"Hey, what would you do if your friend confessed to you?" Nalaglag ang kinakaing fried chicken ni Casen sa tanong ni Clyde. Si Monique agad ang pumasok sa isip niya. Ilang araw na kasi itong hindi nagpaparamdam. He hasn't heard from them in weeks, so he has no idea what's going on. Binulabog niya si Clyde sa apartment nito matapos siyang ipagpalit ni Pael sa Presidente ng Art Club. Unang linggo ng second semester nila kaya maaga silang pinauwi. Nagkayayaan silang tumambay sa computer shop pero iniwan siya ng hinayupak at masipag na um-attend ng meeting. Iba talaga ang nagagawa ng pana ni kupido. Adik ito sa laro pero nabago ng ihip ng pag-ibig. Ibinaba niya ang hawak na controller at nilipat ang tingin kay Clyde. What the hell is with this punk. Kunot ang noo niyang hinusgahan an

