CHAPTER 26: The man you are

1490 Words

Nagising sa tunog ng alarm si Casen. Sinipa niya iyon at nahulog sa sahig. Masarap na sana ang pagkakahiga niya nang maalimpungatan naman sa sinag ng araw na tumabon sa kaniyang mukha. Iminulat niya ang mga mata. Nanibago sa paligid. Napakamot siya sa ulo na tila ba wala pa sa sarili. Pero agad ring naliwanagan ang diwa niya nang mahagip ng mata ang picture frame na nakapatong sa study table. "It's early in the morning, and the first thing I see is this snot-nosed." Umusod siya sa gilid at tinaob ang litrato. Bakit nga ba hanggang ngayon ay naka-display iyon sa kaniyang kuwarto? It was his photo with Tamara when they were six years old. Mga panahong inosente pa ito at tumutulo ang uhog. Muntikan na niyang makalimutan na nasa bahay nga pala siya ng magulang at kasama niya si Tamara.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD