistorbo ni Monique.
Hay, bakit ba ako lagi ang kinukonsulta nila kapag may problema sila sa buhay?
"Akala ko ba hindi ka magdadrama?" Umay na tiningnan niya si Monique.
"Eto na nga, nagkukuwento pa ako 'wag kang excited. Muntikan na silang magsuntukan ni Chan Li. Hindi ko alam kung bakit pero nag-away sila sa may hallway noong Friday. He didn't talk to me since then. Nagtampo kaya siya dahil kay Chan Li?"
"Chan Li? Siya ba 'yong intsiktong hilaw sa engineering department?"
He now understands why that jerk is acting that way. Ang butiking si Chan Li pala ang kaaway nito.
"Anong intsiktong hilaw? Varsity player siya ng university natin. Mabait na tao si Chan Li. If I didn't like Clyde, I'd probably like him."
Natawa na lang siya sa mapait na katotohanang pati sa options nito ay walang naligaw na pangalan niya.
"Monique, hindi naman sa nilalait kita pero alam mo ba ang pagkakaiba ng ginto sa tanso? Mukhang hindi, kaya ka natatanso."
"Anong sabi mo?"
Tatapakan sana siya nito sa paa nang inurong niya ang inuupuan palayo.
"Hindi mo siya kilala kaya 'wag kang magsalita ng ganiyan."
"I might not know him very well but your long time crush does."
"What do you mean?"
"Siya ang sumulot sa ex-girlfriend ni Clyde."
"What? Bakit wala akong kaalam-alam?"
"May amnesia ka? Nakalimutan mo na atang ikaw ang pinakamasayang tao noong nagbreak sila."
"Galit ba siya dahil close ako kay Chan?"
"Bakit hindi mo sa kaniya itanong? Wala sa mukha ko 'yong sagot."
"I just want to hear your opinion, dude. What do you think?"
"Wala akong opinyon."
Sumimangot ito. Hindi rin naman niya natiis.
"Ano bang gusto mong sabihin ko?"
"Ikaw nga di ba 'yon tinatanong ko?"
"Hindi ko alam kung nagseselos siya. Hindi naman ako manghuhula. Pero mataas ang tiyansang nagtatampo siya bilang kaibigan. Ikaw na ang lumapit. Paamuyin mo ng libre siguradong bibigay agad ang isang 'yon."
Humalumbaba ang kausap niya at mukhang nagre-reminisce.
"Alam mo ba noong tiningnan niya si Chan para siyang mangangain ng buhay? Hindi ko pa siya nakitang magkagano'n. Don't you think it's a sign na tumatalab na ang mga paghihirap ko?"
"Ah... gano'n ba? Congrats," labas sa ilong niyang sabi.
Karamihan ba sa mga babae advance mag-isip? Napailing na lang siya habang nilalantakan ang cheeseburger.
Si Clyde na lang ang laging laman ng bibig ng magaling niyang kaibigan. Ni hindi man lang naisipang itanong kung kamusta siya.
"Pero paano ko siya kakausapin? Should I text him first?"
Pati ba naman iyon kailangan niyang sagutin?
"Malapit lang 'yong engineering building baka gusto mong puntahan," sarkastikong suhestyon niya.
"Hindi kaya magalit siya? Kinakabahan ako."
"Puwede bang pumunta ka na lang at huwag mo na akong istorbohin sa pagkain. Sa totoo lang ang babaw ng problema niyong dalawa. Mga bata ba kayo?" bulyaw niya.
"Bakit ang sungit mo? 'Yong wrinkles mo Casen nagse-say hello na."
"Nagpunta ka ba dito para mang-asar?"
"Okay. Titigil na po. Maraming salamat best friend. The best ka talaga! Una na ko. Mabilaukan ka sana."
May mas lalala pa ba sa lugar na kung tawagin ay 'friend zone'? They've been friends for so many years yet he never considered him a man even once.
Ano bang kulang sa mukha niya? Kung tutuusin may binatbat naman ang kaniyang itsura. Matangos ang kaniyang ilong, maputi at makinis ang kanyang balat. Hindi rin kalakihan ang kanyang mga mata. Sa tantya niya ay sampung paligo lang naman ang lamang ni Clyde. Ano ba ang mali sa kanya at sa loob ng twenty years ay wala man lang babaeng nagkamali sa taglay niyang kakisigan. Hindi na ba kasama sa standards ngayon ang kabaitan?
Kinuyumos niya ang wrapper ng kinaing burger at ibinato iyon sa basurahan.
Ang kaso sumablay ang three-point shot niya.
Tumayo siya para pulutin ang kinalat at dumiretso na pabalik sa classroom.
Naglalakad siya sa may hallway nang may humarang sa kaniyang dinaraanan. Mukhang paborito siyang sundan ni kamalasan.
Lumiko si Casen ng daan pero sadyang walang tinandaan ang hinayupak.
"Tekalang. Nagmamadali ka masyado."
Inilagay ni Casen ang kamay sa bulsa at maangas na hinarap ito.
"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Wala akong panahong makipag-usap sa mga duwag na ang alam lang ay magtago sa saya ng magulang niya."
"Aba, maangas ka na ngayon. Baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan kung bakit nag-drop out ang pobre mong kaibigan."
"What did you say?" Kinuwelyohan niya ito.
"Kung hindi ka pakialamero, wala sanang nangyaring masama sa kaniya. But you assh*le likes to play hero."
Tinulak siya ng gago. "You shouldn't meddle when you're just a d*mn loser."
"You disgusting piece of sh*t." Tatamaan sana ito sa kaniya nang may humarang na libro sa pagitan nila. Napatingin sila parehas sa may-ari ng libro.
Tamara?!
"Ang tapang niyo ha. Sa harap pa talaga kayo ng CCTV magsusuntukan."
Sa lahat ng makakakita, ang mortal na kaaway pa niya. Ibinaba nito ang hawak at nagpamay-awang. Parehas namang lumayo ang dalawa sa isa't isa.
"You two must be aware of the school rules. Mr. Lim, you must be well-versed in it. "At ikaw, Cody—" Inilipat nito ang tingin sa kaniya. "Kailan ka pa nakipagbasag-ulo?"
"Relax. Masyadong mainit ang ulo mo, Ms. beautiful. Nag-uusap lang kami ng kaibigan mo."
"Shut up. I'm not talking to you."
Napatikom na lang sila ng bibig sa talim ng tingin ni Tamara at sa umaarko nitong kilay. She was a former Student Council member for a reason. Hindi niya akalain na ang dati nilang muse noong primary school ay pang-militar pala ang leadership skills.
"This is something I'm willing to overlook. But I'll issue a warning to the both of you. Kapag inulit niyo pa 'yan, sa disciplinary committee na ang bagsak niyo."
She looked at the jerk with glaring eyes.
"Ano pang hinihintay mo? Piss off."
"D*amn annoying brats," walang laban na umalis ito sa eksena. Nalipat naman ang tingin ni Tamara sa kaniya.
"Are you a gangster? Dilat pa ang araw nakikipag-away ka na," bulyaw nito.
"He started it first."
"The one who used his fist is the sore loser."
Sino bang kinakampihan nito? That trash is obviously the loser between them. He is not even a human being.
"Okay ka lang ba? Huwag mo na lang pansinin ang sinabi niya. Wala kang kasalanan sa nangyari. Ginawa mo lang kung ano ang alam mong tama. He's the one who bullied him. He should be ashamed of himself."
Tinapik siya ni Tamara sa balikat.
"Kahit hindi na nag-aaral dito si Clifford, sigurado ako na mas masaya siya kung nasaan man siya ngayon. At least hindi na niya makikita ang bisugong 'yon. He's a nice person, so I'm sure he'll do good. Kaya huwag ka ng sumimangot."
He felt a little at ease. She got some nice words there.
"Where did you learn that?"
"Learn, what?"
"To say good things."
"Tss... want me to be mean?"
Napansin niya na may dala itong mga papeles na wari niya ay galing sa faculty. Wala ata sa bokabularyo nito and salitang 'pahinga'.
"May presentation tayo mamaya. Take a break while you can."
"I know. Wala ka bang bilib sa 'kin? I execute everything perfectly."
Napanganga na lang siya sa lakas ng tiwala nito sa sarili.
"Sure. Good luck. "
Aalis na sana siya nang may iaabot sa kaniya si Tamara. Tiningnan niya lang ang hawak nito.
"Good luck charm para mamaya." Hinila nito ang kaniyang kamay para ilagay doon ang candy.
"Wala ka bang tiwala sa nag-iisa mong kagrupo?" nagbibirong usal niya.
"Malaki ang tiwala ko sa 'yo. Naging knight in shining armor mo pa nga ako, hindi ba?"
What— Should he laugh at her self-compliment? This girl is really incredible.
"Sabihin mo lang sa akin kapag binalikan ka ng unggoy na 'yon. Member ng disciplinary committee ang groupmate mo kaya wala kang dapat ikatakot."
It's amusing to believe she's worried about him. But he can't deny that receiving such encouraging words is reassuring.
"Kanina lang nasa lahi siya ng isda, ngayon naman ginawa mong unggoy. Mukhang ikaw ata ang may kailangan nito." Isinauli niya ang candy. "Keep it cool." Binasa niya ang nakasulat sa balat.
"No need, I'm hella cool. Ibinigay ko na 'yan sa 'yo kaya tanggapin mo na lang. No return policy." Ibinalik nito ang candy.
"Good luck mamaya. Fighting!
She cheered him on with her fist up.
Geez... what's up with her?
Si Tamara ba talaga ang babaeng nasa harapan niya? Nakakabanibago. She seemed to have grown up well.
Casen couldn't help but smile as he watched her back slowly fade away from his view.