"Tita Millet, si Earth po?" tanong niya. "He's in the kitchen, preparing for food," tugon nito. Kasalukuyang nag-aayos ng bulaklak sa vase si Millet nang dumating sila Sky at Iñigo. "Uhm… Tita," pagtawag niya sa atensyon ng ginang. Kaagad naman itong humarap sa kaniya at ngumiti. "Yes? Is there any problem, Iha?" tanong nito. "Tita, meet Iñigo Salazar, my boss," pagpapakilala niya sa kasama. Tiningnan naman ng ginang si Iñigo at kaagad na inabot ang kamay nito upang makipagkamay. "Siya rin po pala si Kier." Napatingin si Millet kay Sky kasunod ng pagkunot ng noo nito. "A-ano bang pinagsasabi mo, Sky?" seryosong tanong nito. Tila hindi nito maintindihan ang nais niyang sabihin. "Paanong siya si Kier? If this is a joke, hindi nakakatuwa." Tumalikod ito at kaag

