CHAPTER 4

1171 Words
Tahimik ang silid—masyadong tahimik—hanggang sa marinig nya muli ang click ng kandado. Bumukas ang pinto. Nanlambot ang katawan ni angelic sa mismong presensya ni Jude. Ang lalaking iyon—ang kalaban ni Jeon—pumasok na parang walang karapatang pigilan dahil sya ang hari. Walang nagbabantay. Walang nagtanong. Dahil sa lugar na ito, siya ang batas. Isinara niya ang pinto sa likod niya. Dahan-dahan. Sadya. “Akala ko natatakot ka,” sabi niya, tinatanaw nito ang dalaga mula ulo hanggang paa na parang sinusukat ang isang ari-arian. “Pero galit pala, masaya yan.”sabi ni Jude. Hindi umimik si angelic. Hindi nya ibinaba ang tingin nya. Lumapit siya, huminto sa pagitan ng liwanag at anino. “Maganda ‘yan,” dugtong niya. “Mas tumatagal ang mga ganyan mas ,masarap makipaglaro.”ngumisi ito. “Hindi mo ako pag-aari,” mariin nyang sabi. Tumawa siya—mahina, mabagal. “hmmm alam mo hindi kita ibibigay basta nalang sa lalaking iyon,” wika niya, binibigkas ang bawat salita na parang kutsilyong unti-unting idinidiin. “Akin ka. Dahil ikaw ang bayad sa utang ng ama mo kung may nag mamay ari man sayo ay ako yon.” Parang may humampas sa dibdib nya. Kahit alam nya na, iba pa rin kapag direkta mong narinig mula sa bibig ng halimaw. “Hindi ako pera,” nanginginig nitong sagot. “Hindi ako gamit.” Lumapit pa siya ng isang hakbang at humarap sa Mukha MISMO ng dalaga. Hindi niya hinawakan—hindi niya kailangan. “Sa mundong ginagalawan namin,” sagot niya, “lahat ay may halaga. Ikaw, mataas.” “Hindi ako papayag,” sabi mariing tutol ng dalaga, bagama’t alam nyang walang saysay ang salita. Ngumiti siya—isang ngiting walang init. “Hindi mo kailangang pumayag,” wika niya. “Ang ama mo na ang gumawa non para sa’yo.” Tumigil siya sa harap mismo nya at umupo, yumuko nang bahagya para magpantay ang mga mata nila “At makinig kang mabuti,” dugtong niya, mababa ang tinig, banta ang bawat pantig. “Si Devereaux? Akala mo ililigtas ka non?” Humigpit ang kamay nito sa kumot. “Gagamitin ka rin lang niya,” patuloy niya. “Ako ang may hawak sa’yo. At habang nandito ka—wala kang pangalan. Wala kang karapatan.” Tumayo siya muli, inayos ang manggas ng suit na para bang walang nangyari. “Magpahinga ka,” sabi niya habang naglalakad palayo. “Malapit na ang kasunduan.” Huminto siya sa pinto at hindi lumingon. “At kapag muli kitang nakita,” dagdag niya, “gusto kong malinaw sa’yo kung kanino ka nabibilang at kung sino ang nagmamay ari sayo.” Sumara ang pinto. Kumalabog ang kandado. Nanatili syang nakaupo—hindi umiiyak, hindi gumagalaw—pero sa loob nya, may isang katotohanang umuukit ng apoy: Kung halimaw ang lalaking ito… ang lalaking darating para sa sknya ay mas masahol. At sa unang pagkakataon, hindi nya na alam kung alin ang mas kinatatakutan nya— ang lalaking may hawak sa kanya ngayon, o ang lalaking darating para bawiin sya kahit masunog ang mundo.. hindi na nag-aksaya ng oras sa panunukso si Jude . Lumabas siya ng silid at hinarap ang mga lalaking naghihintay sa labas. Armado. Tahimik. Sanay sumunod. “Bantayan n’yo siyang maigi,” malamig niyang utos. “Huwag n’yong hahayaang makatakas.” Tumango ang mga tauhan, sabay-sabay. “Malaki ang pagkakautang ng ama n’yan sa akin,” dugtong niya, sinisindihan ang sigarilyo. “At hindi pera ang ipinambayad kundi—siya.” Isang lalaki ang nagtanong, “Boss, paano kung subukan siyang kunin ni jeon ” Napangiti siya, isang ngiting puno ng panunuya. “oh!Sigurado akong gagawin niya.” Humakbang siya palayo sa pinto, tumingin sa direksyon ng lungsod na tila alam niyang may galaw na sa kabilang panig. “Si jeon luke Devereaux,” patuloy niya, “hindi marunong umatras kapag may nakatingin sa kanya.” Huminto siya sandali, saka tumingin pabalik sa pintong kinalalagyan ng dalaga. “Ang tingin niya sa babae ay tropeyo,” wika niya. “Patunay ng kapangyarihan. Simbolo ng panalo.” Pinagpag niya ang abo ng sigarilyo sa sahig. “At alam n’yo kung ano ang masarap doon?” tanong niya, hindi naghihintay ng sagot. “Kapag inagaw niya—lalo siyang masasaktan kapag nawala ulit.” Lumapit siya sa isa sa mga tauhan. “Siguraduhin n’yong buhay siya. Maayos. Walang galos.” Tumitig siya sa pinto, ang boses ay mababa at puno ng kalkulasyon. “Hindi ko siya gagamitin bilang babae pero paglalaruan ko syang parang manika sa takdang panahon,” sabi niya. “Gagamitin ko siya bilang digmaan.” At sa loob ng magarbong silid, nakatayo na ang dalaga sa gitna ng karangyaan na parang hawla—walang tanikala, pero walang kalayaan. Hindi nya narinig ang lahat ng sinabi ng lalaki. Pero sapat ang naramdaman nyang kaba Hindi sya tao sa paningin nila. Isa syang presyo. Isang hamon. Isang tropeyo sa digmaan ng dalawang halimaw. At sa gitna ng kanilang pag-aangkin at pag-aagawan, may isang bagay na malinaw na dito— Kung ililigtas man sya ni Jeon Devereaux, hindi iyon magiging tahimik. At kung manatili man sya rito, hindi sya mananatiling sunod-sunuran.. Alam nyang binabantayan sya. Ramdam nya sa bawat segundo. May kamera sa sulok ng kisame—disenyo para magmukhang dekorasyon, pero alam nyang mga mata iyon. Sa labas ng pinto, naroon ang mga armadong lalaking handang pumatay para sa utos ng halimaw na iyon. Wala syang puwang para magkamali. Umupo sya sa gilid ng kama, mahigpit ang hawak sa laylayan ng bestida. Ang mga salita ng lalaki ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ng dalaga.. Bayad-utang. Pain. Ganito pala ang pakiramdam kapag ginawang bagay ang isang tao—kapag ang halaga ay sinusukat sa galit ng dalawang lalaki. Ngunit sa gitna ng takot, may isang bagay na hindi nila inaasahan. Hindi sya duwag. Lumapit sya sa bintana—makapal ang salamin, hindi nababasag, pero malinaw ang tanawin. Mga ilaw. Mga guwardiya. Isang kampong inihanda para sa digmaan. “Sigurado ka bang aagawin niya ako,” pabulong nyang sabi sa sarili. “pero ako Hindi siguradong darating siya.” Sa kabilang panig ng lungsod, may lalaking nagmamaneho nang walang ilaw, tahimik ang loob ng sasakyan, ngunit ang galit ay nagsisilbing makina. Sa bawat kilometro, mas bumibigat ang desisyon—hindi na kung paano, kundi ilang buhay ang mawawala. At sa kampo ng kalaban, muling nagsalita ang halimaw. “Dagdagan n’yo ang bantay,” utos niya sa radyo. “Kung may kahit anong galaw—putulin n’yo.” “Boss,” tanong ng isa, “paano kung dumating siya ngayong gabi?” Ngumiti siya. “Mas mabuti,” sagot niya. “Mas masarap ang tropeyo kapag inaagaw.” Sa loob ng silid, ipinikit nya ang mga mata—hindi para magdasal, kundi para maghanda. Kung gagawin nila syang dahilan ng digmaan, sisiguraduhin nyang may babagsak. At sa pagitan ng dalawang halimaw— isa man syang bihag, ngunit hindi lang sya tatahimik na bayad-utang..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD