“Nasaan tayo?” tanong ni Sky nang mapansing wala sila sa lugar na pupuntahan nila. “May ipapakilala lang ako sa’yo,” sagot naman nito. “Ipapakilala?” Napatingin si Sky sa pintuan ng isang bahay nang may isang may edad na baba ang lumabas mula roon at lumapit sa kanila. “There you are, Iñigo.” Napatingin naman ito kay Sky kaya napayuko ang dalaga bilang pagbati. “Hello po.” “Are you?” Tila may hinuha naman ito kung sino siya. “Yes, Ma. She is,” sagot naman ni Iñigo sabay bigay ng isang matamis na ngiti. “Oh, glad to see you dear. Iñigo, talks about you a lot.” “Ma…” “Come in. Feel at home.” Kaagad naman silang iginiya nito papasok sa loob ng bahay. Inilibot naman ni Sky ang paningin sa buong bahay. Masasabi niyang mula rin sa mayamang angkan ang p

