CHAPTER 18: This is role playing...

1095 Words
"How did she solve this?" tanong ni Casen sa kawalan habang binubuklat ang reviewer na ibinigay ni Tamara. Katatapos niya lang mag-shower ng mga oras na iyon. Napadaan siya sa may salas at nakita ang folder kaya naisipan niyang basahin ang mga nakasulat doon. Ilang minuto na siyang nakatitig sa equation na pinagkakaabalahan niyang intindihin pero hindi niya talaga maintindihan kung paano nakuha ni Tamara ang sagot. Should I ask her? Nakauwi na kaya siya? Kinuha niya ang cellphone para i-text ang babae pero natigilan siya nang maalala ang mga pangyayari sa pagitan nila kanina. "Do you like me?" "Maybe..." "What did she mean 'maybe'?" Does she actually likes me? "There's no way..." Agad rin niyang inalis sa isip ang kahimangang iyon. Si Tamara, magkagusto sa kaniya? Malabo pa iyon sa tubig kanal. Aminado siyang naging mas desente sila sa isa't isa nitong mga nakaraang buwan. Lagi rin silang nagkakagrupo at nagkakausap kaya siguro napo-pollute na ni Tamara ang kaniyang mga mata at isipan. She keeps getting on his nerves. He's baffled as to why she's suddenly being nice to him. Why does she make him feel as if she cares about him yet she didn't even bother to say goodbye when she left back then? She's cruel. Too cruel. Naguguluhan ang puso niyang single. Panahon na siguro para maghanap siya ng liligawan at baka lungkot lang ang nararamdaman niya. Lungkot na dala ng matagal na pananatili sa loob ng friend-zone. Malamig na rin kasi ang pahahon kaya nanlalamig na rin ang buhay niya. May magkakamali naman siguro sa taglay 'kong kagwapuhan, may paghawak sa babang pagpuri niya sa sarili. Matapos magnilay-nilay ay nabalik ang atensyon niya sa hawak na reviewer. "Problema ka na, problema pa ang nagbigay sa'yo. Sabihin mo nga, ano bang tinatakbo ng isip ng amo mo?" pagkausap niya sa papel. Tinitigan niya iyon, sandaling nag-isip at kinuha uli ang cellphone sa lamesa. "I'm only going to text her once." Sumandal siya sa sofa at nagsimulang mag-compose ng message. "Hey, did you get home safe? I have something to ask. Text me when you see this." "Too friendly." Binura niya ang text. "Hey, I have something to ask. Text me back." "Maybe this sounds too rude? Baka hindi magreply." Pinahi niya ulit. "Are you home? Text me back when you're not busy." Huminto siya sa pagta-type. Ano bang nakain ko ngayong araw? Bakit pinag-iisipan ko ang ite-text ko sa babaeng iyon? Agad niyang pinindot ang send button at binaba pataob ang cellphone. "I don't care if she reply or not." Kumuha siya ng comics sa kalapit na shelf habang hinihintay ang text ni Tamara este para libangin ang sarili. Isa, dalawa at mahigit pang minuto ang kaniyang hinintay pero wala pa ring sagot mula rito. Is she asleep? Tumingin siya sa orasan. Wala pang alas-nueve ng gabi. Kaya imposibleng tulog na ito. Malamang ay nasa trabaho pa ito. Babalik sana siya sa pagbabasa nang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis pa sa kidlat niyang binuksan iyon. "I'm stuck in the rain. Come and get me." "Is she crazy?" bulalas niya sa hangin matapos mabasa ang mensahe. "Mukha ba akong uber driver?" Hindi niya alam kung biro iyon o ano. Hinawi niya ang kurtina sa bintana at sumilip sa labas. Halos baha na ang kalsada dahil sa lakas ng ulan. "She expects me to go out at this hour, when it's pouring outside? Nagbibiro ba siya?" Bumalik siya sa sofa at humiga. Tinitigan niya ang cellphone pero walang pumapasok na salita sa ulo niya para i-reply rito. Kinamamayaan ay biglang kumidlat nang malakas. Napabangon siya nang wala sa oras. Kumuha ng jacket sa kabinet, isinuksok ang wallet sa bulsa at naglabas ng payong. D*amn you, Tamara. Hindi niya maintindihan ang takbo ng isip. Siguro nga'y naengkanto siya ng dalaga. Ano bang pinakain ng kaaway sa kaniya at lubos ang pag-aalala niya para rito? Matapos niyang magsapatos ay dali-dali siyang lumabas ng kanyang studio-type apartment at tumawag ng taxi. He might end up playing the game she started if she continue to toy with his feelings. "Manong, sa Coffee House. Pakibilisan." Pagdating niya sa coffee shop ay parang namanhid ang kaniyang mga paa. Did I really go here? Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. I think I'm crazy. Napalagok siya ng laway nang lumabas ang dalaga at unti-unting palapit sa kaniyang kinatatayuan. Kagaya ng ekspresyon ng mukha niya, ay mukha ring nahihiya ito. Nagkaroon siya ng lakas ng loob na magpanggap na normal lang ang lahat. "Miss, nandito na ang uber driver mo," biro niya. "I didn't expect you to come." "Why did you send me that text then?" Napakamot ito ng ulo. "My workmate sent you that text. And you also texted me first." Sinasabi na nga ba na-scam na naman siya ni Tamara. Bakit ba siya nagpadala sa panggu-good time nito? At nagawa pa talaga nitong ngumiti sa harap niya. "Pumunta ka ba dito dahil nag-aalala ka?" "Sinong may sabing nag-aalala ako? May itatanong lang akong importante." "So, what is this important thing you're going to ask that you came running here?" "Math problems." "Bravo." Pinalakpakan siya nito. "You're a bad liar." "I'm not lying." Totoo naman na may itatanong siya kaya may kalahating katotohanan ang palusot niya. "You're just shy, I know." "And you're a shameless scammer." "Oh. Aren't we compatible? Want to be my boyfriend?" "You're really shameless." Inabot niya ang dalang payong sa dalaga. Nakangusong tinanggap iyon ni Tamara. "Why are you acting like a caring boyfriend?" "Didn't you say you want to be my girlfriend? This is role playing." "What?" Ngumiti si Tamara habang iniiling ang ulo. Bago pa man tuluyang magsingpula ng kamatis ang kanyang tainga ay inunahan na niyang maglakad ang dalaga. It was too late to regret. Nasangkot na siya sa larong sinimulan ni Tamara. At kung wala mang exit ang larong iyon, bahala na si Batman. Nakangiting tumakbo si Tamara para pantayan si Casen. "Nilalagnat ka ba?" anito at hinawakan ang kaniyang noo. "Normal naman ang temperatura mo." He looked at her with a fed up expression. "If you don't want me to leave you here, shut your mouth." "Okay," sagot nito sabay kilos ninja na hinawakan ang kaniyang kamay. "Oops, 'wag kang aangal, parte 'to ng role playing." He turned his head away when she's trying to meet his eyes. It felt like there was a butterfly in his stomach that keeps shaking his internal organ. Darn. He's doomed. He was trapped in a game with no escape. "Puwede bang malaman kung hanggang kailan ang validity nito?" "One minute validity." "Wow, you're so cheap."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD