“Hmmmm…” Marahang umikot ang baso ng alak sa kamay ng matandang Moretti. “May kondisyon akong ilalatag sa’yo… Jeon.” Tahimik ang buong bulwagan. Kahit ang mga nasa balcony ay tila mas lumapit upang makinig. “Maari bang magpakilala kang nobyo ng aking anak… sa darating na malaking pagtitipon.” Isang mabigat na pause. “At kapalit noon,” dugtong niya, “sasabihin namin sa’yo ang lahat ng gusto mong malaman tungkol sa mga kalaban mo.” Hindi gumalaw si Jeon. Hindi siya nagulat sa mukha. Pero sa loob— alam niyang hindi ito simpleng pabor. Ito ay political alignment. Si Lucia ay hindi agad nagsalita. Ngunit ang tingin niya kay Jeon ay waring nanunukat. “Engagement announcement,” dagdag ng matandang Moretti. “Temporary. Public appearance lamang.” “Symbolism,” mahinang sabi ni Lucia.

