CHAPTER 3

1567 Words
Ang unang gumising sa dalaga ay hindi sakit— kundi katahimikan. Mabagal nyang idinilat ang mga mata, handang salubungin ang dilim o bakal ng kulungan. Ngunit ang bumungad sa sknya ay kisame na may ukit na ginto, kristal na ilaw na marahang kumikislap, at mga kurtinang sutla na kumakaway sa malamig na hangin. Napaupo sya bigla. Hindi ito kulungan. At iyon ang mas nakakatakot. Malawak ang silid—parang silid ng reyna. Mamahaling muwebles, makintab na sahig, at isang higaan na mas komportable pa kaysa sa kama sa sarili nyang bahay. Ngunit sa kabila ng karangyaan, ramdam nya ang pagkakakulong. Dahil sa pintong iyon. Makapal. Bakal. May dalawang kandado sa labas. Tumayo sya at sinubukang buksan—walang galaw. Isang hakbang pa lang palayo, may pumasok na babae at dalawang armadong lalaki. Hindi sila nagmamadali. Hindi rin sila agresibo. Para bang sigurado silang wala mapupuntahan ang dalaga. “Nasaan ako?” tanong nito sa mga pumasok, pilit pinatatatag ang boses. Ngumiti ang babaeng naka-itim—hindi palakaibigan, hindi rin malupit. “Sa kampo ng mga may-ari na sa’yo,” sagot niya. Nanlamig ang dugo nya sa narinig. “May-ari?” Lumapit ang babae at inilapag sa mesa ang isang folder. Makapal. May pulang selyo. Nang buksan ito ni angelic, nandoon ang mga dokumento—mga lagda, mga numero, at isang pamilyar na pirma na agad nyang nakilala. Sa ama nya ang sulat kamay na yon. Nanghina ang tuhod nya hindi sya makapaniwala . “Hindi… ano ‘to?” “Utang,” diretsong sabi ng babaeng kaharap. “At ikaw ang ibinayad.” Parang may humigpit sa dibdib ni angelic. Ang alaala ng kanyang amang umiiwas ng tingin, ang mga gabing hindi siya umuuwi, ang mga lihim na ayaw niyang ipaliwanag—bigla silang nagtagpi-tagpi. “Hindi niya ako puwedeng ipagbili,” pabulong nitonng sabi. “Anak niya ako.” Tumingin sa Kay angelic ang babae, may bahagyang awa sa mga mata ngunit hindi nito pinahalata. “Sa mundong ‘to,” sagot niya, “mas mahalaga ang kasunduan kaysa dugo.” Umupo si angelic sa gilid ng kama, nanginginig ang mga kamay. Hindi sya umiiyak. Hindi pa. Para bang tinangay muna ng katotohanan ang kakayahan nyang umiyak. “Anong gagawin n’yo sa akin?” tanong nya sa mga ito. Bahagya siyang ngumiti. “Iyon,” sabi niya, “ay depende kung gaano ka kahalaga sa lalaking kinakalaban namin napansin kasi namin ang pagkahumaling nya sayo"saad nito. Doon naintindihan ni angelic ang buong larawan. Hindi lang sya binenta. Ginamit sya. Bilang bayad. Bilang armas. Bilang mensaheng ipinadala sa lalaking pinili syang angkinin. Nang maglakad palabas ang babae, huminto siya sa pinto at nagsalita nang hindi lumilingon. “Magpahinga ka,” sabi niya. “Hindi ka basta-basta hahawakan.” Sumara ang pinto. Kumalabog ang kandado. Sa gitna ng karangyaan at katahimikan, doon nya tuluyang tinanggap ang katotohanan: Ipinambayad sya ng sarili nyang ama sa utang nito dahil pagkakalulong sa bisyo na sugal. At ngayon, sya ang hawak ng kaaway ng lalaking kayang sunugin ang mundo para sa sknya . At sa unang pagkakataon mula nang magising sya umiyak sya Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa pagkawasak ng salitang pamilya.. Mas masakit pala ang galit kapag galing sa dugo. Nakatitig ang dalaga sa kisame ng magarbong silid, pero ang nakikita nya ay ang mukha ng ama nya—ang lalaking minsang tinawag nyang tatay. Hindi sya makapaniwala. Kahit paulit-ulit nyang hawakan ang mga dokumentong may pirma nito, ayaw pa ring tanggapin ng puso ni angelic. Hindi na siya naging mabuting ama simula nang mamatay ang ina ni angelic. Unti-unti siyang nawala—sa sugal, sa bisyo, sa mga lihim na hindi niya kailanman ipinaliwanag. tanging si angelic ang natira. sya ang nag-adjust. sya ang umintindi at umunawa. At ngayon— sya ang ipinambayad ng ama. Walang pagdadalawang-isip. Walang laban. Walang kahit isang tanong kung masasaktan ang dalaga. “Anak mo ako…” pabulong nyang sabi sa hangin, nanginginig ang boses. “Paano mo ‘to nagawa?” Mas masahol pa sa takot ang naramdaman nito. Ito ay pagkawasak ng tiwala—isang sugat na hindi kayang gamutin ng oras. Biglang bumukas ang pinto. Napabalikwas sya sa kama. Pumasok ang isang lalaking hindi nya pa kailanman nakita—matangkad, malapad ang balikat, may ngiting hindi umaabot sa mata. Suot niya ang mamahaling suit, ngunit ang presensya niya ay mas mabigat kaysa bakal. Ito ang isa pang halimaw. Ang kaaway. Ang lalaking isa sa nakatakdang angkinin sya. “Gising ka na pala,” sabi niya, mabagal ang bigkas, parang nilalasap ang bawat salita. “Akala ko kailangan pa kitang hintayin.” Hindi sya sumagot. Tinitigan niya nang diretso ang binata —hindi dahil matapang sya, kundi dahil wala na syang ibang ipagkakait. Lumapit siya, sinipat ang silid na parang sinusuri ang isang regalong binili niya. “Maganda ang kwarto, ‘di ba?” sabi niya. “Pinili ko ‘yan para sa’yo.” Hindi napigilan ang sarili ng dalaga . “Hindi ako bagay.” Tumawa siya—mahina, pero malamig. “Lahat ng bagay,” sagot niya, “ay bagay kapag may presyo.” Huminto siya sa harap dalaga. Inabot ang baba nito, pinilit nitong tumingin sa kanya. Hindi siya marahas—pero ramdam ni angelic ang kapangyarihan niya sa simpleng galaw na iyon. “Alam mo ba kung bakit ka nandito?” tanong niya. “Dahil ipinagbili ako ng ama ko,” sagot nito, puno ng poot. “Dahil wala siyang lakas ng loob na akuin ang kasalanan niya.” Kumislap ang interes sa mga mata niya. “Magaling,” sabi niya. “Hindi ka umiiyak. Karamihan, umiiyak.” “Hindi ako para sa’yo,” mariin nyang sabi sa binata. Ngumiti siya—isang ngiting mas lalong nagpalamig sa dugo nya at buong katawan. “Hindi mo kailangang pumili,” wika niya. “Kasunduan ito.” Tumalikod siya, saka huminto sa pinto. “Maghanda ka,” dagdag niya nang hindi lumilingon. “Sa mundong ito, may dalawang uri ng lalaki—ang demonyong nang-aangkin… at ang halimaw na hindi nagpapakawala.” Sumara ang pinto. At naiwan syang mag-isa, nanginginig—hindi lang sa takot, kundi sa kaalamang sya ay nasa gitna ng digmaan ng dalawang halimaw. Isa—ang lalaking pinili syang angkinin. At isa—ang lalaking balak syang wasakin para sa kalabang sa ngalan ng kapangyarihan. At sa gitna nila, ang dalaga— ang babaeng ipinangbayad ng sariling ama. Tumunog ang telepono sa mesa ni Jeon luke Devereaux—isang tunog na bihirang mangahulugan ng mabuti. Isang numero ang lumitaw. Walang pangalan. Pero kilala niya ang tumatawag. Hindi siya nagmadaling sagutin. Hinayaan muna niyang tumunog—isa, dalawa, tatlo—parang ipinaparamdam kung sino ang may kontrol. Nang sa wakas ay pindutin niya ang screen, malamig ang tinig niya. “Magsalita ka.” Isang mababang tawa ang sumagot sa kabilang linya—mapanukso, puno ng yabang. “Palagi ka talagang diretso sa negosyo, jeon.” Humigpit ang panga ni jeon. “Kung tumawag ka para magsayang ng oras—” “Nasa akin siya.” Tumigil ang mundo. Isang segundo. Dalawa. Hindi gumalaw si jeon, pero ang buong silid ay tila nanlamig. “Mag-ingat ka sa susunod mong sasabihin,” mahinahon niyang sagot. Mas delikado ang katahimikan niya kaysa sigaw. Tumawa ang lalaki sa kabilang linya. “Maganda siya,” dugtong nito. “Tahimik. Matapang. Hindi umiiyak tulad ng inaasahan ko.” Humigpit ang pagkakahawak ni jeon sa telepono. “Kung may galos siya—” mababa ang tinig niya, puno ng banta. “Wala kaya relax,” mabilis na sagot ng kalaban. “Magarbong silid. Malambot na kama. Hindi ako bastos inaalagaan at inaasikaso ko pa nga eh .” Sandaling katahimikan, saka idinagdag ng lalaki ang linyang sadya para manakit. “Tutal… regalo siya ng ama niya sa akin at bayad sya .” May bahagyang tunog—basag na salamin—nang mahigpit na isara ni jeon ang kamao niya sa mesa. “Hindi mo siya pag-aari,” mariin niyang sabi. “Pero hawak ko siya at sa akin sya ipinambayad ng ama nyang walang kwenta,” sagot ng kalaban. “At alam mo kung ano ang mas masakit doon?” Huminto ito sandali, parang nilalasap ang sandali. “Hindi ka niya hinihintay kasi hindi ka pala nya kilala. Nandito siya. Sa mundo ko.” Dahan-dahang tumayo si jeon. “Makinig kang mabuti,” sabi niya, bawat salita ay mabigat na parang bala. “Hindi ka tumatawag para mag-asar.”sabi ni jeon. “Tumatawag ka,” dugtong niya, “dahil kinakabahan ka.” Isang maikling tawa ang narinig. “Sigurado ka?pinapaalam ko lang sayo na nasa akin ang Isang magandang bagay” “Oo,” sagot niya. “Dahil kung sigurado ka sa hawak mo—hindi ka tatawag.” Tumahimik ang linya. “At ngayon,” patuloy ni jeon, “pakinggan mo ‘ko. Hindi ko siya kukunin sa pakikipag-usap. Kukunin ko siya sa paraan na aalalahanin ng buong angkan mo.” “Matapang ka,” sagot ng kalaban. “Hindi,” wika ni jeon. “May dahilan ako.” Isang click. Tinapos niya ang tawag. Ibinaba niya ang telepono at tumingin sa mga tauhan niya—walang galit sa mukha, puro desisyon. “Alam na ba natin kung nasaan siya?,”tanong nya sa mga tauhan nya. “kung alam nyo na simulan n’yo na Wala kayong ititirang buhay..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD