"Dok, kamusta na po si Sky?" tanong ni Iñigo habang napupuno ng kaba ang kaniyang dibdib. Kasalukuyan siyang nasa labas ng E.R. kasama ang ama ni Sky. Naghihintay sa sasabihin ng doktor. "They are both fine," sabi ng doktor. Nagkatinginan ang dalawa tila hindi mahinuha ang nais nitong sabihin. "What do you mean by they?" tanong niya. "Hindi n'yo ba alam? Buntis po ang misis n'yo," sabi nito. Muling nagkatinginan si Iñigo at ang ama ni Sky sa labis na pagkagulat. "She's not my wife. I-I am just her best friend," sabi niya. "Ako naman ang kaniyang ama. I-iyong sugat niya?" Nauutal na tanong ng ama ni Sky. Tila naintindihan naman ng doktor ang tanong nito. "Actually, stress po ang dahilan kaya nawalan ng malay ang pasyente at kulang din ang vitamins na puma

