Linggo ng umaga, natapos na lang ang examination nila pero hindi pa rin gumagaling ang ubo at sipon ni Casen. Bawat pagtahol niya ay tanda ng angkin niyang kagitingan. Kagitingan nang sunduin niya si Tamara sa rumaragasang ulan. Tumatanda na ata siya at tinatablan na siya ng sakit.
Uminom si Casen ng isang basong tubig at bumalik na ulit sa higaan.
Pinilit niyang ipikit ang mga mata pero hindi talaga siya makatulog. Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa study table. Online ang mga kaibigan kaya nakipaglaro muna siya ng pubg para magpalipas oras.
Nag-eenjoy siya sa paglalaro nang biglang may lumabas na message galing kay Pael.
"Your girl is so hyper."
Huh. Wala siyang masabi matapos makita ang sinend nitong video.
"This bastard..."
"Your message is blocked. You can't reply to this user," reply niya at babalik na sana sa paglalaro nang may isinend naman itong picture ni Tamara. Halos wala ng bukas ang mga ngiti ng babae sa litrato.
"She was smiling like a fool when I'm sick in bed," nagtatangis ang bagang niyang pagkausap sa hangin. Tiningnan niya ulit ang mga panakot sa dagang kuha ni Tamara.
"Bakit magkasama ang dalawang ungas?" Nakakapagtaka na nasa labas ang homeboy niyang kaibigan kasama ang mortal niyang kaaway.
May group assignment ba siyang nakakalimutan?
Tinext niya ulit ang mokong.
"Where are you?"
"Curious?"
G*go.
May picture na namang kasama ang reply nito.
Nang-aasar ba siya?
Mukha ba siyang interesado sa pagmumukha ni Tamara?
Nakatalikod ito sa picture at pakiwari niya ay gumagawa ang mga ito ng mural painting. Mukhang para iyon sa club activities. Naalala niyang sumali nga pala ang dalaga sa art club matapos magoyo ni Pael.
"Tinatanong ng girlfriend mo kung okay na ang pakiramdam mo."
Girlfriend, my a*s.
"Wala akong girlfriend."
"Huwag niyo 'kong gawing taga-text."
"Ge.Take care of her since she's an idiot."
"Okay. Noted. Sweet boy, Casen."
Napailing na lang si Casen. Habang tumatagal nagiging parehas na ang tabas ng dila ng mga ito.
Itatabi na sana niya ang cellphone nang mag-ring iyon.
Sinagot niya ang video call.
"What?"
"You okay?"
"Mukha ba akong okay?"
"Mukha ka namang okay. Guwapo ka pa rin."
Saan ba nito napupulot ang mga korni banat na iyon?
"Why did you call?"
"No reason."
What the—
"Bye." Papatayin na niya sana ang tawag nang umimik uli ito.
"Want me to take care of you?"
He was a little taken aback. Pakiramdam niya ay namula ang mga tainga niya sa sinabi ng babae. He was trying to suvive the cold virus but he was attack by this dangerous Tamara virus.
"Marunong ka bang mag-alaga ng may sakit? I doubt it, Ms. Montañez."
"You can give your cold to me so you won't be sick anymore."
"You're unbearably cheesy."
"Kidding. I'm just dropping by to deliver your medicine. Nag-aalala lang bilang isang mabuting kababayan. Hindi mo ba pahihintulutan ang magandang binibining nag-aalala sa 'yo?"
"Even if I say no, I'm sure you'll still insist."
"Then I'll take it as a 'yes."
"End the call now. I'm tired."
"Okay bye. Wait for your fake girlfriend."
Inaasahan na niya ang mga ganoong linyahan ni Tamara pero hindi pa rin talaga siya masanay-sanay.
Tama ba ang naging desisyon niya o umapak na naman siya sa bitag?
Hinipo niya ang ulo para tingnan kung epekto iyon ng sakit.
"Masama nga ang pakiramdam ko."
Humiga siya para i-klaro ang isipan. Mukha kasing malala ang tama ng lagnat sa kaniya.
Lumipas ang oras, hindi namalayan ni Casen na nakatulog siya. Nagising na lang siya nang may mag-doorbell.
Kalahating pikit siyang lumabas ng kuwarto at pinagbuksan ang kaniyang bisita.
Nagising ang buong diwa niya nang makita ang babae sa harapan.
It's annoying that she is so pretty.
Sinaraduhan niya ang pintuan at lumabas. Masyadong delikadong papasukin ito sa loob.
"Hindi mo ba ako papasukin man lang?"
"You're just dropping the medicine, right?" aniya at inilahad ang palad.
Lumapit ito at nilagay ang kanang kamay sa kaniyang noo. Parang kinuryente si Casen na 'di mawarian. If he was in his original state, he will immediately move away from her but at that moment he doesn't have the gut to do so.
"Wala ka namang lagnat. Pero bakit—" Walang pakundangang inilapit nito ang mukha sa kanya. "—namumula ka?"
At nginitian siya. Sino ba naman ang lalaking hindi mamumula sa ganoong sitwasyon?
Lumayo agad siya sa babae nang mabalik sa ulirat.
"Pinagluto pa naman kita, hindi mo talaga ako papasukin?"
"Ten minutes.Ten minutes ka lang puwedeng tumapak sa teritoryo ko. Naiintindihan mo ba?"
"Yes, Sir!" May pagsaludong sagot ng pasaway.
Hindi niya inaasahan na ipagluluto siya ni Tamara. Siguro naman ay edible ang pagkaing nasa harap niya.
Una niyang tinikman ang lugaw na hindi niya maintindihan kung lugaw ba talaga. Nilugaw sa sabaw siguro ang tamang term sa pagkaing iyon.
"Ano, okay ba?" tanong ni Tamara.
He was quite shock that it taste good. Ang kababata niyang naghahasik ng lagim sa kusina noon, marunong ng humawak ng sandok ngayon.
Nakahalumbaba lang ito habang pinagmamasdan siyang kumain.
Wala talaga sa diksyonaryo nito ang salitang 'awkward'. Pagkatapos niyang kumain at uminom ng gamot ay niligpit na nito ang mga dalang gamit.
"Are you leaving?"
"Why? Do you want me to stay?"
"Ituturo ko lang sana 'yong pintuan."
"I wanted to stay longer but sadly I have a part time job."
"Do you also work on weekends?"
"No. Malapit na ang bakasyon kaya nagdagdag ako ng part-time."
"Workaholic robot."
"Is that a compliment? Thank you."
He wondered why she has to work hard that much. He can't help but get curious to what had happened to her and what she had been through during the three years they had been away from each other.
Sinundan niya palabas si Tamara. Nagtaka naman ito dahil hindi siya bumalik sa loob.
"No need to walk me out. You're sick."
"I insist."
"Wow. Effective ata 'yong gayuma na inilagay ko sa pagkain mo."
"Maybe."
Nakatitig lang ito. Pinagmamasdan siya.
Lately, hindi niya matantya ang ugali ng babae. Naguguluhan siya sa mga kakaibang ikinikilos nito. Kung panaginip man ang lahat ng iyon, sana ay mamulat na siya sa katotohan. Ayaw niyang mahulog sa patibong kung saan wala siyang lusot.
"Are you a baby?" Lumapit si Tamara at inayos ang suot niyang jacket. Hinila nito ang zipper pataas hanggang umabot sa dulo tapos sinaklob ang hood sa kaniyang ulo.
"Hayan, ayos na. Keep yourself warm."
"I'll suffocate at this rate."
"It's better than to be cold. Pasaway ka kaya panindigan mo 'yan."
She sounds like his mom. Panahon na ba para mag-cease fire at magkaroon sila ng peace agreement? Maybe it is not that bad to be her friend.
"Thank you."
"Thank you for what?"
"For the food." Pero mahirap pa rin talaga para sa kaniya na kausapin ito ng matino. Kumukontra ang dila niya.
"If you're truly grateful, you should treat me to a meal someday."
"Okay." He said it coolly.
"Himala. You're being friendly all of a sudden."
"You don't want to be friends?"
Her eyes is in a state of shock as she looked at him.
"What an honor. Qualified na 'ko sa criteria?"
"Hindi siguro masamang ideya na magkaroon ng famous na kaibigan."
"But I don't want to be your friend."
"So you don't want to associate yourself with a loser?"
"No. I want to be more than friends. Saranghaeyo, my friend."
She is crazy showing him a finger heart at the moment but he is crazier to find that cute. Ano bang nangyayari sa kaniya?
"Binabawi ko na lahat ng sinabi ko."
Tumawa ang baliw na babae.
"Okay. Let's be friends... for now."
Nakakabagabag na parang may masamang lihim sa likod ng mga salitang iyon. Nakipagkontrata ba siya sa alagad ng kadiliman at buhay niya ang collateral?
"You're scaring the hell out of me."
"Abangan mo ang mga susunod pang kabanata."
"I despised horror."
"No worries. It will be sweeter than any romance."
"That's more terrifying."